"Ikaw? Itatakas na talaga ni mama, tingnan mo."Hinalikan ko sa kilikili si Jumong na nakatitig rin lamang sa akin. Gabi na at ako ang magpapatulog sa kaniya. Akala ko hindi ko na mahahawakan ang bubwit na ito ngayong araw, buti na lang at may awa ang Diyos, wala na din sa paligid si Vallerie para kutyain at lapastanganin ako kaya malaki ang papasalamat ko.
"Wag mong hahayaan yung nanay-nanayan mo na maimpluwensiyan ka, ha? Bad sya kaya dapat kay papa ka lang makinig." Nginitian ko sya at henele.
"Goodnight, nak."
Ilang minuto pa ay tuluyan na syang nakatulog. Hinalikan ko ang anak ko sa noo saka unti-unti akong umalis sa pagkakatabi sa kaniya sa kama. Ayaw ko sanang umalis pero kanina pa galit ang tyan ko dahil hindi ako nakakain ng maayos. Lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa kusina para kumain.
Kung makakausap ko lang sana si Ginger ngayon, malamang nabawasan ng kahit wampipti ang bigat na dala ko. Sya lang ang kaya kong pagsabihan ng mga bagay-bagay. Sya lang ang makakaintindi sa akin dahil syempre sya lang naman ang nakakaalam nitong sitwasyon ko. Kaso wala na 'kong selpon.
"Yes, I already took care of it. Nothing to worry about."
Natigil ako sa paglalakad tungo sa kusina nang marinig ko iyon mula sa balkonahe. Sa tulong ng liwanag ng buwan at ilaw mula sa loob ay nakita ko si Vallerie na may hawak na selpon sa tenga at kopeta naman sa kabila. Nakatalikod sya ng bahagya sa akin at kita ko ang kaluluwa nya sa manipis na damit pang-gabi.
"Come'on! I'll handle everything, I'll do what I can."
Matapos nya iyong sabihin ay bigla syang lumingon sa akin. Parang binundol ng kaba ang dibdib ko at 'di ako nakagalaw sa kinatatayuan. Akala ko ay magagalit sya o ano, pero inirapan nya lang ako saka tumalikod na ulit. Nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy na sa paglalakad tungo sa kusina.
Matapos kumain at nagsipilyo ako. Malinis na rin naman ang katawan ko kaya pwede na akong matulog ng diretso pagka-akyat ko. Habang naglalakad pabalik sa kwarto ay pinanatili ko ang tingin sa daan dahil alam kong nasa balkonahe pa rin si Vallerie. Ayaw ko ng gulo kaya ako na lang ang iiwas.
"Scared of me, babysitter?"
Natigil ako nang marinig ko iyon mula sa aking likuran. Sumara ang slider na pinto tungo sa balkonahe kaya alam kong pumasok na sya.
"Gusto mo si Alex, hindi ba? Napakaikli lang ng panahon na nakasama mo sya tapos nagkagusto ka na? Ano? Dahil sa pera nya? Kaya sumisipsip ka? Ang kapal talaga ng mukha mo." Nakagat ko ang pangibaba kong labi nang marinig ko ang mga yabag nyang papalapit.
"Hindi." Halos hindi ko iyon nakayanang sabihin.
"Something went on between you and my fiancé when I left?" Bulong nya sa aking tenga saka ako hinarap. "He cared for you? You're assuming he wants you? Wakeup and look at yourself! Believe me. He just misses me that's why. You won't have a chance on him. Do you get me?"
Buong tapang akong tumingala upang salubungin ako tingin nyang mapang-kutya.
"Sinaksak ko na iyan sa kukote ko kaya pakiusap tigilan mo na ako, ma'am Vallerie." Pigil ang hiningang tugon ko.
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
HumorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...