Chapter 29
From the moment we stepped out from the bus, a cold breeze hugged me instantly that made me shiver in coldness. Hindi ko aakalain na ganito pala kalamig kapag malapit ka na sa dagat. Mula dito sa parking lot, dinig na dinig ko ang hampas ng alon at maging ang amoy nito.
When did the last time I went to the beach?
I can't remember.
I suddenly feel a warmth piece of cloth in my shoulder. Napatingin ako sa taong naglagay non, he gave me a small smile.
'Thank you.' I mouthed.
Mag-aala sais pa lang ng umaga nang makarating kami sa isang beach resort dito sa La Union. It took us five hours before getting here. Ala una pa lang ng umaga ay nasa school parking lot na kami dahil doon ang nasabing meeting place namin. At saktong alas dos ay umalis kami sa Laguna.
Gusto pa nga ng iba na sa Batangas lang kami dahil mas malapit 'yon kumpara sa La Union at less hassle. But Miss Director object, dahilan niya pa mas malayo mas maganda. And she's right dahil lilitaw pa lang ang araw at kitang kita ko 'yon mula sa pwesto namin.
I can't help but to amaze on how the sun will rise. Para kang nasa isang paraiso. Aside from sunset, I do also love sunrise because no matter how your day end up ugly yesterday, here comes the sun who will rise after the fall and brings new light after the dark.
But I do love sunset more. No reasons why I love it, but sunset says that we need to take a break from problems, and end it up beautifully. Meaning, it is a promise of new beginning.
"Listen up, guys! Tatlo ang magkakasama sa isang room at kung sino ang naka-assign ay huwag na huwag kayong magpapalit ng mga kasama, maliwanag?" Sumagot kami matapos sabihin 'yon ni Miss Guidance. Isa siya sa makakasama namin bukod sa iba pang faculty members na part ng Theatre Club.
"As I call your name, get your key card and get a rest. Now, Jorge Alvarez, Nicka Santos and Sabrina Yoo." At siyempre kasama na roon si Sir Ivan.
Ako na ang kumuha ng key card sabay kaway sa mga kasama namin na mukhang matatagalan pa. Sumabay naman ang dalawa sa'kin at halos mapatili naman si Nicka sa sobrang saya dahil ako raw ang magiging ka-roommate niya. Siyempre binatukan ko dahil may kasama pa kaming iba rito.
Nang makarating kami sa room namin ang unang ginawa nung dalawa ay ang humiga sa kama. Tatlo ang kama na sakto lang din sa'min. Hindi rin naman maliit ang kwarto, sa totoo lang ay malawak na nga ito.
"Makakapagpahinga na rin!" I heard Sabrina said, comfortably.
Tatawagin ko pa sana si Nicka kaya lang pagkatingin ko sakanya ay tulog na tulog na ito. Napailing naman ako. Halatang pagod sa biyahe plus talagang maaga kaming umalis sa school kaya halos lahat naman kami ay pagod. Sigurado ang iba naman nasa baba pa at kulang na lang matulog na ang iba sa mga kumikinang na tiles dahil sa sobrang pagod.
Balak ko pa sanang libutin itong kwarto kaya lang mas nanaig sa'kin ang antok at pagod. Kaya humiga na lang ako saka natulog.
Mga tunog ng bakal ang naririnig ko sa paligid. Mga tawanan ng mga kalalakihan ang na umaalingawngaw na tila nasisiyahan sa nasasaksihan. Habang ako hindi alam ang nangyayari sa paligid.
I can't feel anything but cold. Madilim ang paligid at tanging isang bintana ang nakikita na nagsisilbing liwanag sa paligid. The feeling is familiar.
Nakakatakot.
Nakakakaba.
I don't know where I am again. Another nightmare for me. Pakiramdam ko nakapunta na ako rito ngunit hindi ko lang maalala kung kailan. Basta alam kong nakapunta na ako rito sa lugar na 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/217755069-288-k414997.jpg)
BINABASA MO ANG
Summer ( Season Series 1)
RomanceSeason Series 1: Summer [COMPLETED] After she got into an accident, she lost her memories. She doesn't remember everything, even what was her life before. Everything she has before was now gone. For three years, she's been curious about herself, but...