Nag-lilinis ng opisina si Doctor Cat nang may kumatok sa pinto, dahan-dahan niyang nilagay ang walis sa gilid at pinagpag ang kamay.
"Hello, how can I help you?"
"Nice to meet you again, Leonard"
Tumaas ang dalawang kilay ni Doctor Cat sa biglaang bisita, agad niyang binuksan ang pinto at iginaya ang lalaki sa upuan.
"Kamusta na ang tenga mo?"
"Nagpapatawa ka ba? Binenta ko na sa iyo ang tenga ko."
Humaglpak ng tawa si Doctor Cat nang maalala ang naturang pangyayari, sampung taon na ang nakakalipas.
"Nandito ako ngayon para ibenta muli ang pangalawa kong tenga.."
"Kailangan mo ba ng pera?"
"Hindi, kailangan kong sagipin ang anak ko."
Tumaas ang kilay ni Doctor Cat, sampung taon na ang nakakalipas pero pamilya pa rin ang nasa utak nitong lalaking kaharap niya. Noon, ibinenta nito ang kanyang tenga para maiahon ang kanyang pamilya sa hirap. Ngayon. ay para naman iligtas ang anak niya.
"Ano bang nangyari sa anak mo?"
"Black mail, pakiramdam ko ay na black mail ang anak ko. Gusto ko siyang mapalaya dahil sigurado akong mabubulok si Lexus sa kulungan."
Natigilan ang matanda sa narinig na pangalan, nawala ang kanyang emosiyon lalo na ang guhit ng ngiti tuwing nakikipag negosasiyon siya.
"Hindi pwede.."
Kumunot ang noo ni Romuel sa sagot nito, kaya naman niyang ibenta ang isa pa niyang tenga para sa kaisa-isang anak. Bakit ayaw ni Doctor Cat?
"B..Bakit?"
"Alam mo kasi Romuel, dito first come, first serve.."
"A..Anong ibig mong sabihin?"
"May nauna ng bumili sa anak mo.."
"ANO?!" Gulat na sagot ni Romuel, sa utak pa lang niya ay gusto na niyang patayin ang kung sino mang bumili sa anak niya.
"T..Tangina.. Huwag mong sabihing.."
"Gagawa ako ng paraan para ibenta mismo ni Lexus ang sarili niya sakin" Ngumiti muli ang matanda, ngayon ay takot na napatingin ang galit na amang si Romuel.
Nawalan na siya ng pag-asa pang maiiligtas ang anak gamit si Doctor Cat, sigurado siyang may koneksiyon ang bumili sa kanya doon sa mga pangyayari. Agad siyang umalis ng gusali pa sa susunod na misyon..
Hanapin ang bumili sa anak niya..
********
Habang naglilinis si Gale ng counter, naramdaman niya ang pag-tunog ng kanyang cellphone sa bulsa. Agad siyang pumunta sa loob ng opisina nang makitang si Venedict ang tumatawag.
"Milady, I've found Lexus' Location."
Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, bagama't hindi sumipot ang binata sa kanilang usapan. Makakagawa siya ngayon ng paraan para makuha ang kanyang premyo.
"Send the location.."
Naputol ang tawag at nakatanggap siya ng message mula kay Venedict, abot tenga ang kanyang ngiti ng mabasa ang address ni Lexus. Siguradong takot ang magiging bungad ng binata sa kanya, sino ba namang hindi magigimbal? Isang babaeng naghahabol para sa piraso ng balat..
"Mukhang may date ka ah?"
Nabigla si Gale sa presensiya ni Vincent mula sa likod, mukhang hindi naman niya narinig ang usapan kanina kaya agad na lang siyang tumango at prenteng bumalik sa counter.
*******
Kinagabihan ay agad tumungo si Gale para kuhanin ang premyo sa bahay ni Lexus, plano niya sanang patulugin ang binata at dalhin sa kotse.
Malinis siya kung gumalaw, ayaw naman niyang magkaroon ng trace ang mga pulis tungkol sa kanya. Pagkarating sa bahay, pansin niyang bukas pa ang ilaw sa loob.
Ala siyete pa lang naman ng gabi kaya magandang bisitahin niya ang binata, agad siyang nag-doorbell habang hinihintay si Lexus salubungin siya ngunit isang matandang babae ang bumungad sa kanya.
"Good Evening po." Bungad ni Gale.
"Ay hija, gabi na ah? Sino hanap mo?"
"Si Lexus po..."
Parang nasabik naman ang matanda sa kanyang sagot, akala ata nito ay girlfriend siya ni Lexus. Itatama na sana niya ang expektasiyon nito pero agad siyang pinapasok at sinabing antayin na lang raw si Lexus umuwi.
Iginaya siya ng matanda sa salas bago dumiretso sa kusina para mag-handa ng makakain niya. Lumibot ang tingin ni Gale sa istraktura ng bahay dahil pinaghahandaan niya ang pagtakas sa katawan ni Lexus maya maya.
Binuksan ni Gale ang T.V at bumungad ang mukha ni Lexus sa balita, napataas ang kilay niya sa report ng journalist tungkol sa kanya.
"Isang binatang nag ngangalang Lexus Villegas ang suspek sa pagpatay kay Christine Reyes, isang video ang nagpatunay biglang ebidensiya sa naging pagpatay."
Pinakita ang isang video mula sa CCTV, badtrip na badtrip si Gale habang pinagmamasdan ang lalaking dumukot kay Chrsitine. Kabisado na niya ang katawan ni Lexus simula noong magkita sila at hindi iyon tugma sa lalaking nasa video. Sigurado siyang pakana lang ng mga pulis ang lahat dahil siguradong sinuntokcna naman ng katamaran ang mga imbestigador.
"Naghanda ako ng spaghetti at cake sa iyo, mukhang mahilig ka sa matamis eh.."
Walang ganang tiningnan ni Gale ang matanda, mabilis niyang kinuha ang pagkaing bigay at kinain iyon. Badtrip n badtrip talaga siya dahil nag-abala pa siyang pumunta para sa wala..
Habang kumakain, nakaisip siya ng gagawin para maging masaya naman ang gabi niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang bread knife at nagtungo sa kusina kung saan naroroon ang matanda.
"Ubos na po yung cake.."
"Nako hija, meron pa naman ako--
Nang humarap ang matanda ay agad niya itong sinaksak ng bread knife sa mata, gulat ito at nanginginig sa takot. Pinaikot ikot pa niya ang bread knife sa mata hanggang sa tuluyan niyang matanggal ang eyeball nito.
Napaluhod ang matanda habang umaagos ang dugo sa awang kung saan dapat ay naroroon ang kanyang mata, ngumiti muli si Gale at tinusok ang natirang mata ng bread knife. Naiinis siya dahil hindi sumisigaw ang matanda, mukhang gulat pa ito at nawala sa ulirat pagkatapos ng ginawa niya.
Nawalan ng malay ang matanda pagkatapos ng ginawa niya, pero sigurado siyang himihinga pa ito. Nagtungo siya sa kwarto at kumuha ng damit, papel at marker.
Ipinaupo niya ang matanda na ngayon ay wala ng mata, pinalitan ang damit nito at pinunasan ang dugong umaagos sa kanyang mata.
Sinulat niya sa papel ang address ng bahay at katagang "Where's Lexus?" pagkatapos ay dinikit ito sa mukha ng matanda para matakpan ang awang sa mata nito.
"Ewan ko na lang kung hindi ka pa pumunta sa akin.."
Wala siyang pake kung kaano-ano ni Lexus ang matandang babaeng iyon, kinuha niya ang natitirang cake sa fridge at pinatay ang ilaw sa salas bago lumabas.
BINABASA MO ANG
Worth ✔️
HorrorHave you ever thought about how much someone can pay just for your body? Have you ever thought about your WORTH?