MARION'S POV
Mabuti na lang talaga at narinig kong sumigaw yun... Kung hindi ewan ko na lang kung anong nangyayari sa kanya...
TEKA! Di ko siya gusto ah! Syempre, iisipin nila, ako yung kasabay dapat malamang sasabayan ko siya sa pag-uwi..
Nahigh blood kase 'ko sa g@gong lalake na yun! t*ngna nun! Pakamatay na siya!
Tas nung nagsalita si Jana, bukod sa awa... Parang bigla ring may kung ano sa naramdaman ko lalo na nung tinawag niya ko sa pangalan ko... Ngayon ko lang siya nakitang ganun... yung mahina...
Umiiyak na sya!
Ngayon ko lang siya nakitang umiyak! kase siguro nasasaktan na siya.... sobra....
Nag-init yung dugo ko lalo na nung akala kong ihahampas na niya yung mukha nung amazona na yun!
Masuntok nga! Nagkakamali ata siya ng kakalabanin niya!
kaso nung pagkasuntok ko, naitulak niya pa rin si Jana sa pader.. G@go talaga! Napatingin tuloy ako sa kanya! NAKAKAPANG-INIT TALAGA NG DUGO!! Nagdudugo yung noo niya....
Tas langya talaga, nakabawi pa 'to! Nasugatan pa kilay ko.
Pero nagulat talaga ako sa gustong gawin ng amazona na 'to! Hinampas ba naman yung hawak netong kahoy sa ulo nung lalake. Pero, no choice na rin naman.. Tas nung sinuntok ko ulit...
No choice na rin... Tinakbo ko na siya...
Holding her hands.. Pero, naiyak pa rin siya...
tae, ano?? No choice na rin to! kailangan naming makalayo na dun sa lugar na yun!
Mabuti na laaaaannnng! May tricycle na!
Pinauna ko agad siya.. Umiiyak pa rin siya Di ko alam mang-alo ng umiiyak panu to -.-
May sugat nga pala siya...
Pinunasan ko na lang yung mukha niya na may dugo.. Waaaa nakakatakot siya! Nakatingin siya sakin... Parang multooooo -.-
Nakaharang din yung buhok niya sa mukha niya.. And she's still crying like a baby..
Marion: Hoy! wag ka na ngang umiyak diyan!
Tsss.. Lalo pa syang umiyak, di naman siguro malala yung sugat niya no??
Tinignan ko yung noo niya, di naman siya ganun kalalim, pero still, nagdudugo pa rin yun..
pinunasan ko pa rin yung noo niya..
Takte.. Wala na kong panyo!
Naiyak pa rin siya!
Marion: Masakit pa rin ba??
Umiling lang siya pero naiyak pa rin..
Ays. Ano ba gagawin ko dittooooo??!!
Marion: Eh bakit naiyak ka pa riiinn??
Umiling na naman to! Pero, nagtaka ako nung lumingon siya sakin.
Umiiyak pa rin siya, nagulat ako nung bigla niya akong niyakap..
AH-EH ..... o_________O??
Haaaaaaaay....
Marion: Shhh... Dito lang ako...
Waaaa! Nawalan ng malay!!!! >o<
JANA'S POV
Siguro, kung hindi lang ako naiyak ngayon... Kanina ko pa nasuntok to.. Tanong ba naman ng tanong kung bakit ako naiyak. Malamang! Nakakatakot kaya yung nangyare!!