Prologue

354 115 74
                                    

"What is your worth?"

Hindi aakalain ni Keros na makikita niya ang kanyang sariling nakatayo sa harap ng pintong iyon.

Mula sa magulong lugar ng Quiapo hanggang sa isang liblib na lugar ay tila parang bangungot na sa kanya. Hindi niya mawari kung bakit naisipan niya pa pumunta rito pero alam niyang ito lang ang magiging huling pag-asa niya para masalba ang ina.

Isang lalaki ang bumungad sa kanya ngunit nakatakip ang mukha, mabilisan siyang pinapasok at hinatid sa isang opisina.

Maayos, malinis at hindi halatang para sa karumal-dumal na negosyo ang kayang pinasukang silid, kabado man ay inilapat niya ang paa papasok upang kilalanin ang taong tutulong sa kanya.

Bago pa man siya makapagsalita ay agad na siyang tinanong ng lalaking nakaupo at bumungad sa kanya.

"Magkano ka?"

Hindi alam ni Keros ang kanyang isasagot, hindi niya rin alam ang kanyang halaga at natatakot siyang presyuhan ang sarili dahil wala namang mahalaga sa kanya.

"Hindi ko po alam.."

Ngumiti ang matandang lalaki at kinuha ang isang chessboard na nasa drawer ng kanyang lamesa.

"Maglaro muna tayo para tiyakin ko ang halaga mo.."

Worth ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon