"Boss, h-hindi 'yon ano.. ehh! Basta, ang daya! Nakakahiya po!"Natakpan ko ang mukha ko ng wala sa oras. Gusto ko syang piktusan dahil sa ngisi nya at parang hinihiya nya pa 'ko. O baka naman naiisip ko lang 'to? Pero sya kasi ang nauna diba? Alam nya 'yun! Kung tutuusin dapat humihingi sya ng tawad sa akin! Pero ewan, parang wala oki lang din naman. Hehe.
"I said some things didn't I? Do you remember?" Tanong nya bigla sa seryoso ng mukha at tono.
"Po? A-ano.." Nakagat ko ang aking labi dahil parang kinabahan ako bigla. May sinabi nga sya kagabi, marami, at mag-damag ko rin iyong inisip. Hindi ko masyadong naintindihan.
"Sabi mo sa 'kin.. a-ako ang matagal ko ng hinahanap. Anong ibig sabihin no'n boss?" Puno ng pag-asa kong tanong. Sana biggan nya 'ko ng balidong sagot dahil gulong-gulo na 'ko sa lahat ng ginawa at sinabi nya kagabi.
Nakita ko ang pag-iiba ng pungay ng kaniyang mga mata. Tila ba'y nabigla sya at parang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi. Nakatitig lang ako sa kaniya, hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Nang akmang bubuka na ang kaniyang bibig ay bigla na lang..
"Alex!"
Bigla'y may lumundag na aswang sa kaniyang likuran.. si Vallerie. Agad akong napatingin sa ibang direksiyon lalo na nang halikan nya si boss sa pisngi at yumakap pa ito sa kaniyang likuran.
"Hon, you woke up early. Aren't you tired? Pagod ka rin at masakit ang ulo mo." Malambing nyang saad.
Nang mapatingin sa akin si Vallerie ay kita ko ang pag-arko ng kaniyang kilay at pag-talim ng kaniyang tingin. Pero agad nya iyong pinapalitan ng matamis na ngisi pag hinaharap nya si Boss.
"Hon, what would you like for breakfast? I'll cook!" Nagtungo sya sa tabi ni Boss at yumakap pa sa tagiliran nito na parang linta. Salitan ang naging tingin ni boss sa amin, tila hindi sigurado sa sasabihin.
Nang mapatingin ako sa suot ni Vallerie, pakiramdam ko'y sinakal ang dibdib ko. Ang tanging suot nya kasi ay ang polong suot ni Boss kagabi... naaalala ko. Kaya ba pagod si boss? Kaya ba mas napuyat sya? E ano naman, diba? Mapapangasawa nya ang lintang 'yan.
"Marimar, ikaw na bahala sa anak namin, okay? I'll just have him watch me cook." Nakangiting sabi ni Vallerie saka hinila si Boss palabas.
Sinundan ko sila ng tingin at hindi nakaligtaan ng paningin ko ang pag-irap ni Vallerie bago sila tuluyang nakalabas ng kwarto. Napabuntong hininga na lang ako. Ang saklap naman.. ba't ba kasi nagkagusto ako sa lalaking may mapapangasawa na?
"How's the food? You like it?"
Nagising ang diwa ko sa pagkakatitig kay Boss nang bigla na namang umepal si Vallerie. Nasa hapagkainan na pala kami, hindi ko man lang namalayan dahil sa kakaisip sa mga nangyari. Oo, kasama ako dahil ako ang nagpapakain sa bata.
"Uhh.. yeah." Kaswal na sagot ni Boss.
"Okay, j-just enjoy." Tahimik na kumain na lamang muli si Vallerie. Mukha kasing umaasa syang maraming sasabihin si Boss kaso yun lang pala.
Ewan ko kung bakit parang ang saya sa pakiramdam na nakikitang ganito ang inaakto ni Boss sa mapapangasawa nya. Para akong nanalo sa swetres na hindi pa nakukuha ang premyo. Hehe!
Bigla'y napatingin sa akin si Boss kaya agad akong nagbaba ng tingin sa lugaw na hinahalo at binalik ko ang atensiyon sa pagsubo kay Jumong na kandong ko. Pilit ko ring sinusupil ang ngisi sa aking labi. Kasi diba? Nakakakiliti sa pakiramdam na napapansin mo ang taong gusto mo na nagnanakaw ng tingin sayo! Yieee, hehe!
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
HumorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...