Chapter 45
Pagkapatay na pagkapatay ng ilaw agad akong tumalon para mapunta sa harapan ang kamay ko saka ako naglakad at sinira ang posas na nasa palapulsuhan ko. Nakagawa ito ng malakas na ingay at rinig na rinig ko rin ang mga reklamo nila.
Agad akonh tumingin sa puwesto nila Alex kung saan kita ko na palingon-lingon sila sa paligid sa kabila ng dilim na nakikita nila.
I smirked. Thanks to the contact lenses that Scarlett gave to me earlier, I can see in the darkness. The contact lenses that she gave to me are transparent, so it is not visible to the naked eye. Hindi lang din ito basta-bastang contact lenses dahil nakaprogram ito sa kanila kaya nakikita rin nila kung anong nangyayari rito.
"What's happening?!" Rinig kong sigaw nung babae kaya napatingin ako sa gawi nila.
"T-there's a power outrage. B-but for sure, it will go back. Let's just wait," aniya naman ng isang kasamahan nito.
Kita ko kung papaano magngitngit ang kanyang mga ngipin dahil sa labis na galit. Iniwas ko ang tingin ko saka ko pinuntahan ang mga kaibigan ko. Una kong pinuntahan si Zander. Nagulat ito at muntikan pang sumigaw kaya agad kong tinakpan ang bibig nito saka bumulong.
"It's me, it's me." Saka ko kinuha ang isa pang device na nakatago sa ilalim ng buhok ko.
Isang device na makakatanggal sa pagkakaposas nila at para na rin hindi gumawa ang electric nito.
"Summer?" Bulong na tanong niya. Tumango ako kahit hindi niya nakikita saka tinapat ang device sa bakal.
"What are you doing?! Find Summer!" Sigaw nito. Sumilip ako ng kaunti at kita ko kung papaano sila mangapa sa dilim.
At biglang may nakita akong ilaw—isang flashlight. Agad akong nagtago sa likuran ni Zander saka tiningnan ang device. Napangiti ako noong tumunog ito ng mahina, ibig sabihin natanggal na ang pagkakalock nito.
"Save the others. I'll buy their time," ani ko saka mabilis na umalis mula sa kanyang likuran at biglang may tumutok na ilaw sa kanya.
"Hi!" Masiglang bati nito. Ininspeksyon siya nung lalaking may hawak na flashlight. Nang wala itong mahanap saka naman siya umalis para maghanap pa sa ibang lugar.
Ako naman ay naglakad ng dahan-dahan para sundan siya. Mabilis ko siyang inatake sa likuran kaya nabitawan nito anh flashlight na hawak. Nagpagulong-gulong ito na agad namang sinundan nung lalaki. Pero bago niya 'yon nasundan ay mabilis ko siyang sinipa sa tiyan at sinuntok ng ilang beses.
"Catch her!"
Napatingin ako sa sumigaw na 'yon at mabilis akong umalis sa kinaroroonan nung lalaki. Dali kong dinaluhan ang flashlight saka tinapat ito sa mukha ko habang nakangisi.
"I'll vanish again!" Mapaglarong ani ko saka pinatay ang ilaw.
Sigaw ito ng sigaw. Hindi ko 'yon pinansin at pinatumba ang isang lalaki na papalapit sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Zander is attempting to get them out from being tied up, and I am here to prevent those mongrels from coming to them.
Kinapa-kapa ko ang bulsa nung lalaking pinatumba ko. A massive smile showed up across my face as I discharged the weapon and pointed it toward them. At that point, I pulled the trigger. The sound of the firearms makes a commotion that makes them frightened.
Sunod-sunod ang ginawa kong pagbaril sa kanila at kita ko kung papaano magwala yung babae dahil sa natumba ang mga kasamahan nito.
Tumayo ako kasabay no'n ay ang pagbukas ng ilaw. Bumungad sa amin ang mga katawan na kung saan ito ang mga taong pinatamaan ko ng baril. Gulat siyang napatingin sa akin at nginisian ko lamang siya.
BINABASA MO ANG
Summer ( Season Series 1)
RomansaSeason Series 1: Summer [COMPLETED] After she got into an accident, she lost her memories. She doesn't remember everything, even what was her life before. Everything she has before was now gone. For three years, she's been curious about herself, but...