Chapter 21

5.3K 185 27
                                    


"Oh, this one! I love this Chanel dress!"

Wala akong imik habang nakasunod lang kay Vallerie na namimili ng damit. Dala-dala ko ang mga paper bag ng damit na binili nya. Kahit hindi ganong mabigat ay napakarami naman! Nahihirapan tuloy akong sumunod pag sumusuot sya sa kung saan-saan.

"Here, bitbitin mo." Binigay nya sa akin ang dalawa pang paper bag ng bagong damit na binili nya. Wala naman akong ibang nagawa kundi tanggapin.

"Just follow me everywhere at wag kang lalayo. I bet ngayon ka pa nakapasok sa isang shopping center," dagdag nya pa.

Nandito kami ngayon sa isang shopping center. Isa itong may kalakihang gusali na may apat na palapag, puro mga damit lang rin ang naka-display. Kakabukas din lang daw nito ulit dahil GCQ na dito sa Maynila, pero syempre ang social distancing protocol ay sinusunod pa rin.

Kung itinatanong nyo ang tungkol don sa away namin kanina, hindi natuloy. May pumasok kasing mga empleyado sa elebeytor kaya natigil kaming dalawa. Medyo humupa na rin ang init ng ulo ko. Ganito talaga ako pag may buwanang dalaw at medyo masakit rin ang puson ko kaya tamad akong maglakad.

"What about this?"

Humarap muli sa akin si Vallerie habang may damit na nakadikit sa katawan kaya napahinto ako. Kanina pa sya ganiyan, alam ko namang nangi-inis at nagpapa-inggit lang sya. Pero wala naman akong pake kahit itong gusali pa ang bilhin nya. Sya ang mauubusan ng pera hindi ako. Dahil wala naman talaga akong pera.

"Hey! I said how is it?"

Walang ganang nagbaba ako ng tingin sa damit. "Oki lang."

"Ugh, oo nga pala. It's no use. Wala ka nga palang taste when it comes to shopping dahil puro lang dasal ang alam mo." Inirapan nya ako saka nagpatuloy na sa paglalakad.

"Oo, relihiyosa ako. Ilang Ama Namin ang dinasal ko nung hinalikan ako ng mapapangasawa mo." Gusto kong isigaw sa kaniya. Pero dahil mabait ako at may natitira pang respeto sa sarili, sa diyos at sa tao, bihulong ko nalang.

Tahimik ulit akong sumunod sa kaniya. Kanina pa sya libot ng libot dito. Gusto nya raw hanapin ang l perpektong damit para sa party sa susunod na araw. Sa dinami-dami ng binili nya, alam kong nananadya na sya. Iba talaga ang topak nya mapahirapan lang ako.

Pumasok si Vallerie sa maliit na silid sukatan kaya binitiwan ka muna ang mga dala at naupo ako sa may gilid. Linapitan ako ng isang babae na nakasuot ng face shield, staff ata sya rito. Tinanong nya ako kung may maitutulong sya, sabi ko naman wala kaya umalis na ito.

Napatingin ako sa luma kong relo, alas dos na ng hapon at kanina pa kumakalam ang tyan ko. Mabuti na lang at nagdala ako ng maliit na thermos, gatas at tubig kaya naipagtimpla ko ang bata kanina ng gatas nang magsimula syang umiyak na parang naka-mikropono.

Si Vallerie ay mukhang walang pake sa mga bulati nya. Kaya siguro ang payat nya dahil madalas malipasan. Ilang saglit pa ay lumabas na sya sa silid sulatan at suot nya na ang napiling damit. Hindi ko maiwasang puriin ang kurba ng katawan nya. Bagay talaga sa kaniya ang damit.

"Vallerie, bakit payat ka?" Wala sa sarili kong naitanong.

Napatingin sya sa akin at nagsalubong agad ang kilay. "I have to maintain my slender figure because I am a model. No, a supermodel actually."

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon