Chapter 33

25 0 0
                                    

Chapter 33

Wala na bang mas sasakit pa sa nalaman ko? Wala na bang dadagdag pa? Why this world is so cruel to me? Why this world is so unfair? Bakit hindi na lang nila ako hayaan na gawin ang mga bagay na gusto ko? Bakit kinakailangan pa nilang hadlangan ang mga 'yon?

Akala ko alam ko na ang lahat ngunit nagkamali ako. Akala ko wala ng sekreto na hindi maibubunyag pero meron pa pala. This is their darkest secret that they don't want to tell me.

That I have a condition called multiple personality disorder. How ironic this should be. How ironic my life is?

Napakagulo.

"It was developed when Summer was kidnap when she was five years old. She was tortured back then. At a young age, naranasan niya ang kalupitan ng mundo sa kanya. You are her defense mechanism. She created you to protect her," ramdam ko sa boses ni Mama ang lungkot. "My daughter wants a normal life. This is her dream that she never feels it. All her life was miserable, full of action. But then the accident happened. To protect Summer, Spring needs to be dead and they should put all the blame on her. The plan was perfect but at the same time... dangerous," she added, and my heart shattered into pieces.

Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa aking mata, naka-upo pa rin ako sa sahig habang pinapakinggan ang kuwento ni Mama. I thought I will be okay if I will know the truth. But I guess I was wrong.

Dahil napakasakit nitong nararamdaman ko. All hopes were gone. All the plan that I created was destroyed. Hindi ako normal at 'yon ang totoo.

"P-pero ang m-mga alaala..." hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin pero alam na nila kung ano 'yon.

"You trigger her memories and that's the reason why you're seeing her memories," aniya habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya.

Trigger her memories? Is that the reason why I am seeing her past? Dahil natrigger ko ang memorya niya? At 'yong... 'yong mga nangyayari sa'kin na hindi ko namamalayan, siya ba ang taong 'yon? Did we alter if I trigger her memories?

Gano'n ba ang gusto nilang iparating sa'kin?

"Nasaan si Asher? K-kailangan kong maka-usap ang kapatid ko," sabi ko habang tumatayo kahit na nanginginig ito at walang lakas.

I need to talk to him. Siya lang ang makakapagsabi sa'kin kung totoo ang sinasabi ni Mama. I need to confirm it from him. Sa kanya lang ako maniniwala. Baka... baka ito 'yong paraan nila para patigilin ako sa binabalak kong gawin.

"For what? Para itanong kung totoo ang sinasabi ko? Totoo ang lahat ng ito, Jorge. Totoo."

Umiling ako sa sinabi ni Mama. Naglakad ako ng mabagal paakyat sa taas. Paniguradong nasa kwarto lamang siya at hindi siya pinababa ni Mama para hindi siya madamay dito.

"Asher, bumaba ka! We need to talk, Asher!" I screamed at the top of my lungs.

Nakakailang hakbang pa lang ako paakyat nang may humila sa'kin pababa. I tried to get rid of someone's hand, but it just tightens its grip for me not to get away. Ilang beses ko pa ulit tinawag si Asher habang nagpupumiglas ngunit walang bumababa mula sa pangalawang palapag.

Alam kong naririnig niya ako, hindi naman soundproof ang kwarto niya pero bakit hindi pa rin siya bumababa? Pero hindi ako tumigil. I continue to call his name pero wala talagang bumababa.

Tumigil na ako sa pagtawag at pagpupumiglas. Wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak nang umiyak. Walang kapagurang paglandas ng mga luha sa'king mga mata.

"Asher's not here. Pati buhay niya ay ginulo mo. For the meantime, you can't see him," malamig na turan ni Mama.

"A-ano bang ginawa kong mali para ganituhin niyo 'ko?" My voice cracked and another set of tears flow down on my cheeks.

Summer ( Season Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon