Chapter 1

202 16 29
                                    

Chapter 1

"Bumalik ka rito! Habulin niyo mga inutil! Huwag nitong hayaang makatakas!"

Tatawa tawa ako habang tumatakbo habang sila hindi nila alam ang gagawin, kung susundin ba ang amo nilang tabachoy o hayaan na lang akong tumakbo. Pero sa huli ay hinabol nila ako dahil takot sila kay tabachoy.

"Nye, nye, nye nye nye! Habulin niyo ako mga pangit! Ang babagal niyo naman!" Pang-aasar na sigaw ko sakanila. Mukhang lalo yata silang nainis dahil sa sinabi ko kaya natawa na lang ako lalo.

"Habulin niyo! Tangina, bilisan niyo namang tumakbo!" Rinig kong utos ng tabachoy at panay ang reklamo ng mga kasama nito.

Napailing na lang ako at ngumisi. Sila na nga ang nauna tapos sila pa ang pikon. Mga tao nga naman. Naglalakad lang naman ako sa may kanto papunta sa coffee shop kung saan kami magkikita ng mga kaibigan ko nang bigla nila akong harangan.

Binastos lang naman ako ng mga pangit kaya ang ginawa ko sinapak ko sila isa-isa. Aba, anong akala nila sa'kin, babaeng walang binatbat? Huh, utot nila! Kaya ayan, napa-away pa ako ng wala sa oras.

Wala naman talaga akong balak na patulan sila, e, kaya nga lang sila lang talaga ang ubod ng kulit kaya they left me with no choice but to messed with them, too.

Mabilis akong tumakbo hanggang hindi pa nila ako nahahabol. Nang mawala ako sa paningin nila ay naglakad na ako hanggang sa makarating ako sa coffee shop. Pagkapasok ko pa lang rinig na rinig ko na ang mga tawanan ng mga kaibigan ko kaya agad ko silang nilapitan. Naunang nakapansin sa pagdating ko si Lopez.

"Oh, nandito na pala si Jorgy! Bakit ang tagal mo? Kanina pa tumatawag si Marcus hindi ka raw sumasagot. Sana all!" Pang-aasar ni Lopez at sinabayan pa niya ng palakpak. Agad siyang binatukan ni Grace kaya muntikan siyang masubsob sa cake na nasa lamesa.

"Grabe Grace! Uso talaga ang batok sa'yo, ano?" Sarkastiko nitong sabi, umupo ako sa tabi ni Marcus na ngayo'y nakakunot ang noo at halatang nainis. Napanguso naman ako sakanya.

"Galit ka?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot. Umiling siya. Napailing naman ako, ganito ba ang galit, magkasalubong ang kilay? Niyakap ko ang braso ko sakanya at pinatong ang ulo sa balikat. "Galit ka eh. 'Wag na galit, please."

Nagpacute ako lalo sakanya para mapatawad niya ako kaagad. Madali lang naman siya magpatawad basta mahuli mo lang ang kiliti nito ay ayos na siya. Hindi niya ako pinansin. I pout and batted my lashes to make it more effective.

"Ayan ayan ayan, ang lalandi niyo! Jusko, 'wag kayo dito maglandian please! Mga sakit sa mata eh." Iritang wika ni Grace sabay takip sa mata na agad ding tinakpan ni Lopez.

"Bitter ka kasi Grace, hindi ka kasi pinapansin ni Jasper kaya ganyan." Turan naman ni Ella na busy sa dyaryo, paniguradong naghahanap na naman siya ng mapapasukan trabaho.

"Gusto mo hanapan kita Grace?" Taas kilay na sabi ni Diego habang nakapaskil ang pilyong ngiti.

"Gusto mo nito?" Pinakita nito ang kamao na agad namang umiling si Diego. Pare-pareho kaming natawa dahil takot siya. Niyakap ko naman si Marcus pagkatapos hinalikan sa pisngi.

"May mga humarang lang sa akin papunta dito, pinagtrip-an nila kaya medyo natagalan ng dating," explain ko sakanya kaya napatingin siya kaagad sa akin. Agad niyang tiningnan kung ayos lang ba ang lagay ko o kung may sugat ba akong natamo.

"Okay ka lang? Anong ginawa nila sa'yo? Sinaktan ka ba nila?" Napakamot naman ako sa batok ko.

"Hindi naman nila ako sinaktan, sila pa yata ang nasaktan eh," inosenteng sagot ko tsaka kumain ng dark chocolate cake.

Mahinang nahampas ni Ella ang lamesa kaya umalog ang mga laman nito. Mabuti na lang at mahina kung hindi nadumihan ang mukha ko.

