"You okay? Sabi ko naman sayo diba na wag munang lalabas?"Nakaupo si Almary katapat ko at pinapanuod akong kumain na parang wala ng bukas o susunod na linggo at buwan. Binuhos ko na din ang hinanakit ko sa hawak kong hita ng manok, pinapak ko iyon na parang tigre at sa isang iglap lang ay ubos na lahat ng nasa mesa. Pero kulang pa rin, e. Hindi lang para sa gutom ko kundi para rin sa emosyon ko.
"Dagdag pa?" Tanong nya muli. Hindi ako nakagot agad kaya tumayo na sya para maghain. Halata talaga siguro na gutom ako.
"Pasensiya na talaga kung naabala kita. Alas tres na ng madaling araw pero heto ka." Nahihiya kong wika sa unang pagkakataon.
Sandali nya akong liningon. "Ano ka ba, okay lang. Tsaka nag-alala talaga kami sayo ng sobra," lumapit sya sa akin dala ang isang bandehadong kanin at ulam. "Oh, kain pa."
Nang ilapag nya sa mesa ang pagkain ay walang sere-seremonyas na nilantakan ko iyon. Nagugutom talaga kasi ako, sobra. Habang kumakain, tinitigan lamang ako ulit ni Almary. Nang marinig ko ang pag-buntong hininga nya ay nagtaas ako ng tingin..
"Mahaba-haba pa ang pag-uusapan natin ngayon Marimar. Marami akong gustong itanong sayo at alam kong ganon ka rin." Natigil ako sa pagsubo.. "Pero bago iyan, gusto ko munang alamin kung ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni ma'am Vallerie?"
Huminga ako ng malalim saka muling ibinaba ang tingin sa pagkain.. "Iniwan nya 'ko don, sigurado ako. Hinintay ko sya sa pwestong ibinilin nya pero hindi na sya bumalik, nakatulog ako dahil sa paghihitay. Walang nakapansin sa akin kaya naiwan ako sa loob."
Sa tuwing naaalala ko ang nangyari ay bumibigat ang dibdib ko.
"Akala ko m-mamatay ako do'n sa lamig."
Nakagat ko ang buto ng manok para pigilan ang sarili na umiyak na naman. Sino ba naman kasing hindi maiiyak sa nangyari 'di ba? Paano na lang ang anak ko pag nawala ako? Ang pamilya ko?
"Kaya mabuti na lang at dumating si boss."
Nagtaas ako ng tingin kay Almary at ngumiti lamang sya ng matamis. Pakiramdam ko ay sumibol ang saya sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalang iyon, pero napasimangot rin ako kalaunan. Yung narinig ko kasi..
"Medyo masakit, Almary." Wika ko sa basag na tinig. Alam ni Almary ang nararamdaman ko para kay boss kaya komportable akong makipag-usap sa kaniya.
"Alam ko, but you have to hear this," Umayos sya ng upo.. "Nung makabalik si ma'am Vallerie dala si baby Azi at ang mga pinamili nya, I noticed how the boss kept on glancing at the stairs. Nung itanong nya ka'y ma'am Vallerie kung nasaan ka, she said may dinaanan ka lang."
Napantig ang tenga ko ng marinig iyon. Sinasabi ko na nga bang sinadya nyang iwan ako 'don e! Graba naman pala talaga yung si Vallerie, ang sama ng ugali!
"But by the look on Mr. Aleksev's face, alam kong may kakaiba dahil hindi sya mapakali. Buong maghapon ay naka-ilang tawag sya sa amin through intercom at paulit-ulit nyang tinatanong kung nasaan ka. Kakaiba ang ina-akto nya, nakakapagtaka.."
Nanatili lang akong tahimik habang nakikinig sa bawat salita ni Almary. Ang sarap sa loob isipin na totoo pala talaga ang lahat. Na nag-alala si boss sa 'kin. Na hindi panaginip o halusinasyon ang nangyari sa mall at maging ang pagsakay ko sa helicopter.. totoo ang lahat. Kaso, helper lang daw ako e.
"Pagsapit ng gabi, mas hindi sya napakali. Tinanong nya ulit si ma'am Val sa hapag tungkol sayo but she refused to answer at sa sumunod na nagyari, wala na 'kong alam masyado basta ang narinig ko, nagsisigawan na sila. Matapos ang ilang munuto, Mr. Aleksev stormed out at nagmamadali."
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
ComédieNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...