Chapter 34

7.6K 181 48
                                    


"Bakit hindi mo agad sinabi sa 'min na nakabingwit ka pala ng poging kano?"

Napaigtad ako nang tusukin ako ni aleng Cita sa tagiliran. Napalingon naman ako kay boss na dinudumog na ngayon ng aming mga kapitbahay. Kadalasan ay mga ale, may lola pa nga na nakisali.

"Kailan ang kasalan, hija? Naku! Sigurado akong magpapatayo kayo ng mansyon dito!"

"Ahehe, hindi ko naman po yan syota e. May mapapangasawa na po iyan." Tipid ang ngiti kong sagot.

Mukhang wala namang ibang nakakakilala kay boss dito bukod sa amin. Mas mabuti kung gano'n. Tsaka hindi kasi talaga gaanong uso dito ang selpon at internet.

"Ay ang hina! Naku alam mo hija kung sing-bata mo pa ako, pinakasalan ko na sya agad! Hinding-hindi ka malulugi! Pogi, matipuno, mabango at mukhang mayaman!"

Hindi ko na pinansin si aleng Cita at nagpatuloy na lang sa ginagawa. Naglalagay ako ng ulam sa paligid ng kanin sa dahon ng saging. Oo, may selebrasyon kami ngayon. Nakatanggap kasi kami ng magandang balita kaninang umaga. With highest honor si Karen at dumating na din ang certificate nya kaya may pa budol-budol kami ngayon dito sa labas ng bahay.

Maganda kasi ang sikat ng buwan ngayon at hindi gaanong malakas ang hampas ng hangin kaya hindi malamig. Perpektong pagkakataon ito para mag-salo salo. Ang ulam ay ginataang tubig-tabang na hipon at pinigaan ng isang basong labuyo, may piniritong tilapya at inutok na alimango din, yun bang nilalagyan ng sapal ng buko ang loob ng alimango? Basta gano'n!

Meron ding inihaw na tuna, may ilang kilo ng hita't paa ng letsong manok din na dala ni mang Giasal. Basta, marami pang iba. Nagdala din kasi ng kung ano-ano pang putahi at kakanin ang ibang butihin naming kapitbahay bilang handog sa kapatid ko.

"Kaya mong mag-kamay?"

Nang matapos ko ang ginagawa ay linapitan ko si boss. Tinawag na rin ni nanay ang lahat dahil kakain na raw kaya nagsi-alisan na ang mga ale na nakapalibot sa kaniya.

"Yeah, of course. I've told you many times not to worry about me."

"Sigurado ka? E sa mga pagkain? Baka may hindi ka kayang kainin d'yan?"

Tinaasan nya 'ko ng kilay saka ako hinapit sa baywang papalapit sa kaniya.

"I said don't worry, I'm totally fine. What you eat, I will eat. And I've always wanted to try budol-budol back in high school but my mother won't allow me. This is my chance."

Pinaningkitan ko sya ng mata. "Talaga? Sigurado ka d'yan?"

"Oo nga. Una kong kakainin yung ginataang hipon. Ikaw nagluto e, amoy pa lang, mukhang masarap na masarap."

Natawa lang ako sa biglang banat nya at dahil na rin sa kiliti. Inaamoy nya kasi ang pagitan ng tenga at leeg ko nung sinabi nyang masarap na masarap. Hehe! Wag kayo, kasi masarap na masarap talaga.

"Gagong pogi ka," marahan ko syang hinampas sa dibdib. Umextra landi ata kami ngayon.

"Hoy, hoy. Itigil nyo na yan at baka makita kayo ni tatay dyan. Tsaka kakain na,"

Agad akong napalayo ng kaunti kay boss ng kalabitin ako ni Karen. Sinamaan ko sya ng tingin pero hindi nya 'ko pinansin.

"Wala akong balak na basagin moment nyo, okay? Pero parang gano'n na nga. Mamaya nyo na yan ipagpatuloy ate, kuya. Support naman ako sa inyo eh, hihi! Pero kain muna bago landi."

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon