Chapter 6

62 10 0
                                    

Chapter 6

"Ano? Seryoso ka ba talaga dyan?" Tanong ko kay Clyde.

He sighed, "Yes, iyon ang pagkakasabi nila. Sinabi ko naman na hindi ka pwede, pero mapilit, eh."

Ngayon, ako naman ang napabuntong hininga. Humiga ako sa kama at ni-loudspeaker ang phone para hindi ko na ito hawak. Napapikit ako ng mata kasabay no'n ay ang paghilot ko ng sindito ko.

Sumasakit ang ulo ko sa sinasabi ni Clyde.

"What should I do then? Pumunta at sumama? No way, I'd rather sleep than go there. Why wouldn't he just look for someone else than me? Aish!" ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. He laughed on the other line, making me more pissed.

"Chill, Jo. Pwede ko naman ulit sabihin na ayaw mo talaga, na you're busy with your studies." Aniya, tumango ako kahit hindi niya nakikita.

He should! Dahil kapag nalaman ko na pumayag si Clyde alam na niya ang mangyayari. Gosh, kakarating ko pa lang pero heto na agad ang bumungad sa akin.

"Yeah, tell that to them. Not interested with that new guy in racetrack," I said boringly and make me yawn.

Mahina itong tumawa, "Mukha nga, kasi kung interesado ka, ikaw pa mismo ang pupunta rito para hamunin ang taong 'yon. O sige na, I'll hang up na. I'll tell them right away,"

"Okay," Then he ended the call.

Kaya lang naman napatawag si Clyde dahil may nanghahamon sa akin sa drag racing sa sabado pero agad ko itong tinanggihan. The new champion, Red guy, is the one who wants a duel with me. I'm not doing drag race if it is only for competence. I'm doing it because that's what I wanted to do. Kaya habang maaga pa tinanggihan ko na.

And besides, I'm now focus on my study that's why. Kunware masipag mag-aral. Nagpupunta lang naman ako sa Alabang para pumasyal at hindi makipag-karera. Nagkakataon lang na napapasama ako sa drag racing dahil malaki ang perang premyo. Isang buwan na akong hindi nakikipagkarera dahil mas priority ko ang pag-aaral ko ngayon.

Hindi katulad dati na every week nandoon ako para makipagkarera. That's because second year college pa lang ako noon pero ngayon third year na ako at next year graduating na. At isa pa, nangako ako kay Marcus na hindi muna ako sasama sa mga race ngayong taon. Palagi ba namang highblood kapag sumasama ako.

Napairap na lang ako sa kawalan habang inaalala na may nagtatangkang manghamon sa akin. Seriously, wala bang magawa ang Red guy na 'yon kaya ako ang hinahamon niya ngayon? Err.

Nang may maalala ako ay agad akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto. Pinuntahan ko si Asher saka kinatok ang pintuan.

"Asher, nandyan ka ba sa loob?" Tanong ko, dinikit ko ang tainga sa pintuan at pinakinggan nagbabakasali na marinig ako ng mokong na 'yon, baka kasi may ginagawa.

"Wala ako sa loob," Sabi nito, kumunot ang noo ko dahil ang lakas ng boses niya at parang ang lapit lapit pa. Siguro nasa may pintuan lang siya.

"Alam kong nandyan ka sa loob, buksan mo pintuan may ipapagawa lang ako," Utos ko.

"Wala nga sabi sa loob, nandito ako sa labas. Slow mo, ate."

Nagulat ako nang hinila ako ni Asher at muntikan pang matumba, mabuti na lang na balanse ko na agad ang sarili kung hindi malilintikan itong kapatid ko. Pero, kanina pa siya nandito sa labas? Sinapak ko ang ulo ko.

Loko ka talaga, Jo! Kaya pala ang lapit ng boses dahil nandito lang naman pala siya sa labas!

Nang makapasok siya ay sumunod ako, alam ko naman na papapasukin niya rin ako kaya ako na mismo ang nag-volunteer sa sarili ko. And he can't say no to me. Hehe.

Summer ( Season Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon