"Boss, nandito na po ako."Pasimple akong umikot para ipakita sa kaniya kung gaano ako kaseksi sa suot kong dilaw na sando at kahel na saya. Nagliliwanag ako sa dilim, pero ito lang ang maayos kong damit. Naghanda talaga ako para naman hindi ako magmukhang may sapi ngayon.
"Uhm,"
Tumango lamang sya at muling ibinaba ang tingin sa mga papeles. Hindi man lang nya pinag-aksayahan ng tingin ang suot ko! Hihi, pansin ko ang landi ko bigla. Pero oki lang yan, minsan lang ako magkaroon ng among adonis kaya susulitin ko na.
Naligo ako, dalawang beses nagsabon, tatlong beses nag-sipilyo, sinuklay ko ang aking buhok, nagpulbo, kinagat ang labi upang pumula, at sinampal ko rin ang aking pisngi upang mag kulay rosas. Wala akong pampaganda kaya nagta-tyaga ako sa ganito.
"How's my son?"
"Mahimbing na po ang tulog nya sa itaas kanina pa. Sinigurado ko pong maayos sya bago ako bumaba rito."
Gumawa pa nga ako ng duyan gamit ang kumot ko. Wala kasi silang duyan, hindi ata uso, kaya gumawa na lamang ako. Mas mabuti nang may duyan para mas mahimbing ang tulog ng bata.
Muli lamang syang tumango. Mukhang hindi maganda ang kaniyang mood, sinyales ito na itigil ko na ang sekretong paglandi ko sa kaniya.
"Boss, kape you want?" Wag ka, may Ingles na rin ako.
"Yes, please."
Hindi nya ulit ako tinapunan ng tingin. Abala sya sa kung ano sa kompyuter nya. Kaya minabuti ko na magtungo sa kusina para magtimpla. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nya ako dito sa opisina, may trabaho syang dapat gawin kaya kailangan dilat sya.
Iyon ang misyon ko dito, kaya dapat magampanan ko ito ng mabuti na walang bahid ng paglalandi.
Pagkatapos ng gawain, naupo ako sa sopa at doon tumunganga dahil ayaw nya akong paalisin. Hindi ko maiwasang magnakaw ng tingin sa kaniya, kasi nasasayangan ako sa kaniyang katawan at mukha kung tatanda sya agad sa estress. Ganito ba talaga ang buhay ng mayayaman?
"Boss, ano po bang magagawa ko?"
Nahihiya ako, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumapit.
"What d'you mean by that? There's nothing. Coffee, maybe?"
"Bukod pa dyan, boss? Nakakabagot kasi na tumunganga lang."
Kamot batok na piningis ko ng tingin ang tambak na papeles sa gilid ng kaniyang mesa. Tapos nya nang basahin iyon, pero mukhang tinatamad sya sa pagtatak. Ang mga papeles kasing inaayawan nya ay diretso nyang tinatambak sa basurahan sa gilid. Ayon iyon sa obserbasyon ko.Sandali nya akong pinagkatitigan at kalaunan ay napabuga sya ng mabigat na hangin.
"Fine then, if thats what you like. But first," binaba nya ang tingin sa tasa na wala na'ng laman. Ang bilis!
"I'll teach you what to do when you comeback."
Hindi ko alam kung anong milagro ang nangyari, pero naintindihan ko lahat. Nagmadali akong lumabas sa opisina dala ang tasa at nabangga ko pa anf isang paso pero hindi ko iyon ininda. Eksayted ako 'nu ka ba!
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
HumorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...