"Magandang gabi po, boss."Maingat kong isinara ang pinto ng kaniyang opisina. Habang naglalakad papalapit sa kaniya ay hindi ko magawang itaas ang aking tingin. Nahihiya ako na ewan.
"Pinagtimpla ko po kayo ng kape,"
Inilapag ko ang tasa sa kaniyang mesa. Nagbulontaryo kasi akong ipagtimpla sya ng kape. Sabi kasi ni tatay masarap akong magtimpla, lalo na pag madaling araw at tutungo sya sa bukid. Uto daw iyon sabi ni nanay pero sineryoso ko, hehe.
Alas otso ng gabi, tulog na si Jumong sa kwarto. Umalis na rin ang ginang kanina pa. Hindi ko alam kung anong nangyari pero siguradong hindi iyon maganda. Pagkatapos kasi no'n ay agad na hinanap ni boss ang anak nya at hindi binitawan hanggang sa sabihin kong patutulugin ko na ito.
"Masarap po iyan, pramis. Sabi ni tatay pang worldklas raw ang timpla ko."
Tumango lamang si boss matapos titigan ang kape sanhi ng pagkawala ng ngiti ko. Tititigan nya lang?
"Boss, lalamig na. Walang lason yan, maniwala ka."
Isang mabigat na hininga ang kaniyang pinakawalan saka kinuha ang tasa. Akala ko tatawag pa sya ng papatikimin, pero matapos nya iyong singhutin ay sumimsim sya habang nakatitig sa akin. Ang seksi! Naiinitan tuloy ako.
Matapos humigop ay bigla syang pumukit kaya agad akong naalarma. Hala walang lason yun!
"B-boss? Oki ka pa?" Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya upang mas masuri sya ng mabuti. "Boss?"
Napatitig ako sa kaniyang labi na mamula-mula at namamasa dahil sa kape.
"Wala talagang lason ang—
Bigla syang dumilat kaya agad akong napatalon paatras.
"You mixed it with ginger?"
Napakurap-kurap ako sa bigla nyang tanong. "P-po?"
"Luya."
"Ay, opo, mayroong luya. Mas nakakabuti kasi sa katawan. Mananatili kayong dilat hanggang sa gusto nyo at nababawasan nito ang epekto ng kapeng espresso. Kaya kung gusto nyong matulog, makakatulog kayo agad ng mahimbing." paliwanag ko.
Bahagya syang ngumiti sabay tango saka muling humigop. Bahagya lamang pero sapat na para pansamantala kong malimutan ang mundo, ang krisis at ang virus. Ano kasi, ang gwapo! Ngayon ko lang ulit naramdaman ang mga paro-paro sa aking sikmura!
"Nagustuhan nyo po ba?"
"It's good."
Literal na tumalon ang aking atay. Hehe, atay muna. Delikado kasi pag puso, boss ko yan. Bahagya lamang akong yumuko at tatalikod na sana, pero may naalala ako bigla.
"Ah, boss," muli ko syang liningon at nakita kong humihigop sya sa kape. "Wag nyo pong palakasan masyado ang aircon dito sa opisina kapag nagpupuyat kayo. Hindi maganda ang naidudulot ng puyat at lamig sa katawan."
Matapos ko iyong sabihin ay tumitig lamang sa akin si boss. Hindi ko mahinuha ang kaniyang tingin, pero nakaramdam ako ng pagka-ilang kaya ngumiti ako at tatalikod na sana, kaso...
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
UmorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...