Chapter 05

6.1K 211 57
                                    


"Alam kong ikaw ang anak ko. Hindi na kailangan ng DNA o hula."

Hinalikan ko ang anak sa noo at tinuloy ang paghele sa kaniya kahit mahimbing na syang natutulog. Tumingala ako sa kisame kung saan may mga disenyong bituin na nagliliwanag. Hindi ko matanggal ang ngiti ko.

Maaga ko syang pinatulog. Buong araw kasi kaming naglaro kaya malamang ay medyo napagod ang boss baby ko, knockout agad. At buong araw, hindi ko narinig ang nakakabingi nyang iyak. Namiss din ata ako.

"Hanga talaga ako sa 'yo,"

Halos napatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita. Paglingon ko sa pinto ay nakita ko doon ang isang katulong na nakatingin sa akin. Agad akong naupo sa kama at binati sya ng magandang gabi.

"Expert ka nga talaga sa pag-aalaga ng bata, ikaw lang ang may kakayahang patahimikin si baby Azi sa isang halik lang sa noo," lumapit sya sa akin, ngumiti at inabot ang palad. "Ako si Almary, mayor doma."

Tinanggap ko ang palad nya kahit nabulunan ako ng sariling laway. Hindi ako makapaniwalang sya ang Mayor doma. Para syang si Kylie Padilla, e!

"Let's save the talk for later, tara sa baba para maghapunan. Ipapakilala ko sa 'yo ang iba, inisnob mo kasi kami kanina dahil wiling-wili ka kay Azi."

Pasensiya naman, ilang buwan kasi kaming hindi nagkita ng anak ko kaya gano'n.

Gaya ng napagkasunduan ay bumaba na nga kami. Pero siniguro ko muna na maayos ang lagay ni Jumong. Nilagyan ko ng unan sa magkabilang gilid at paanan nya para hindi sya umabot sa kung saan at mahulog pag gumalaw-galaw sya.

"Akala ko kailangan muna ng pirmiso mula kay boss bago kumain."

Mahiya-hiya kong sabi at napatingin sa apat na bantay na kumakain ng mabilis. Kaya pala wala sila roon sa labas ng kwarto kanina. Nandito pala sa hapag, nagpapakabusog. Para nga silang nahuling akyat bahay nang makita nila ako kanina.

"Mr. Aleksev is not that strict, but in front of him we must act professionally. Ibig sabihin, we must be there when he needs us na walang sagabal like eating. Kaya kapag wala sya ay saka kami bu-buwelo."

Sabi nung isa pang katulo na babaeng sa tapat ko. Sya si Caramel na parang si Sanya Lopez. Palayaw nya 'y Cc pero 'donkol me dat, amnat inosente' daw, e.

Napatango naman ako at muling napatingin sa apat na bantay. "Ahehe, kain lang kayo!"

"Pero mahigpit kasing ibinilin sa amin ni Rhioz na huwag kang iiwanan—

"Hindi ko kayo ilalaglag."

"Pangako yan? Walang laglagan?" a'nila at nagkatinginan pa.

"Oo naman," ngisi ko.

Matapos iyon ay umingay na ang kusina dahil sa kanila. Marami silang papuring sinabi sa akin at hindi raw sila naniniwalang kaya kong saktan ang bata. Para raw kasing ako ang tunay na ina at wala silang nakitang mali. Hindi ko inakalang gano'n pala ang nasa isip nila tungkol sa akin.

"Nasan pala si boss?"

Naitanong ko matapos ilibot ang paningin sa magandang tanawin sa paligid. Salamin ang mga dingding ng kusina kaya kitang-kita ko ang ilaw ng syudad sa paligid.

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon