Chapter 2
Pinarada ko ang MV Agusta sa parking lot pagkatapos tinanggal ko naman ang helmet. Bumaba ako't tiningnan ang paligid. Napangisi na lang ako rinig na rinig ko ang ingay mula sa loob saka napapailing.
Paniguradong nagkakasiyahan na ang mga tao doon dahil nag-umpisa na ang laban.
Nabuhay tuloy lalo ang dugo ko kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Dali akong pumasok sa loob para makita ang nangyayari. Mga sigawan ng tao ang unang maririnig pagkapasok, malakas at nakakabingi ang ingay. Pero isa ito sa dahilan kung bakit ko gusto dito.
Drag racing.
Sumandal ako sa pader, nakangising pinapanood ang karera. Nangunguna ang itim na audi sa paligsahan. Audi pa lang 'yan pero grabe na ang bilis ng takbo. Maybe someone put nitrogen on it.
"Hey, Jorge, wazzup!" Napatingin naman ako sa pamilyar na boses na si Cylde. May kasama itong babae at grabe kung makakapit. Napailing naman ako.
"Yo, wazzup!" Bati ko rin nang makalapit ito saka nakipag-apir sakanya. Tumaas ang kilay ng babae pero hindi ko siya pinansin.
"Anong ginagawa mo dito? May klase ka pa bukas, ah." Natawa naman ako sakanya saka napailing. "Hulaan ko, may ginawa ka na namang kalokohan, ano?" Taas kilay nitong sabi.
Apart from being partner in race, he is my friend, too. And because I'm his friend, he knew me very well.
Inirapan ko naman siya. "Duh, wala akong ginawang kalokohan. Matino naman ako ngayong araw na 'to," palusot ko.
Napailing na lang siya at hindi naniniwala sa sinabi ko. Muli akong napatingin sa karera nang muling nagsigawan ang mga tao. Kung kanina, nangunguna ang itim na audi, ngayon naman nangunguna ang pulang Lamborghini. Sumingkit ang mata ko dahil hindi ito pamilyar sa akin at parang bago pa lang ito dito.
Mukhang naulingan naman ni Clyde. "Ilang araw nang nananalo ang Lambo na 'yan. Wala pa ni isa ang nakakatalo dyan kahit marami ang humahamon sakanya. He's quite good, though." Napatango naman ako.
"So, he's he? Magkano ang pusta nila?" Tanong ko saka humikab. Nagkakaroon kasi sila dito ng pustahan lalo na't kung bago ang kakarera. Malaki kaagad ang pinupusta nila and aside from that, mayroon pang premyo. Minsan kalahating milyon pa ang napapanalo mo.
Drag racing is legal here and it was located at Alabang. Buhay na buhay ang arena tuwing gabi dahil nagdadagsaan ang mga tao para lang makapanood ng karera.
"For the newbie, I guess 500k agad. Ang laki, ano? Marami-rami ang nanghahamon sakanya at gusto talaga siyang patumbahin ng mga kalaban nito. Tsk. Mukhang nagkamali pa nga sila ng kinalaban dahil magaling ito."
Pinanood ko ang laban niya hanggang sa finish line. He's right. May potential ang nagmamaneho ng sasakyan. Kahit sabihin pa natin na isang Lamborghini ang sasakyan nito kung wala namang ibubuga ang driver, wala rin lang. Mas maganda kung may ibubuga ang driver kahit na hindi maganda ang sasakyan.
Ang mahalaga alam mo kung papaano patakbuhin ito.
Saka ayos na rin ang pustahan nila. Mayayabang kasi ang mga tao dito kaya ganyan kalaki kung pumusta. Kapag natalo, sila pa galit at manunugod. Tss. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng mga utak ng lalaki. Masyado silang magulo at komplikado.
"Babe, let's go na. I thought you're mine tonight?" Malanding tanong ng babae na kanina pa yumayapos dito kay Clyde. Sinamaan ako ng tingin ng babae pero tinaasan ko lang ito ng kilay.
Anong akala niya, aagawin ko si Clyde sakanya? Eww. Hindi kami talo. Isaksak ko pa si Clyde sa katawan niya eh.
"Yes, yes, of course. Paano ba 'yan, Jo, mukhang kailangan ko nang umalis," nakangising wika nito tsaka tinuro ang babae gamit ang nguso. Napapailing na lang ako sakanya saka tumango.
BINABASA MO ANG
Summer ( Season Series 1)
RomanceSeason Series 1: Summer [COMPLETED] After she got into an accident, she lost her memories. She doesn't remember everything, even what was her life before. Everything she has before was now gone. For three years, she's been curious about herself, but...