MARION'S POV
d-_-b np: stars
by: callalily
PEYBORIT KO EH! PAKE MO?!
Natapos na rin yung meeting namin.
Akala ko magulo sa bahay yung amazona nayun, pero nung nakapunta kami, malinis naman tsaka maganda. Halata rin na isa lang sya dun, pano yung mga gamit nya ang onte. -.-
Gusto ko sana makitulog kasi ang boring ng usapan, eh may hiya naman ako kahit konte kaya yun Sounds na lang ako :D
Kaso di ko alam na dahil sa pagsasaoundtrip ko eh, napahamak pa ako ng wala sa oras pero para sa group project slash Prelim grades namin yun.
And the funny thing is ako ang kakanta.
At first yea. nakakabadtrip. Ayoko ng ganun eh yung maraming tao yung nakakarinig ng boses ko? Masyado kaseng maganda. Exclusive lang to men! >:D
Pero, imbis na ako ang MABADTRIP, AKO ANG NANGBADTRIP!! WAHAHA XD
Halata namang nabadtrip ko yung amazona na yun nung pinilit ko syang mag 'Please' sakin! Haha
Eh TRIP KO MANG-ASAR EH! PAKE MO? HAHA JOKE ;D
HMMM. Pero iniisip ko. Mabubuo kaya namin to? eh ang init ng dugo sakin nun?.
Ano kaya magiging kalalabasan ng project namin na yun?
Bakit ba kase sa kanila pa ko nagrupo?! -____-
Ang awkward kase. Biruin mo, kagrupo ko yung si Leila.. Pati yung boyfriend nya.. Ganto kase yun eh...
*FLASHBACK*
First year, First sem.
May Try out nun sa Gym para sa mga freshmen na gustong pumasok para maging Varsity player ng basketball..
Syempre, nung mga panahon na yon, gusto ko ng mapagkaka.abalahan, eh eksaktong sawi rin ako nun.. Kaya napasok ko ang pagbabasketball.. :D
30 minutes bago yung pinakacall time, nandun na ako sa gym. Points rin yun, early bird kung baga. Tsaka manonood din muna ako ng mga nag o-audition para sa cheering squad ng university..
Kanina pa ata yun nagsisimula eh, Ang daming magagaling, tapos ang dami ring paepal lang. Mga nagmamagaling sumayaw. -___-
Ako! aminado! Pakantahin nyo na lang atleast hindi ako yung tao na ipapahiya pa yung sarili ko. Tss.
At sa wakas! natapos na rin sila.. YUN OH! Kami naman gagamit ng gym!
Tapos, nagsimula na sa warm up..
Di ako kinakabahan Syempre! Alam ko namang may ibubuga ako. HAHAHA!
Pagkatapos ng maraming pahirap, pinagbigyan kami na makalaro yung mga varsity player na...
DI KO SILA UURUNGAN! ABA! :DD
Pero bandang huli talo pa rin kami. Di bale! May RE match raw! kapag nakapasok kami..
Coach: Nakikita kong marami sa inyo yung may potensyal pero kailangan pa ng improvement at syempre yung hinahanap ko na lakas at bilis.
Sa walong nagtry out, tatlo lang yung makakapasok sa inyo. Kevin Jake Santos, Luke Bryan Javier at si Neil Marion Medina. Yung hindi natawag, better luck next time. Konting practice pa. At sa mga natawag naman. Congratulations sa inyo, at humanda na kayo para sa mga training na pupuntahan nyo.. Ok you may now go.
Ayun! Dismissed na kame sa try out.. Tapos lumapit sakin yung dalawa pang nakapasok dun sa try out..
Luke: Ako nga pala si Luke. Ngayon lang ako nakapasok, late na ako ng isang linggo eh.. Ikaw ano pala pangalan mo?
