"Alam ko naman, e. Hindi nya na ako kailangan pang takutin..."Mag-isa ako dito sa banyo ng kwarto ni Jumong at binubuhos ko lahat sa paraan na kaya ko. Nakaupo ako sa sulok habang patuloy na humihikbi. Ang dami kong iniisip tapos dumagdag pa ang sinabi ni Rhioz na hindi mawala-wala sa isip ko. Na dapat ko na itong tigilan habang maaga pa para hindi na mas maging komplikado ang buhay ko.
"Anong gusto nya? Na umalis ako? Aalis ako na hindi kasama ang anak ko? Hindi naman ata yan pwede..." Pinahid ko ang aking luha.
"Hindi ako aabot ng ganito kalayo para lang sa wala."
Siguro nga may nararamdaman na akong kakaiba para kay boss. Kasi hindi ako magiging ganito ka apektado sa sinabi ni Rhioz at sa mga ginagawa ni Vallerie para inisin ako. Alam ko na hindi mabuti, pero alam nyo ba yung pakiramdam na gusto mong mapalapit at makita lagi ang isang tao? Gano'n ang nararamdaman ko. Hindi maintindihan.
Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito. Ang tatay ko lang naman ang tanging lalaki na naging malapit talaga sa akin at wala ng iba. Tsaka tango lang naman iyon ng tango, tipong oo lang ng oo para wala ng problema. Pagkalipas ng ilang minuto ng pagmumukmok ay tinulak ko ang sarili ko patayo dahil oras na para pakainin ang bata.
"Macharap nak, no?" Ngumisi ako at kinahig ang nagkalat na lugaw sa bibig nya. Nawawala ang stress ko sa tuwing napapatingin ako sa anak ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako roon, at laking gulat ko nang makitang si boss ang pumasok. Basa ang kaniyang buhok at agad kong naamoy ang presko nyang halimuyak. Nasa bulsa ng kaniyang itim na slacks ang kaniyang mga kamay at bagay na bagay sa kaniya ang itim na suit. Matapos nyang tingnan si Jumong ay sa akin naman sya tumutok.
Agad kong iniwas ang aking tingin dahil sa pagka-ilang. Natutunaw ako kahit sa malamig nyang titig. Hindi ko na mahanap ang boss ko na nakasama ko ng ilang araw. Yung ngumingiti pa ng madalas. Pansin ko rin ang kakaibang kislap ng kaniyang mata. Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi. Ano kaya? Sabihin mo boss.
"Hon?" Nawala ang pag-asa sa loob ko na makakausap ko na si boss ulit dahil biglang sumulpot si Vallerie sa kaniyang likuran.
"Let's go?"
Linawit agad ang kamay sa braso ni boss habang sa akin nakatingin. Talagang kapuri-puri ang kaniyang kagandahan at kakayahang mambulabog ng ganitong sitwasyon. Iniwas ko na lamang agad ang aking tingin. Delikado baka pagbuhatan na naman ako ng kamay pag nahuli akong nakatingin sa nobyo nya.
Lumipas pa ang ilang araw, ayaw kong mag-kwento. Kasi gano'n lang naman ang laging nangyayari. Pag may nagawa akong hindi maganda sa paningin ni Vallerie ay saka nya 'ko papagalitan at hihiyain pag wala ng ibang tao. Oki lang naman dahil hanggang salita lang naman. At hanggat hindi nya sinasaktan ang anak ko, hindi ako lalaban.
Dito na 'ko natutulog sa kwarto ko. Si Vallerie kasi ang nagpapatulog sa bata. Kahit ayaw ko ay wala akong magagawa kundi ilapat na lang ang tenga sa pinto upang marinig ang nangyayari sa kabila. Salamat lang talaga at hindi ko pa narinig ang iyak ng bata, dahil pag nagkataon at si Vallerie ang may kagagawan ay hinding-hindi ko sya mapapatawad.
"Aray!" Napamulagat ako ng gising nang bumagsak ako sa sahig. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako habang nakaupo sa baba ng pinto.
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
UmorismoNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...