"Did he just... did he really just called me, papa?"Tumayo si boss at naglakad palapit sa amin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nanubig ang aking mata habang nakatingin sa anak ko na paulit-ulit na binibigkas ang salitang 'papa' at pumapalakpak pa.
"O-oo, Boss. Papa raw."
Halata sa boses at pungay ng kaniyang mata ang saya. Masaya rin ako na may kaunting selos. Mas madalas ko kasing ituro sa kaniya ang salitang mama, pero ito ang salitang pinili nyang bigkasin ng hindi bulol. Kainggit. Pero ang saya pa rin, hindi ko maipaliwanag! Binigla kami ni bubwit.
"Damn kid, you really know how to relieve my stress." tumingin sa akin si boss. "May I?"
Tumango ako at ipinaubaya sa kaniya ang bata na masayang kumapit sa kaniyang leeg. Hindi matanggal ang ngisi ni boss habang hinagis-hagis si Jumong sa ere. Nawala ang awra nyang seryoso at pagiging higit. Isang masayang ama ang nakikita ko ngayon.
Alam kong bawat ngiti nya ay mahal, pero si Jumong lang pala sapat na. Hindi ko akalaing ganito sya kalambot pagdating sa bata.
"Rhioz, may kusina ba dito?"
Maging si Rhioz ay kita ko rin ang kislap ng saya sa mata. Tumango sya at iminwertsa ang daan. Nakuha nya rin siguro ang gusto kong iparating, na mas mabuting iwan muna namin ang dalawa dahil may sarili na silang mundo roon.
"Mabango ano? Gusto mo?"
Pansin ko kasi na sa buong proseso ay nakatitig lamang si Rhioz sa kape. Ewan ko kung mabango talaga o nagmamatyag lang sya na baka lagyan ko ng lason. Hindi sya nagsalita nang ilapag ko ang tasa sa harapan nya.
"Tanggapin mo na! Igagawa ko na lang si boss ng bago. Nakita mo na ang buong proseso, walang lason yan."
Matapos tumitig sa tasa ay huminga sya ng malalim at kinuha iyon saka walang paga-alinlangan ininom ang kape. Napangisi lamang ako at simulang magtimpla ng bago.
Kapag nasa tamang sukat ang kape at asukal, ang katas ng luya ay nasa tamang bilang ng patak at tama ang temperatura ng tubig, mabilis lamang na makukuha ang tamang timpla na tinutukoy ko. At dapat nasa tamang ritmo din ang paghalo.
"Sabi ko sa'yo, diba? Bihasa ako sa ganito! Kaya wag kang..."
Natigil ako nang mapansin ang seryoso nyang mukha. Ibinaba nya ang tasa at kita kong wala na iyong laman.
"You've brought rare sights," Agad nyang napansin ang pangungunot ng noo ko. "What I mean is, make his son happy. That way Alex will be the happiest man on Earth."
"Ha? Teka—
Pero naglakad na sya palabas ng kusina at wala na 'kong ibang nagawa kundi tumunganga. Pano nasali ang inang kalikasan sa usapan?
"Boss, heto na ang kape nyo."
Inilagay ko ang tasa sa mesa. Hindi nya ako tinapunan ng tingin at tumango lamang habang nasa kompyuter ang atensiyon. Napatingin ako sa bata na nakaupo sa kaniyang hita at humikab pa ito.
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
UmorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...