"Wait, is there anything wrong? Are you avoiding me?"Natigil ako sa akmang paglalakad nang hawakan bigla ni Matthew ang aking pulso. Napatingin ako para hanapin si boss o kung sino na man na pwedeng makatulong sa 'kin pero 'di ko sila nahanap! Ewan ko pero nangangamba talaga ako dito sa lalaking 'to kahit pa mukhang mabait naman sya.
Kumurap ako. "Ano kasi, ayaw kong—
"Good evening, ladies and gents! Tonight we are here, gathering to celebrate the special day of the one and only, her majesty of the business world, please welcome the queen herself, Madame Natiffere Dadaria Aleksev!"
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Kaya nabitiwan ako ni Matthew dahil naki-palakpak sya. Lahat ng tao ay nakatingin ngayon sa ginang na bumababa sa hagdanan. Suot nya ay kulay gintong pilipinyana na abot sahig ang haba, yumakap iyon sa kaniyang perpekto pa ring hubog kahit sa kaniyang edad. Nagniningning rin ang damit nya dahil sa mga maliliit na disenyong bato.
Gaya ng una kong pagkakita sa kaniya, ang mga mata nya ay mapagmatyag at ang kaniyang kilos ay kontrolado at elegante. Isa nga syang reyna! Nakita ko si boss na naghihintay sa baba ng hagdan. Tinanggap ng ginang ang kamay nyang nakalahad, saka nya ito inalalayan tungo sa intablado. Taas noo ang ginang na tumingin sa mga tao na hindi pa rin tumitigil sa pag-palakpak.
Inilibot ko ang paningin sa paligid para hanapin si Jumong at nakita ko syang yapos ni Vallerie malapit sa entablado. Gusto ko sanang magtungo roon pero parang ayaw gumalaw ng katawan ko! Sa isang maling galaw ko kasi, parang makikita agad ako ni Madame Natiffere na ayaw kong mangyari. May kakaiba kasi sa titig nya, yung tipo na kahit senador ka, manliliit ka.
Ayaw kong mag-krus ang landas namin kahit alam kong imposible dahil nandito ako sa puder nya. Pero basta! Gagawin ko na lang ang lahat para umiwas.
Nang itaas ni Madame Natiffere ang kaniyang palad ay natigil lahat ng ingay sa paligid..
"To my co-business personalities, my friends, to vice president Lenie,"
Nanlaki ang mata ko sa narinig.. si bise presidente Lenie nandito din? Hala asan?! Luminga-linga ako paligid at pinahaba ko pa ang aking leeg. Nandoon sya sa harap! Tumatango sya sa mga taong nasa paligid habang may ngiti! Jusmeyo, akalain mo nga namang kaibigan ni Madame Natiffere ang bise presidente ng Pilipinas?!
"Senators, congressmen and women, celebrities, to my son, his fiancé and their child, to everyone who came here tonight.."
Napatingin ako kay Boss na nasa gilid ng intablado, hinapit nya ng tingin si Matthew na isang metro ang layo mula sa 'kin saka sya muling tumutok sa akin gamit ang medyo matalim na tingin. Yumuko lamang ako para umiwas saka binalik ang tingin sa entablado.
"You have my gratitude for sharing this wonderful day." Bumuga sya ng hangin sa elegante pa rin na paraan. "Sixty-five bas been quite a though year."
Nagtawanan ang mga tao sa sinabi nyang iyon, maging sya ay simple ring natawa.
"That would be all, enjoy the party. Dobriy vyecher!"
"Everyone, raise your glasses and let's give a toast to the queen! Together let us say, more birthdays to come!" Tinaas ng host ang kaniyang kupita at ganon rin ang ginawa ng lahat. Ako? Wala akong baso kaya ang kamao ko na lang ang itinaas ko.
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
HumorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...