"Wag mong sabihing bad news? Ayaw ko rin ng fake news."Iyan agad ang isinalubong ni Ginger sa akin pagkabukas ko ng pinto. Huminga ako ng malalim at pumasok na. Ambigat pa rin kasi ng dibdib ko. Bilang isang ina na handang gawin lahat para sa anak, gustong-gusto kong ibigay sa kaniya ang mga bagay na makapaagpapasaya sa kaniya.
Kapag nakuha ko ang anak ko, bubuhayin ko syang mag-isa. Lalaki sya sa hirap dahil hindi ko kayang ibigay ang mga bagay na meron sya ngayon. Alam kong masama mag-isip ng ganito. Pero kasi hindi ko maiwasan. Napanghihinaan ako ng loob.
"Wuy, anyare?"
Tumabi si Ginger sa pagkakaupo ko sa paanan ng maliit nyang sopa. Nagtakip ako ng mukha para itago sa kaniya ang nabagsakan ng buwan kong ekspresyon.
"Natanggap ako. Magsisimula na 'ko bukas. Pero nalulungkot parin ako, e."
"Bakit naman?"
"K-kase nakita ko ang buhay nila. Ang buhay ng anak ko. Kaya nilang ibigay lahat. Ako, hindi." tuluyan na akong napahikbi, lalo na nang akbayan nya ako ng pahampas.
"Alam mo ang drama mo! Ano namang silbi ng mga yan? Iniisip mo lang kasi ang kaya nila, isipin mo ang kaya mo na hindi nila magawa! Yung mas importante! Ikaw ang ina, ikaw ang nagluwal, ikaw ang nagpakahirap. Yun pa lang hindi na mapapalitan ng kung anong mamahaling laruan!"
Tama si Ginger. Hindi dapat ako nagiisip ng ganito. Pero hindi ko nga kasi maiwasan!
"May laban ba ako? Sa yaman nilang yun, kahit isang hakbang lang para itakas si Jumong hindi ko magagawa."
"Hoy Mariella, sino bang nagsabi sayong itakas mo? Kung alam mong imposible, wag mo na ipilit. Para lang yang seventeen inches, wag ipilit baka malumpo!"
Kumunot ang noo ko. Ba't napasok iyan sa usapan?
Tumilaok bigla ang panabong sa selpon ko kaya agad ko iyong kinuha sa bulsa.
"Hala yung keypad nahulog!" Bulalas ni Ginger.
"Hayaan mo na, ididikit ko na lang ulit mamaya." tiningnan ko ang pangalan sa isikrin... si nanay.
"Oh? Ba't mo pinatay?"
"Yung manok?"
"Gaga! Yung tawag!"
"Si nanay kasi yun. Natatakot ako Ginger, hindi ko alam ang isasagot pag nagtanong sya tungkol sa apo nya."
"Eh pa'no kung kontakin ka ng kontakin? Papatayin mo ulit?"
"Yung tawag?"
Ubos pasensiya syang bumuga ng mabigat na hangin. "Hindi, yung manok."
"Ahh, wag kang mag-alala, maraming beses ko na yung pinatay hindi naman nawawala."
Napatampal sya sa noo. Bakit na naman? Sinagot ko lang naman sya, diba?
"Jusko Marimar, nagtanghalian ka ba?"
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
HumorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...