Chapter 21
"Nahihibang ka na ba talaga Jorge?! Tingnan mo ang ginawa mo sa sarili mo! Jusko, ako ang magkakaroon ng kasalanan nito, eh!" paninisi nito sa sarili.
"I can make an alibi," walang ganang sabi ko.
Napabuntong-hininga siya't walang nagawa. Nahalata naman niya na wala ako sa mood makipag-usap. Pagkatapos nung nangyari kanina, mabilis nilang nasira ang pintuan at nung mga oras na 'yon tanging naisip ko lang ay makatakas.
Dala-dala ko rin ang mga huling sinabi niya sa'kin. Ang pangalan na paulit-ulit na nage-echo sa utak ko. Ang pangalan na ilang beses ko nang napanaginipan.
"Summer," I mumbled.
Summer ang pangalan nang taong napapanaginipan ko. Hindi ako maaaring magkamali. Ang batang nasa panaginip ko. Ang babaeng naaksidente sa isang car accident. Si Summer ang taong 'yon.
Ngunit ano ba ang kaugnayan ko sakanya?
"Kamukha mo siya. Ikaw ba 'yon?"
Hanggang sa hinatid niya ako sa bahay ay walang lama ang utak ko kung 'di ang mga binitiwan lang niya na salita. Hindi basta-basta ang aksidente na nangyari three years ago. Planado ang lahat ng iyon.
"Ate, kumusta?"
Napatingin ako kay Asher at sa paligid. Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa kwarto ko. masyadong lumilipad ang utak ko dahil sa nangyari kanina.
"It was in New York. You're right. Then, why did mama say something different? Why did she say that the accident happened here in the Philippines?" nalilitong tanong ko.
Hindi ko na rin napigilan ang luha na dumaloy sa mga mata ko. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. Wala pa 'yon sa kalingkingan na gusto ko ngunit bakit ganito kasakit?
I felt betrayed by own mother. She lied to me and tole me different story! I can't even understand why she said those! Hindi ko maintindihan!
"Si mama lang ang tanging makakasagot sa tanong mong 'yan, Ate. I told you that it won't be easy." He suddenly hugged me while brushing my hair carefully.
"I can't understand. She's feeding me with lies. Telling me lies. Lahat kasinungalingan! Hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo." I cried so hard.
Ang mga luha na hindi ko mailabas noon, ngayon ko lang nailabas. I thought I'll be okay but I'm not. I'm not okay. Ang hirap pala nito. Ang magpanggap na ayos ka sa lahat. Na wala kang alam sa mga nangyayari.
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya saka ko siya tiningnan. "Tell me, Asher. Summer ba ang pangalan ng taong naaksidente three years ago sa New York?" tumango siya at ngumiti.
"Anong kaugnayan ko sakanya? Bakit ko siya napapanaginipan?" tiningnan ko siya ng maigi. Pinunasan ko ang mata ko gamit ang likod ng palad. "Sabihin mo nga..." kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. "Ako ba si Summer? Ako ba siya?"
Napalayo naman sa'kin si Asher at 'di kalaunan ay umiling siya. "You're not," sagot niya.
Bigla akong nalito. Kung hindi ako, sino siya? Bakit ko siya napapanaginipan? Ano ba talaga kaugnayan ko sakanya?
"Ate, magkaiba kayo ni Ate Summer. Magkaibang-magkaiba. So, stop telling that you are her 'cuz not."
Mas lalo akong nalito sa sinabi niya. "S-sabi..."
He sighed. "Let me tell you this, Ate Jorge." Tumango ako. "Maybe you are her but you're not." He gave me reassuring smile and before he walks out from my room, he said somethine that made my mind do it.

BINABASA MO ANG
Summer ( Season Series 1)
RomanceSeason Series 1: Summer [COMPLETED] After she got into an accident, she lost her memories. She doesn't remember everything, even what was her life before. Everything she has before was now gone. For three years, she's been curious about herself, but...