Chapter 15

5.4K 184 20
                                    


"Magiingat ka, ha? Landiin mo na ang driver, wag lang ang boss."

Kinindatan pa ako ni Ginger bago nya sinenyasan ang tsuper ng traysikel na lumarga na. Habang nasa byahe, hindi ko pa rin maiwaglit sa isip ang nalaman ko kanina. Bakit ko nga ba iniisip na si boss iyon? Tila napaka-imposible naman.

"Welcome back, star scout!"

Sumaludo sa akin si Kim Bum nang madaanan ko syang nagkakape sa lobi at may mga babaeng kausap. Ang aga nya ngayon. Nginitian ko lamang sya ng payak at nagpatuloy na ako pag-akyat. Panay ang paghinga ko ng malalim habang binabaybay ang pasilyo.

Sa pagdaan ng bawat segundo ay unti-unting nadadagdagan ang aking kaba. Natatakot ako, hindi ko maintindihan. Naiisip ko kasi na paano kung si boss nga iyong nagpunta sa tirahan ni Ginger kahapon? Tapos narinig nya ang pag-uusap namin at nagyon at alam nya na ang tungkol sa nakaraan ko.

Mandidiri kaya sya? Tatanggalin nya ba ako sa trabaho? Hindi nya ba ako papansinin? Nababaliw na 'ko kakaisip! Nakakadagdag pa sa kaba ko ang muli naming pagkikita matapos ang nangyari no'ng nakaraang araw. Ngayon lang ulit kami magkikita.

Hindi ko alam kung may lakas pa akong tumayo pag nasa harapan ko na sya. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano. Napa-praning na ako. Ang dapat kong isipin ay makikita ang anak ko. Oo, tama. Yun lang ang dapat kong isipin. Si Jumong lang!

Nang tuluyan akong makapasok sa bahay ay linampasan ko ang sala, kusina at opisina ni boss dahil wala naman akong nakitang tao. Nagmadali ako sa tungo sa ikalawang palapag upang makita agad ang anak ko. Tulog pa 'yon dahil mag-aalais pa lang at gusto ko ako ang makita nya pagkagising.

Hindi mawala-wala ang ngisi ko nang itulak ko ang pinto ng kwarto, ngunit ibang tanawin ang bumungad sa akin.

"Oh, she's here already! Marimar, right?"

Napatingin ako sa babaeng may matamis na ngiti habang hawak-hawak ang isang laruan ni Jumong.

"Ma'am Vallerie? W-welkambak po," walang lakas na naibulong ko at napatingin ako kay boss na akay ang bata. Ang ngiti nya ay agad na nawala nang mapatingin sya sa akin.

Bakit? Bakit nang madatnan ko silang masaya habang nilalaro at nilalambing si Jumong ay bumigat ang dibdib ko? Bakit... b-bakit parang masakit? Lalo na nang mag-iba ang timpla ng mukha ni boss nang mapatingin sya sa akin.

"You're early! I thought you'll arrive at seven. Edi sana napasundo ka namin sa baba."

Napatingin ako kay Vallerie. Matamis ang ngiti nya. Hindi ko matukoy kung peke. Pero diba galit na galit sya sa akin bago pa sya umalis ng bansa? Anong nagyayari?

Napatingin ako kay boss na yapos-yapos si Jumong. Sandali lang syang tumingin sa akin saka binalik ang tigin sa bata. Bakit parang ang layo nya ngayon? Abo't kamay ko pa sya nung nakaraang araw.

"Hon, take baby downstairs. I'll prepare the bib." Nakangiting binalingan ni Vallerie si boss na tumango lang saka naglakad palapit sa akin.

Habang naglalakad sya palapit, sinikap kong pabagalin ang takbo ng oras sa paligid ko upang mas matitigan sya ng matagal habang yapos ang anak ko. Ito na nga ang sinasabi ko, na kapag nandito si Vallerie ay hindi ko na mahahawakan ang anak ko ng madalas. Sana hindi na lang ako pumayag sa pahinga kahapon. Sana ginugol ko na lang ang panahon kasama ang anak ko. Nagsisisi ako.

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon