Chapter 14
"Jorge, palinis pa rito. Madumi pa,"
"Doon pa, Jorge."
"Jorge naman, ayusin mo ang paglilinis."
Napahinto ako sa paglampaso ng sahig dahil sa sinabi nito. Aba! Kanina pa niya ako inuutusan dito at halos tagaktak na ang pawis ko. Hindi ba niya nakikita na nahihirapan ako dito sa sitwasyon ko? nakakainis!
"The hell! Ikaw kaya maglinis!" Reklamo ko sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya bumawi rin ako.
"Nagrereklamo ka ba?"
Mahina naman akong natawa. Ako? Nagrereklamo? Aba, oo!
"Mukha ba akong nagrereklamo?" Kahit na nagrereklamo ako sakanya, i-deny ko na lang baka 'pag nagreklamo ako dagdagan niya pa ang gagawin ko.
Pinagpatuloy ko ang paglilinis at ramdam ko pa rin ang mga bawat tingin nito sa akin. Sa totoo lang, naiilang ako sa mga tingin niya. Pero pilit kong hindi pinapansin ito dahil binabantayan niya ako. Anong akala niya sa akin, tatakas ako dito? Aba, wala naman 'yon sa bokabularyo ko 'no!
Pero joke lang, may balak talaga akong tumakas kung wala lang nagbabantay sa'kin.
At isa pa, sa dinami-dami ng p'wedeng magbantay sa'kin dito, ito pang lalaking ito! I'm doing a community service. Pagkatapos kong maguidance ay binigay na agad sa'kin ang magiging trabaho ko ng tatlong araw. Well, I'm not suspended but I need to clean this entire building for the other students to use it.
Panay pa ang reklamo ko kanina dahil may taong nagbabantay sa'kin. Nakakailang kaya kapag alam mong may nagbabantay sa bawat kilos mo at hindi ka makapakali.
And I can't help but wonder. Hindi naman niya ako kinakausap noon pero bakit ngayon kung makapag-utos akala mo close kami at kung makatawag sa pangalan ko kaibigan ko siya.
Duh, he's a witch. A jerk. Mabait siya pagdating sa ibang tao habang sa'kin ay napakasungit niya na akala mo may ginawa akong masama sakanya. Psh.
Sumandal ako sa pader at umupo. Nagpapahinga dahil sa labis na pagod. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala naman akong panahon upang tingnan ang phone ko sa kadahilanang kinuha ito ng kupal na nagbabantay sa'kin.
"What do you think you're doing?" napaangat ako ng tingin sakanya.
"Nagpapahinga malamang. Bulag ka ba?" napailing naman ako. Mukhang nagulat siya sa sinagot ko dahil nanlaki ang mga mata niya.
"Get back to work. You still have many things to clean," utos nito. Nagpapadyak naman ako ng paa ko habang hinahampas ko siya ng walis at dustpan.
"What the! Hey, stop—Ouch! Stop it!"
"Ulol! Anong akala mo nakakaboost ng energy ang paglilinis, ha?! Anong akala mo sa'kin utusan?!"
"Fuck! That hurts!"
"Malamang kasi hinahampas kita, gago ka ba?!" nagpatuloy ko siyang hinampas. Iba't-ibang parte ng katawan niya at panay ang pagharang ng braso niya sa mukha nito.
"The fuck?!"
"Stop cursing!"
"You are the first! Aray!"
What the hell?! Ako a ngayon ang unang nagmura? Malakas ko siyang hinampas dahilan ng pagkaupo niya sa sahig. Binalibag ko ang walis at dustpan sa pagmumukha nito.
"ARAY!"
Nginisihan ko siya. "Ikaw na magpatuloy d'yan ha. Tutal utos ka naman ng utos ikaw na magtapos." Binigyan ko siya ng isang ngiti saka ko siya iniwan roon na sumisigaw-sigaw. Tinatawag-tawag ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Summer ( Season Series 1)
RomanceSeason Series 1: Summer [COMPLETED] After she got into an accident, she lost her memories. She doesn't remember everything, even what was her life before. Everything she has before was now gone. For three years, she's been curious about herself, but...