Author's Note (Special Chapter)

9.7K 335 92
                                    


Halaaa, tapos na sya finally! Thank you so much guys for being with me in this bittersweet journey.
I owe you everything from the very start, kasi for those who didn't know revised version na po ito. Nawalan ako ng gana ng tapusin to kasi imbis na magfocus sa ibang stories eh dito ako na-stuck (isama na'ng na-bc ako sa modules) I've always wanted to write para sa inyo. So ngayong tapos na I'll try my best na mag-focus ulit sa pagsusulat.

So yeah, this is it guys. Ano na? Okay ba? Please don't criticise my overloading cliche-ness, haha! Sana nag-enjoy kayo kahit delayed and last ud's! This has been an awesome journey for me. Sana napasaya ko kayo!

Also, I hope you look out for Ginger's story entitled HER LOCKDOWN POSSESSION. Posted na ang prologue so please be sure to check her out!

Love, Loves. <3

•••

"Sige, lolo, habol! Kaya pa ng tuhod?"

Para akong malalagutan ng hininga kakatawa habang nakatingin kay tatay na hinahabol ang makulit na si Jumong. Mabilis tumakbo ang bibo kong anak kaya halos hindi makahabol sa kaniya si tatay na ina-arthritis.

"Marimar! Magdala ka pa ng adobo rito!"

"Sige po!" Pagtango ko sa utos ni nanay na nag-eentertain ng mga bisita sa labas.

Ilang buwan na ang lumipas matapos ang nangyari sa kasal ni boss at Vallerie. Ang mga sunod na pangyayari ay hindi naging ayon sa kagustuhan namin, at hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga iyon. Masakit pa rin.. masakit pa rin na linisan din kami ulit ni Alexander para sa sarili naming kabutihan. Ayaw nyang mag-hirap kami kaya sumuko sya. Bumalik sya kay Madame Natiffere at Vallerie..

Pero syempre, joke lang yun. Haha!

Ang totoo, umalis kami sa syudad at dito muna namalagi sa probinsya. At ngayong araw, first birthday ni Jumong namin! Munting salo-salo lang naman. Kahit second wave na ng COVID, hindi naman ganoon ka-delikado dito kasi hindi apektado ang probinsya namin. Dito nga kami kinasal ni boss nung nakaraang buwan! Hihi! Oo kasal na kami! Simple lang naman din ang kasalan.

"Marimar, asan na?!"

"Takte! Ito na, kainis! Kayo adobohin ko, eh!" Nagmadali akong naglakad pabalik sa labas ng bahay. Doon sa may hagdan ay sinalubong ako ni Karen na nakaismid.

"Amin na nga yan, malditang preggy!"

Inirapan ko sya at inabot sa kaniya ang ulam. Narinig nyo yun diba? Oo, juntis ako. Five months na at babae na ang sunod! Ang bilis diba? Gano'n talaga siguro pag nasa kundisyon lagi. Hehe!

Lumapit ako sa riles ng beranda at doon kumapit, habang ang isang kamay ay nakahawak sa tyan ko. Pinanuod ko lang ang mga bisita na nagsasaya sa baba nang maramdaman ko bigla ang mga brasong pumalibot sa akin. Bumaba ang kamay nya sa tyan ko hinimas-himas iyon.

"Morning misis, morning princess." Hinalikan nya ako sa leeg at agad na ikinairap ko. Morning? Alas onse na ng tanghali!

"Kamusta naman ang ulo mo, mister?"

"Okay lang naman, misis."

Hinarap ko sya at pinagkatitigan ang kaniyang mukha. Bukod sa magulo nyang buhok at bagong gising na mukha, wala namang ibang nagbago sa kaniya bukod sa mas madalas na syang tumawa at ngumiti. Hindi tulad ng dati. Walang-wala na ang Alexander dati na pasan ang mundo lagi.

"Uminom ka muna ng gamot at mainit na kape. Ayokong yakap-yakapin mo na naman ako sa kung saan tapos magrereklamo sa sakit ng ulo, unicorn ka." Speaking of unicorns, napuno ata ng unicorns itong bahay namin dahil sa unicorn ata ako naglilihi. Pati damit ng pamilya ko kailangan unicorn din and kulay o disenyo. Wala namang sumalungat, gano'n kasi kapag buntis! Ikaw ang dapat na nasusunod lagi kaya try nyo na.

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon