"Hey, calm down. It's gonna be alright."Tinapik-tapik ni Matthew ang ang aking balikat habang naka-upo ako't umiiyak sa mismong pwesto na iniwanan ni Valleire sa akin kanina. Pero paano ako kakalma? Kung tama ang hinala ko na iniwan ako ni Valleire dito sa gusaling ito, hindi ko alam ang daan pauwi at wala rin akong pera! Jusko, nalintikan na talaga.
"Anong gagawin ko? Gutom na gutom na 'ko tapos masakit pa ang puson ko." Naluluha kong sabi.
"I think its better if you eat first. Come with me, I'll treat you in a fast food." Ani Matthew at sinubukan akong itayo pero nanatili lang ako sa pagkakaupo.
Matapos ang lahat ng nagawa ko akala ko itutulak nya 'ko sa bangin, pero heto sya at sinasamahan ako kahit hindi kami lubos na magkakilala. Kung tulong man ang ibig sabihin ng sinabi nya, hindi ko matatanggap.. nakakahiya na kasi. Lalo na't akakarinig ako ng mga bulungan sa paligid. May narinig akong, "Bakit pinapatahan ng pogi yung yaya?" "Luh? Nag-inarte kala mo naman bagay."
Napatingin ako kay Matthew na parang wala lang na habang tinatapik ang aking balikat. Hindi ko inakalang ganito sya kabait. Nagpapasalamat ako sa tulong nya pero ayaw kong mag-aksaya pa sya ng oras dahil lang sa 'kin na hindi nya naman kilala. Pero kasalanan nya pa rin kung ba't ako naiwan! E, sino ba kasing nagsabi na magtago ako, diba? Kasalanan ko pa rin pala! Mas naiiyak lang ako.
"Matthew, b-bakit sinasamahan mo 'ko? Hindi nababagay sa 'kin ang tulong mo." Naiiyak ko pa ring sabi.
"Because it's not good to leave a lost lady alone." Aniya at tumayo sabay lahat ng kaniyang kamay. "Let's go?"
Hindi ako kumibo.
"Hey, it's going to be okay. I'll take you back after we grab something to eat. We should go somewhere—
"Social distancing po ser, ma'am."
Pareho kaming napatingin kay manong guard na nakataas ang kilay. Agad namang tumayo at umatras si Matthew ng ilang hakbang palayo sa akin habang ako ay nanatili lang na nakaupo sa sahig.
"May problema ba kayong dalawa? Bakit umiiyak itong si ma'am?"
Nagpahid ako ng luha at umiling-iling sa tanong ni manong. "W-wala po."
"Sigurado ka?" Tumango ako. "Mabuti naman. Atsaka wag kayong mag-landian sa publiko, alam nyo namang may pandemia,"
"Tsk, iyan pa talaga ang inuuna.." Bulong nito saka naglakad na palayo. Gusto ko syang habulin ng tadyak. Tabil ng dila ng sikyo na yun!
"Hey, Leave it. Don't mind him. " Nagtaas ako ng tingin kay Matthew nang lumapit sya muli sabay lahad ng kamay. "So, let's go somewhere? I know a fine dining place just a few blocks from here."
Sandali akong napakurap-kurap sa sinabi nya. Yung 'let's go somewhere' lang ang naintindihan ko. Ay, teka.. ambilis nya naman ata! Date agad? Gutom ako at naiwan pero date pala ang iniisip nya? Yan ang linyahan ng mga lalaki diba?
"Ha? Ahehe, ayoko. Wag na, pero salamat sa imbitasyon." Tinuyo ko ang namamasa kong pisngi at nahihiyang inipit ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng tenga. Pogi sya oo, kaso biglang pumasok sa isip ko ang gwapong mukha ni Boss maging ang salubong nyang kilay.. kaya no tenks.
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
HumorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...