"So it's her?""Yeah, mukhang sya nga."
"She's just looking for her son. Pity."
"Don't pity her. From the very start she only means harm to Mr. Aleksev and his son!"
"Woah, really? My gosh, how could she? Boss gave her a chance and work!"
"I heard napahiya sya dun sa party ni Madame Natiferre."
"Sabi nila she sprained her ankles, mukhang okay naman."
"If ako siguro ang nasa shoes nya, malamang hindi na 'ko babalik dito."
"Yeah right, talk about shamelessness."
Tanging pagpikit ng mariin lang ang nagawa ko matapos marinig ang mga iyon sa paligid. Kakapasok ko lang sa gusali, kahit nung nakapila ako para sa security check at virus testing maugung na ang bulungan tungkol sa'kin sa paligid. Bulungan na naririnig ko naman. Pero kahit anong panlalait pa ang marinig ko hindi ako magpapaapekto.
Tensyunadong naglakad ako papasok sa elebeytor. Lunes ngayon kaya balik na 'ko sa trabaho. Mas marami na ang tao ngayon dito sa gusali dahil sa unti-unting pagluwag ng protocol, 'di tulad nung una kong pasok rito dati na mangilan-ngilan lang.
Nang huminto ang elebeytor, huminga ako ng malalim dahil sa kaba, at nang makalabas ay sinikap kong mag-lakad ng maayos. May misyon akong dapat gawin ngayon, ininsayo ko na ang paa ko kagabi para sa araw na 'to. At oo, buo na ang desisyon ko na kunin si Jumong. Ngayon na talaga, itatakas ko na sya sa probinsya.
Kinakabahan ako ng sobra dahil walang kasiguraduhan na magtatagumpay ako. Maraming posibilidad ang pumasok sa isip ko, at ang tanging pampakalma ko lang ay ang ideya na makakasama ko na ulit ang anak ko.. na maipapakilala ko na sya kila nanay, at higit sa lahat ay ang mailalayo ko na sya kay Vallerie at madame Natiffere.
Nang tuluyan akong makapasok sa bahay ni boss ay agad na nangatog ang mga tuhod ko. Ilang beses rin akong natigil at napahawak sa mga pader para suportaan ang sarili ko na makatayo pa.. jusko, hindi ito magiging madali. Kakayanin ko kaya? Nakita ko kasi kanina na maraming tauhan ni boss ang nakabantay sa baba at sa labas.
Alam kong napaka-boba ng plano ko.. pa'no ko matatakasan ang mga taunang 'yun? Hindi na nga ako makatakbo. Pero ito lang kasi ang paraan na naisip ko. Hindi ko makukuha ang anak ko kung salita lang ang gagamitin ko. Maling pagkakataon, oo, pero hindi ko na kayang tiisin ang mga nangyayari. Ayaw ko rin munang isipin si boss, mukhang wala naman siya ngayon e. Mas mainam na.
Malaki ang pasasalamat ko na nagtagumpay akong lamapasan sila Almary na naglilinis ng buong bahay. Maingat akong umakyat sa hagdan tungo sa ikalawang palapag tungo sa kwarto ng bata. Habang papalapit pabigat ng pabigat ang dibdib ko dahil sa saya na nararamdaman. Miss ko na ang anak ko..
Nang tuluyan akong makapasok ay tahimik kong sinara muli ang pinto. Agad akong lumapit sa kaniyang kuna at kinagra ko ang bata kahit tulog pa ito. Napapikit ako at yinakap ko ang anak ko. Jusko.. sa wakas! Napangiti ako nang gumalaw-galaw si Jumong dahil naalimpungatan..
"Nak, uuwi na tayo." Bulong ko.
Ilang sandali pa'y nagmulat sya, sinalubong ko sya agad ng masayang ngiti at wacky. Ngiti ang unti-untimg pumorma sa kaniyang labi, pero laking gulat ko ng mapalitan iyon ng hikbi!
"Nak, shhh.. baka mahuli tayo." Sinayaw ko sya upang patahanin pero mas lumakas lang ang hikbi nya! Jusko.
"G-gutom ka?" Taranta akong napatingin sa mesa sa tabi kung saan ko nilagay ang mga gamit pang-timpla ng gatas.. pero wala na doon ang mga gamit! Inalis ba nila? Nahapit ng paningin ko ang malinis n'yang tsupon kaya agad ko iyong kinuha at isinubo sa kaniya pero tumatanggi sya!
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
HumorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...