"Hulaan ko, nakipag-basag ulo ka sakanila, ano?" Sabi nito na para bang siguradong sigurado sa tanong while she snaps her finger.

Natawa ako, "Hala, paano mo nahulaan? Ang galing! At dahil dyan, Lopez, bigyan ng jacket 'yan!" Pumalakpak pa ako, si Lopez naman ay kunwaring binigyan ng jacket si Ella. Nakatanggap siya ng malakas na hampas kaya tawa ako ng tawa sakanila.

"So, nakipag-basag ulo ka nga talaga?"

Napatigil ako sa pagtawa nang mahimigan kong galit nga talaga ang boses niya. Shit naman, o! Basag ulo na ba kaagad ang tawag sa self-defense? Masama na bang protektahan ang sarili mula sa masasamang loob?

"Peste, napahamak pa tuloy ako," bulong ko 'tapos ngumiti ng alanganin. "I did that to protect myself, Marcus. Self-defense lang naman 'yon, e," pagrarason ko kahit totoo naman ang sinasabi ko. It is not my fault na nakipag-away ako.

"Kahit na! Paano kung may dala silang patalim?" tiningnan niya ako ng maigi.

"E—"

"Wag mong irason sa'kin na marunong ka sa self-defense. Hindi sa lahat ng pagkakataon magagamit mo 'yan." Hindi na niya ako pinatapos magsalita at bigla na lang siyang tumayo saka lumabas sa coffee shop. Napabuntong hininga na lang ako at dinaan na lang sa pagkain ng cake.

"Nangangamoy LQ. Nangangamoy suyo na naman," Rinig kong sabi ni Lopez ngunit hindi ko na lang iyon pinansin.

BUONG magdamag ay hinintay ko kung tatawag ba siya sa akin o kung magte-text man lang. Pero hindi niya ako tinawagan o kahit isang text lang. Doon ko talaga masasabi na galit siya sa'kin. Alam ko naman pagkakamali ko pero alam naman na niya na ganito ang nangyayari. Alam naman niya na hindi ko maiiwasang makipag-away.

I sighed.

"Jorge Alvarez! Nakikinig ka ba?!"

Napaigtad ako dahil sa biglaang pagtawag ni Miss Dakota sa akin. Come on, hindi ba niya nakikita na tulala ako sa kawalan? Malamang sa malamang ay hindi ako nakikinig sa kadahilanan na naglalakbay ang aking utak sa milky way.

"Ah, hindi po?" Alanganing sagot ko sakanya, nagkasalubong naman ang sabog nitong kilay at ilang segundo pa lang ay sumigaw na ulit siya.

"Stand up until the class is done!" Masungit nitong sabi at tamad akong tumayo. Pumunta ako sa gilid ng white board pagkatapos sinandal ko ang ulo ko dito. Wala naman akong magagawa kundi sundin ang dragon kong teacher.

Ganito naman palagi ang nangyayari sa amin ni Miss Dakota, palagi siyang naiinis sa akin kahit hindi ko naman alam ang rason. Minsan nga napapaisip na lang ako na favorite student niya ako.

Nagsimula na ulit siyang mag discuss at kitang kita ko na bagot na bagot na naman ang mga kaklase ko sakanya. Sino ba naman ang hindi mababaagot kung ang dini-discuss nito ay ang talambuhay na naman niya. Minsan talaga hindi ko ma-gets ang mga guro. Nagtuturo nga pero 'yong iba naman puro talambuhay ang sinasabi. 'Yung iba naman out of the topic kaya ang mga estudyante nagse-self-study na lang. Tapos kung mababa ang nakuha sa mga quizzes o exam sila pa galit dahil hindi kami nakikinig.

But that's how life works.

Dahil sa boring ko at nangangalay na ako sa pagtayo, kinuha ko ang upuan ni Miss Dakota at doon umupo. Pinatong ko pa ang braso ko sa sandalan ng upuan tapos tatango-tango sa mga sinasabi nito.

Nakita naman ni Ella ang ginawa ko tapos kinalabit niya sila Grace, Lopez at Sha at nginusuhan ako. Mahina silang natawa dahil sa ginawa ko. Napatingin naman ako kay Lopez na may sinisenyas sa akin kaya napapatingin ako doon.

Nanlaki ang mata ko nang uupo si Miss Dakota. Parang tumigil ang mundo ko nang makita siyang nakahandusay sa sahig habang nakatingin sa akin. Ah, dapat bang sinalo ko siya gamit ang upuan?

"JORGE ALVAREZ!"

Another world war.

Summer ( Season Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon