Chapter 31

5.9K 178 18
                                    


"Sya 'yan, ang anak mo."

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kuna. Nang masilip ko ang bata, parang nahinto ang mundo ko.. gaya ni Jumong ay maputi rin ang bata at halatang hindi purong pinoy ang dugo. Pero ang mukha nya..

"Sya ang anak mo maniwala ka. Oo, nag-iba na ang itsura nya ng bahagya kasi alam mo ining, habang lumalaki ang bata, minsa'y umaayon ang itsura nito sa madalas nyang kasama at nakakasalamuha."

Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman ko ang sarili. May proweba na at lahat... pero kasi hindi ko maramdaman ang naramdaman ko kay baby Azi no'ng makita ko sya. Wala ang lukso ng dugo. Mas dumami lang ang katanungan sa isip ko!

"Bakit—

Ngunit naputol ang ano pa mang tanong ko nang marinig ko ang andar ng makina sa labas. Mabilis akong nanakbo palabas ng bahay at nakita kong papaalis na ang kotse kaya agad akong humabol.

"Madame! T-teka Madame!" Iiwan nila ako dito?!


Huminto ang sasakyan kaya agad kong kinatok ang pinto. Katok ako ng katok habang tinatawag si Madame. Nang bumaba ang bintana ay agad na sumalubong sa akin ang seryosong nyang mukha.

"You found your real son, so you have no more reason to stick around my son. I did you a favor, Mariela. Stop meddling with our lives and go back to where you came from.. or, be with a traitor son. You like him right?"

Sumara ang bintana at muling umarangkada ang sasakyan. "Madame teka! Teka kang!"

Sinubukan kong habulin ang kotse habang patuloy sa pag-iyak.. pero 'di sila huminto hanggang sa mapagod ako kaka-habol at nalugmok na lang sa daan. Ibinihos ko ang labis na lungkot at kawalan ng pag-asa. Malamang ito ang gagawin nya, kailan pa ba naging mabuti si Madame sa akin?

Ilalayo nya na sa akin si Jumong.. hindi man lang ako nakapag-paalam sa bata. Maaring nahanap ko na nga ang tunay kong anak, pero malaking porsiyento pa rin sa akin ang naniniwalang si Azi ay si Jumong! Mahirap para sa akin na kalimutan lang 'yun. Gusto nga talaga ni Madame na mawala ako.

Ilang sandali akong nanatili sa pagkalugmok. Hindi na 'ko halos makakita dahil sa luha.
Iniisip ko ngayon si boss.. asan ba kasi siya? Alam nya ba ang tungkol dito? Sang ayon ba sya sa nangyaring ito? Akala ko ba hindi nya 'ko pababayaan? Bakit hindi nya na 'ko binalikan? Bakit nya 'ko hinayaan?

"Hija, okay ka lang?"

Sinikap kong tumingala nang marinig ko iyon, saka ko pinahid ang aking luha upang umaninag. At natigil ako sa pag-iyak nang makitang may mga tao nang nakapaligid na sa akin. Tinatanong nila kung ano'ng nanyari pero hindi ko sila nagawang sagutin.

Tinulungan nila akong makatayo at hinyaan lamang nang magsimula akong humakbang kahit nangangatog ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa bahay ni aleng Merlina. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay hindi pa pala tapos ang mundo sa pagpapahirap sa akin..

"Ano? Gano'n lang? Kukunin mo ang anak mo? Teka lang naman ining, ang laki ng ginastos ko do'n! Kailangan mo muna akong bayaran bago ko iyon ibabalik sa 'yo!"

Mas lalong nagunaw ang mundo ko.. wala akong ibang masabi kaya walang lingong akong tumalikod. Wala na 'kong lakas, wasak na wasak na 'ko sa loob, walang-wala na 'ko sa sarili. Mahapdi na ang mata ko kakaiyak, masakit na din ang ulo ko kakaisip ng kung ano ang dapat kong gawin..

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon