Chapter 11

5.7K 200 51
                                    


"Fine, we'll settle on those."

Sa wakas ay napilit ko sya nang sabihin ko na wala akong tatanggapin kung bibilhin nya lahat. Hindi nakaligtas ang mga palda at blusa pero mas mabuti iyon kesa pati ang bestida bilhin nya na alam kong mas mahal kahit pag pinagsasama ang preso ng mga palda at blusa.

"Why won't you agree? It's just a few bills."

"Hindi! Kahit pa piso lang yan para sa'yo."

Hindi naman ako mahilig sa mga materyal. Totoo naman kasi na oki ako sa mga damit kong luma. Hindi nya na ito kailangang gawin. Iniisip ko sila Almary at ang iba pang tauhan. hindi naman kasi ata patas na ako lang ang binilhan.

Dumating ang isang van at lumabas doon ang apat. Sila ata ang hahakot sa lahat ng pinamili namin. Nauna na kami sa kanila at tahimik lamang sa loob ng kotse habang yapos-yapos ko si Jumong na mahimbing pa rin ang tulog.

"Boss, pasensiya pala kanina. Tsaka salamat nga po pala dun sa mga damit."

Mahina ang pagkakasabi ko. Nasa 'kin kasi ang bata, baka magising.

"Will you stop the 'po'? I'm not that old." aniya na nasa daan lang ang tingin. "How old are you?"

"Bente sinco, boss."

"See? Hindi na gano'n kalayo ang three years."

"Pero ang pangit naman po pag hindi ko kayo rinispeto. Boss kita, e! Anong gusto nyo? Mr. Aleksev?"

"I won't accept that either. Parang lolo,"

Natawa lang ako ng bahagya. Mapagbiro din pala itong si boss. Linukob muli kami ng katahimikan. May gusto sana akong itanong. Hindi naman siguro masama kung makikipag-usap ako kay boss, diba?

"Boss, wag mo sanang mamasamain ang mga tanong ko, pero bakit nasa Pilipinas ka? Bilyonaryo ka, bakit hindi ka sa ibang bansa nanatili?"

Sandali niya akong liningon. "Why you ask?"

"Wala lang, tinatanong ko lang po."

"I told you to stop that,"

"Sige, tropa." tinanguan ko pa sya.

Napailing sya at bahagyang natawa. "Well, I like it here. And besides, this country is perfect for business."

"Kayong mga negosyante kayo, wala kayon ibang alam gawin kundi ubusin ang yaman ng aming bansa. Don kaya kayo sa bansa nyo gumawa ng pabrika? Wag dito! Ang liit na nitong Pilipinas sinisira nyo pa."

"What?"

Inirapan ko sya. Nasa daan naman ang tingin niya, e. "Wag mo 'kong ma 'what-what' boss. Kahit ganito ako, may alam naman ako sa reyalidad. Kayong mga mayayaman na, yumaman kayo dahil sa mga gumagapang pa! Kuha mo, boss?"

Nagminor si boss para lang balingan ako. Ang ekspresyon niya ay tila hindi makapaniwala at natatawa.

"Wow, you could be a philosopher." umiling sya at nagmaneho na ulit. "That's quite a big leap from being a babysitter."

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon