Chapter 32

6.2K 202 28
                                    


"Oh? Anong ginagawa mo rito?"

Nagising ang aking kaluluwa at napatingin ako kay nanay. Ngumiti ako sa kaniya ng payak saka ako huminga ng malalim at muling tumuon sa malawak na palayan sa harapan ko. Tatlong araw na simula nung makauwi ako rito sa probinsya.

Sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang magmokmok at umiyak.. kasi si tatay ang daming sinasabi parang nanghahabilin! Nalulungkot ako na naiinis! Iniisip ko lagi ang lahat ng mga nalaman ko mula kay Matthew.

Binabagab rin ako kung tama nga ba itong naging desisyon ko. Kung ano ang maaring mangyayari at kung may magbabago kung bumalik ako at sinabi kay boss lahat?

"Anak, umuwi ka rito para mahimasmasan sa nangyari kaya wag kang magmokmok lang dito dahil mas lalala ang sitwasyon mo, magbilad ka ng palay!" Naupo si nanay sa ugat ng mangga katabi ko.

"Hehe, jowk." Dagdag nya.

Napailing na lang ako. Alam na nila lahat. Hindi ako naglihim pero wala akong binanggit na pangalan lalo na si Vallerie na sikat. Wala rin akong binanggit tungkol sa amin ni boss.

Sobra akong nangamba nang magalit si tatay sa akin, baka kasi anong mangyari sa kaniya. Si Karen naman ay nagtampo dahil hindi ko bitbit ang pamangkin nya nang pagbuksan nya 'ko ng pinto. Si nanay lang ata ang talagang nakakaintindi sa sitwasyon ko.

"Subukan mo kayang libangin ang sarili mo, Marimar? Nang sa gano'n ay makalimot ka sa bigat na dinadala mo. Nag-aalala kami sa iyo ng sobra, hindi ka na naman kumakain ng wasto.. yaw naming makita ulit ang naging estado mo dati anak."

Tumingin ako kay nanay. "Pasensiya na, nay, nagiging pabigat ako sa inyo at—

"Ano ka ba! Hindi ka mabigat, magaan ka lang!"

Napakurap ako habang nakatitig sa kaniya. Teka, biro ba iyon?

'Di kalaunan ay pareho kaming natawa. Para kaming mga ewan doon habang tumatawa. Nag-echo pa sa palayan kaya nagsiliparan ang mga ibon. Ang engot din ng nanay ko e, ano? Pero kahit papaano ay gumaan naman ang bigat na dinadala ko.

"Tara na Marimar, tanghalian na. Isang kalderong kanin ang inilaan ko para sayo dahil hindi ka kumakain ng maayos."

Sabay kaming naglakad ni nanay pabalik sa aming bahay na hindi kalakihan at gawa lamang sa kawayan. Malayo kami sa bayan, at dito sa kapatagang kinaroroonan namin ay malawak na tanaman lang ang makikita sa paligid. Malalayo ang agwat ng kabahayan at maipagmamalaki ko na ang palayan namin ang pinaka-malawak sa lahat.

"Aguy, ang loading! Pakabit na kasi tayo ng wifi nay!" Bulalas ni Karen saka tumayo at nagtungo sa bintana. Kakatapos lang naming kumain at naghuhugas na ako ngayon ng mga pinggan.

"Nagp-peysbok ka? Wala ka namang ka-chat." Si nanay iyon.

"Porke facebook chat agad? E nabo-bore kasi ako dito e."

"E kung ang bakuran kaya natin ang pagkaabalahan mo? Wala ka nang ibang hinarap kundi 'yang selpon mo! Pa-tats nga!"

"Ehehe! Mamaya na, may candy crash, temple run at puo na 'ko rito. Tsaka tanggalin nyo muna kalyo nyo, baka magasgas itong screen ng cellphone ko."

Itinaas nya pa ang Vivo nyang selpon para hindi maabot ni nanay. Hindi naman iyon bago at bigay lang ng ninang nya. Napailing na lang ako sa kaartehan ng kapatid ko.

"Ay hala, may story ang celebXtycoon. Tsk, hina ng signal!" Lumabas si Karen sa bahay, at ilang saglit pa ay narinig ko na lang ang pagtunog ng bubong namin!

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon