The GCQ mission: Billionaires Baby

23.7K 352 110
                                    


NG DAHIL SA COVID STORIES # 2
The GCQ mission: Billionaires Baby

"Malapit na 'ko anak, hahanapin ka ni mama kahit nasaan ka pa."

Paulit-ulit kong hinalikan ang maliit at kupas na larawan ng limang buwan kong sanggol. Kabado akong luminga sa paligid. Hindi ko mapigilang malula sa kakaibang kapaligiran ng Maynila. Mahahanap ko kaya agad ang anak ko?

Kahapon lang inanunsyo ang GCQ sa aming maliit na baranggay sa probinsya. Agad akong nag-empake para lumuwas dito sa Maynila dahil sigurado akong dito napadpad ang anak ko. Pero saan ko sya sisimulang hanapin? Masyadong malaki at matao ang Maynila!

"Atras nga! Social distancing, aba!"

Inirapan ako ng babae sa unahan ko. Nakapila kami tungo sa labasan ng erport dahil kailangan daw naming sumailalim sa testing kaya may mga doktor at sundalo roon. Umaabante ang pila pero ilang hakbang lang ang inusad. Tatanda ako rito sa paghihitay.

Pansin ko ring may mga taga medya sa paligid. Doon sila nakadungaw sa pribadong pasilyo sa kabila. Hindi ko alam kung persidente ang dadaan doon o artista, pero wala akong pake. Mas may pake ako sa oras sa nasasayang ko rito.

Bumuga ako ng mabigat na hininga upang kahit papaano ay mailabas ko ang wamport ng bigat na dinadala ko. Muli akong nagbaba ng tingin sa larawan na nasa 'king palad. Dahil sa kakaiyak ko araw-araw habang yakap ito ay unti na itong kumupas.

"Nak, sori naging pabaya si mama."

Napahikbi ako. Sa tuwing naiisip ko kasi ang nagyari sa anak ko, para akong nasisiraan ng bait. Alam kong pinagtitingin ako ng mga tao, pero I don't carried– ay teka, oo tama, I don't carried get away to dem.

Natigil lang ako sa pag-iyak nang biglang tumilaok ang selpon ko. Yung panabong kasi ang gamit ko na ringtone. Tinuyo ko muna ang mga mata ko saka kinuha ang My Phone kong selpon sa bulsa. Tinalian ko lamang ito ng lastiko upang hindi humiwalay ang pindutan.

"Hilo, nay?"

["Marimar, anak! Kamusta? Nasa Maynila ka na? Nahanap mo na ba ang anak mo? Nasaan na ang apo ko? Anong—

"Nay, dahan-dahan!" Huminga ako ng malalim at ngumiti ng mapakla. "Kakarating ko lang tsaka oki po ako. Sumusunod lang ako sa mga kasama kong pasahero."

Unang beses pa lamang kasi akong nakasakay ng eroplano kanina at unang beses ko rin dito sa Maynila. Wala naman akong masyadong maibabahagi sa naranasan dahil tulog ako buong byahe.

["Gano'n ba? Wag kang magpapahalatang baguhan, e, mabiktima ka pa. Alam mo namang may krimen pa rin kahit may pandemia."]

"Opo,"

["Nga pala, nakuha na namin ang address ng pinsan mo. Pumayag sya na doon ka muna sa tinitirhan nya manatili."]

Gumaan naman medyo ang pakiramdam ko sa narinig. "Text mo sa akin, nay."

["Nak, alam mo namang hindi ko na maaninag itong mga pindutan ng Nokia 33-15 ko, e. May panulat ka ba riyan?"]

Uso kasi sa kaniya ang pumukit pag may inaaninag, kaya mas lalong wala syang nakikita. Buti na lang at may ballpen akong dala, pero wala akong papel kaya sa braso ko na lamang isusulat.

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon