"Boss, m-mahal mo ba 'ko?"Agad na bumadha ang gulat sa mukha ni Boss. Ilang segundo syang tumitig sa akin. Dinilaan nya ang kaniyang pang-ibabang labi saka tumingin sa kaniyang kanan. Mukhang hindi nya rin alam ang isasagot nya.
"Hindi naman k-kita pinipilit, hihintayin ko ang sagot mo..." nahihiya kong sabi at itinuon na lamang ang tingin sa bata na tila nakikinig lamang sa aming dalawa.
"I.. I can't answer that now. I need some time to think." Tumalikod na sya, pero bago pa man sya tuluyang nakalabas.. "I need you to attend the party later. I'll see you there."
Naiwan akong tulala. Iyon ang unang beses na umamin ako sa tungkol nararamdaman ko sa isang tao. Nakakatakot pala at nakakakaba na para akong natatae. Tipong hihilingin ko na lang na singhutin ang sarili kong kilikili para tuluyan akong mawalan ng ulirat at makalimut pansamantala sa masaklap na reyalidad ko dito sa mudo. Pero ito kasi ang tamang hakbang, pinagnilayan ko na ang sitwasyon gaya ng sinabi ni Almary.
Mabilis na lumipas ang oras, nag-kulong lang ako sa kwarto ng bata. Nasasakal kasi ako doon sa baba, ayaw ko pa ring mag-krus ang landas namin ni Vallerie. Nung mag-agahan, wala na ang mga pasimpleng nakaw tingin ni Boss sa akin na lagi kong inaabangan dati, si Vallerie naman ay minu-minutong umiirap sa akin kahit nasa hapag. Naalala ko pa ang sinabi nya kanina nung hinila nya ako sa sulok pagkatapos ng agahan..
"I won't let you get away with this! Tandaan mo yan babae!"
Mas nawalan ako ng ganang lumabas ng kwarto kahit umalis si Vallerie para magpa-spa, at baka nasa baba lang si Boss. Nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa kong pag-amin. Pagsapit ng hapon, hindi na 'ko mapakali habang iniisip ang party mamaya. Pupunta ba ako? Malamang, inimbitahan ako ni Boss e. Pero hindi kasi maganda ang kutob ko lalo na't siguradong makikita ko si madame Natiffere. Isa pa yun na ayaw sa 'kin.
Sinubukan kong mag-hanap ng maayos na saya at blouse na pwedeng isuot mamaya. Hinanda ko rin ang pulbo ko kasi hindi naman pwedeng magputa ako ro'n na parang nasabuyan ng mantika ang mukha. Kailangan ko rin namang maging presentable kahit sa may tabi lang ako tatayo buong gabi. Nahanda ko na lahat ng kailangan nang tumunog ang tyan ko. Tulog ang bata kaya oki lang na bumaba ako, iiwas na lang ako sa kanila.
"Oh my god, madame! Really?!"
Natigil ako nang marinig ko iyon mula sa sala. Boses iyon ng isang bakla, at nang makasilip ako sa baba, nakita ko si Vallerie na inaayusan ng dalawang bakla. Napanganga na lamang ako. Ang ganda nyang tingnan sa kulay pula nyang gown na talagang nagpapaliwang sa kaniyang makinis at porselanang balat. Nakalugay ang kaniyang kulay lupang buhok na bahagyang kinulot. Pulang-pula rin ang kaniyang labi.
Napakaganda nya kompara sa akin na parang manang na pupunta sa isang pagtitipon mamaya. Wala na nga siguro akong pag-asa kay Boss, may ikinakahiya ko na tuloy ngayon ang pag-amin ko kanina. Huminga lang ako ng malalim at naglakad na pabalik sa itaas, ngunit napalakas ata ang pag-apak ko kaya narinig ko na lamang bigla ang pag-sita ni Vallerie sa akin na ikinatigil ko.. dahan-dahan akong lumingon.
"Is that her, madame?" Wika ng isang bakla habang may nandidiring tingin.
"Yeah, that's her. That gold digging bitch I am talking about. Hallucinating that she could actually take Alex away from me." Sagot ni Vallerie saka tinaasan ako ng kilay.
"Oh my god, that's her?"
"Can't she see herself? So ambitious!"
Hindi ako ng malalim. Hindi ako ang tipo na pumapatol sa mga tanong tulas nila. Masakit, oo, at mas pinalala lang nila ang gutom ko.. naglakad ako pababa at walang pake silang linampasan, bahala sila. Ba't nga ba ako magpapa-apekto?
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
HumorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...