"Kazik! What is this? Didn't you check the profiles before accepting them?!"Napatingin ako kay Kim Bum na nagpalipat-lipat muna ang tingin sa akin at kay Vallerie bago nakasagot. Sinasabi ko na nga bang mangyayari ito. Pero ano pang inaasahan ko?
"I apologize. I didn't know it was her and I had no time to check the prof—
"That's bullshit!"
"Vallerie, calm down." ang kalmadog si Mr. Aleksev. Naupo naman yung babae pero ang sama pa rin ng tignin sa akin.
"So, Ms. Maribago," ipinatong ni Mr. Aleksev ang kaniyang mga siko sa tuhod at tumuon sa akin. "Is your intention purely for the job or you have more than that?"
Ang seryoso nya, kaso... "A-ahehe." Wala akong naintindihan.
"Ang trabaho ba talaga ang pakay mo rito?" si Rhioz ulit iyon. Alam nya na ata talagang hindi ako marunong sa Ingles.
"S-syempre yung trabaho! Hindi ko sinasadya yung nangyari kahapon. N-nagkataon lang talagang magkamukha ang anak nyo at si Jumong." Dahil si Jumong mismo iyon!
"Ha! How dare you compare my son to yours? Kazik, send her out, there's no way we're hiring her." Masungit na sabat ni Vallerie.
Napatingin ako kay Mr. Aleksev pero nasa relo nya ang atensiyon nya. Si Rhioz naman ay tinanguan lang si Kim Bum na lumapit sa akin pagkatapos. Hinawakan nya ako sa braso at hinila na palabas.
Teka, ibig sabihin hindi ako tanggap? Hindi pwede yan! Yung anak ko!
"Teka lang! Kailangan ko ang trabahong ito! Hindi pwedeng mapunta 'to sa iba!"
"Let's just go Ms. They're not hiring you, it's final." hinila ulit ako ni Kim Bum pero nagmatigas ako.
"Teka kailangan ko pang—
Natigil ako sa pagpupumiglas. Natigil rin si Kim Bum. Maging si Rhioz. Pati si Mr. Aleksev at Vallerie ay nakuha rin ang atensiyon.
Isang malakas na iyak ang unti-unting namumuo sa aming pandinig. Napakalas niyon! At alam ko na kung sino iyon. Si Jumong!
Napalingon ako sa likuran kung saan may bukana at pasilyo, doon nagmumula ang ingay! Dama ko ang unti-unting pag-apaw ng saya sa dibdib ko. Si Jumong! Sa wakas makikita ko na ulit ang anak ko!
"Uwaaaaaaahhh!"
Isang babae na may kung anong nakapasang sa tenga ang lumabas doon at may yapos na bata. Umiiyak ito ng napakalakas ngunit nagmistulang musika iyon sa aking tenga. Si Jumong! Ang anak ko nga!
"Sir, ma'am! Ayaw pong matulog! Iyak na naman ng iyak, baka may masakit!"
"Jumong..."
"Go back, Almary! Get my child away from her!"
Nang akmang lalapitan ko ang anak ko ay bigla na naman akong hinila ni Kim Bum palayo dahil sa utos ni Vallerie. Ngunit ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na sasayangin ang pagkakataong 'to.
BINABASA MO ANG
The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️
HumorNANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay halos ikamatay nya ang ilang buwang paghihintay na sumapit ang General Community Quarantine, ang tangin...