"Someone was manipulating them."
Iyan ang bungad ni Venedict nang makapasok sa kwarto ni Gale, sinubukan kasi ng dalagang makuha ang pisnge ni Lexus noong nakaraang araw pero nakalaya na raw ito.
Gulong - gulo ngayon siya ngayon kung paano magkakaroon ng access sa binata, pilit siyang nag-iisip ng solusiyon kung saan mahahanap ito.
"There's a guy named Doctor Cat who owns a company at the Black Market. He often manipulates buyers to send millions for just one prey and his products to sell their own worth which are mostly bankrupted who needs money." Pagpapaliwag ni Venedict.
Mas naging interesado pati si Gale sa kung sinong "Doctor Cat", kakaiba ang pangalan nito at sigurado siyang hindi iyon ang totoong pangalan niya. Nawala pati sa isip niya ang pag-hahanap kay Lexus at nagtungo ang kanyang atensiyon sa nabanggit ni Venedict.
"Give me more details, I want to know more."
"Yes, milady."
*******
2 days ago..
Wala sa tuliro si Lexus dahil ito na ang huling paghuhusga ng korte sa kanya, hindi na rin nagpakita ang kayang ama at alam niyang iniwan na siya nito. Tanging meron na lamang siya ay ang sarili niya..
"Sino ba ang totoong may sala?"
Iyan ang tumatakbo sa utak niya gabi-gabi, alam niyang kilala niya ang totoong kriminal dahil siya ang nagawang pagbintangan, kaso wala siyang maisip kung sino lalo na't hindi naman niya kilala kung sino pa ang may koneksiyon kay Christine.
Si Rob lang naman..
Kaso hindi niya pwedeng pagdudahan si Rob dahil magshota sila ni Christine, sigurado namang walang sapat na dahilan ang kaibigan para gawin iyon sa girlfriend niya. At isa pa, ang tito ni Rob ang tutulong sa kanya para makaalis.
"Pssst.."
Isang pamilyar na boses ang kumuha ng kanyang atensiyon, abot tenga ang ngiti ni Lexus nang mapagtantong si Doctor Cat pala ang nasa tapat ng kanyang selda.
"Makakalaya ka na, hijo.."
"A..Ano po?"
"Nalaman na nila ang totoong may sala, hindi mo na kailangan pang ipaglaban ang sarili mo."
Natameme si Lexus sa narinig, tama ba ang narinig niya? Alam na ng mga pulis ang totoong may sala, pero sino?
"Sino po?" Tanong niya, umiling lang ang matanda at parang pinapahiwatig sa kanya na huwag ng alamin pa.
"Alam kong wala ka ng matutuluyan dahil sa sinapit ng iyong ina, kaya papatirahin na kita sa bahay ko.. hehe.."
Present..
Masayang naglalaro ng Ps3 si Lexus sa kwartong bigay ni Tito Leonard sa kanya. "Tito Leonard" ang tawag ng binata kahit mas gusto nitong tawagin siyang "Doctor Cat", hindi naman talaga intensiyon ng matandang ipaalam sa kanya ang totoong pangalan nito pero nadulas kasi ang sekretarya niyang si Keros kaya nalaman niya.
Sobrang pinasalamatan niya ang pagkupkop ni Tito Leonard sa kanya, pakiramdam niya kasi ay nasa bahay lang din siya lalo na't ginawang kakulay ng matanda ang kwarto niyang katulad ng nasa bahay nila. Ilang araw na ring nawala sa isip niya ang kanyang ama dahil nilulong niya ang sarili sa Ps3.
Wala siyang magawa dahil hindi rin naman siya pinapayagan ni Tito Leonard makalabas, sabi nito kasi ay papalabasin siya pag naibigay na niya ang hinihingi nito.
"You want some cookies and milk?"
Natigil sa paglalaro ang binata, pagkalingon sa pinto ay sakto namang pagpasok ni Tito Leonard. Naka lab coat pa rin ito at surgical mask na nakasanayan na niya, siguro ay talagang weird ang styling ng matanda.
"S..Salamat po."
"I baked them, hehe. First time ko lang gawin iyan kaya sana magustuhan mo. Keros told me you can make someone feel home by giving them sweets.."
Umupo si Tito Leonard sa kama habangh pinagmamasdan siyang kumain, sobrang bait talaga nito sa kanya kaya minsan napapaisip siya kung may kapalit ang lahat ng ginagawa nito sa kanya.
"Si Rob po? Hindi pa po siya nagpapakita sa akin ilang araw na.."
"Ah busy lang yung bata sa studies, marami kasing nakaligtaan nung nakafocus siya sa iyo.." Sagot ni Tito Leonard.
Nang matapos siya kumain ay tsaka lamang umalis ng kwarto ang matanda pero agad na naalala ni Lexus ang naging kasunduan nilang dalawa kaya naisip niyang tanungin ito bago tuluyang lumisan.
"Kailan ko po gagawin ang sinasabi niyo po?"
"Hmmm, pag dumating na ang bisita.." Sagot nito bago tuluyang isara ang pinto.
"Sino kayang bisita?" Tanong ni Lexus sa sarili, sa halip na hulaan pa ang nabanggit ng matanda ay inalis niya muna ito sa isipan.
*******
Nalaman ni Romuel na nakalabas na ang anak sa kulungan, sigurado siyang iisang tao lang ang nakagawang mag-areglo ng kaso kasabay na rin ng mabilis na pagpapalaya kay Lexus.
Dala niya ang 15 million sa isang brief case, ito na ang buong savings niya sa bank account na ipambabayad para matubos ang anak kay Doctor Cat. Nalaman niya kasi na binayaran ang matanda para huntingin ang anak sa halagang 13 million, alam niya rin na mas nauuna sa utak ng matanda ang pera kaya sigurado siyang kakagat agad ito.
Sigurado rin siya na sa oras na ibigay niya ang 15 million kay Doctor Cat, maghihirap silang dalawa ng anak niya pero wala siyang magagawa, mas importante si Lexus kaysa sa lahat ng meron siya.
Hindi siya masamang ama, hindi niya pinagmalupitan ang anak para sa wala. Hindi niya ito sinisigawan o sinasaktan hangga't nagtitino ang binata. Ito ang naging prinsipyo niya hanggang sa lumaki si Lexus, mas naisip niya rin ang kinabukasan nito kaysa sa mga araw na hinangad niyang makapiling ang anak.
Alam niyang marami siyang pag-kukulang, hindi matutumbasan ng 15 million ang buhay ng anak sa oras na mawala ito. Oo, sigurado siyang itatakwil rin siya ni Lexus pag nagkataon pero iisipin pa ba niya iyon?
Nang makarating sa gusali kung saan nanalagi si Doctor Cat, agad siyang nag-suot ng surgical mask. Sinalubong siya ng isang gwardiya na naghatid sa kanyang hanggang sa opisina nito.
Puno ng kaba ang kanyang puso nang unti-unti niyang buksan ang pinto, naaninag na rin niya ang matandang mukhang nag-aantay sa kanya.
"How can I help you?"
"Nandito ako para bilhin ang anak ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/228209167-288-k267192.jpg)
BINABASA MO ANG
Worth ✔️
HorrorHave you ever thought about how much someone can pay just for your body? Have you ever thought about your WORTH?