Venus IV

225 111 47
                                    

"So how do we deal with this?"

Umalis sa upuan ang babaeng kalaro ni Doctor Cat at siya naman ay pinaupo dito. Mukha namang mabait ang matanda pero may something dito na ayaw niya, masyadong mabait para pagkatiwalaan.

"Tatanungin ulit kita, what is your worth?"

Tinaasan ni Venus ng kilay, sa isip niya ay nagmumukha na itong tanga sa paulit-ulit na tanong nito. Alam niya kung anong halaga niya, kung ibebenta man niya ang sarili ay sa malaking halaga.

"Let's just be straight-forward.. Paano mo ko mabibigyan ng pera aber?"

"Hahahah, bilis mo naman.. pero sige, Ano ba sa tingin mo sa katawan ang kaya mong ibenta? gusto ko yung may halaga.."

Saglit na napaisip si Venus, kahit saang parte naman ng kanyang katawan ay mahalaga, pero hindi niya kailanman tatanggalan ang sarili ng kung anong laman loob para lang magkapera. Kung gagamitin man niya ito siguro ay para sa mga pansariling kaligayahan lang ng mga lalaki.

"I can offer sex! How much is it?"

Isang ngiti ang kumurbang muli sa mukha ng matanda, kinuha niya ang calculator sa gilid at nagpipindot dito na parang kinakalkula niya ang kabuoan ni Venus.

"I don't know maybe 10 million?"

Napanganga ang dalaga sa sinabi ng lalaki, kung makikipagsex man siya ng isang gabi para sa isang 10 million ay tiyak na kakagatin na niya. Mas malaki pa ito sa nakukuha niya sa mga naging "Sugar Daddy" niya at mas madali pa ito kaysa lumandi sa kung sinong mayaman.

"I'm in!"

"Gusto mo maglaro ng chess?"

"Huh?"

Napairap na lang si Venus sa pagbabago ng usapan nito, wala siya g panahon para makipaglaro lalo na't mas naiisip niya ngayon ay ang kikitain niya.

"Ayoko."

Tinanggal ng matanda ang chessboard sa ibabaw ng kanyang desk at agad na inabot ang telepono sa gilid.

"Hello, this is Doctor Cat. Your delivery will arrive tomorrow morning" Saad nito mula sa kausap sa kabilang linya.

"Bukas mo makukuha ang pera pagkatapos ka magamit ng buyer mo. He priced you 10 million, nothing more, nothing less. Habang nag-aantay ka ay pwede ka munang matulog sa mga vacant rooms namin dito. Don't worry, they're clean."

Pagkatapos ng pagpapaliwanag ni Doctor Cat, lumapit sa kanya ang babaeng kalaro kanina nito. May dala itong toiletries at bathrobe, mabilis namang kinuha ito ni Venus at sumunod sa babae na dadalhin siya sa tutuluyan niya.

"Kung naging matino ka lang sana kausap..." Bulong ng babae, tinaasan maman ito ng kilay ni Venus dahil nakakarinig na naman siya ng mga pakielamera.

"Just shut up."

Nang makarating na sila sa kwarto, ay agad namang nawala ang babae. Wala rin namang pake si Venus dito kaya hindi niya na lang pinansin. Pagkapasok niya ay namangha siya sa ganda ng kwarto, kumpleto ito sa gamit at tila isang bahay na rin kung titingnan.

May ref na puno ng pagkain, may kusina, may salas at isang malaking T.V. Kinuha niya ang kanyang cellphone para sana picturan pero nagtaka ang dalaga ng hindi ito gumana.

"Bwiset, hindi pa ko nag-dala ng charger."

Ang umagaw sa kanyang pansin ay ang orasan na nasa pinakataas ng ceiling, hugis pusa ito at gumagalaw ang mata. Medyo natakot siya sa hitsura nito pero mas pinili na lamang niya hindi pansinin, tutal gusto niya enjoyin ang pag-iistay niya sa doon.

********

"Nasaan si Venus?"

Pag-kauwi ni Morgan mula sa trabaho ay halos mag-init ang ulo niya ng matagpuang bukas ang pinto ng unit niya. Handa na sana siyang sermonan ang pinsan pero wala ito sa loob, mas lalo siyang nainis dahil baka gumala ito kung saan pero hindi man lang naisip i-lock ang unit. Kaso ng tinawagan niya ay hindi ito sumasagot.

Nakaramdam siya ng kakaiba at parang may mali sa mga nangyayari, kaso kilala niya rin naman si Venus at sigurado siyang nasa kung saang bar lang ito at nagpapakasaya.

Hindi na niya muli itong tinawagan at dumiretso na lamang sa banyo para maglinis ng katawan.

"Bwiset talaga iyon, lalaki na naman utang ko sa credit card"

Pinagsisihan niyang binigay niya dito ang credit card niya, sigurado kasi si Morgan na kung ano ano na namang bibilhin ni Venus dahil sanay ito ng parating nag-shoshopping.

Hindi niya alam kung kailan matatauhan ang pinsan na ang buhay ay hindi puro saya. College drop-out si Venus dahil nahuli siyang nakikipag-sex sa professor nito noong 1st year of college. Simula nun ay tinanggal na siya sa school na pinapasukan, hindi rin naman nag-aral pagkatapos noon ang dalaga kaya pinalayas na lamang ng kanyang mga magulang para matuto sa buhay.

Noon pa man ay parati na siyang nandoon para sa pinsan, umaasa kasi siya na baka isang araw ay magising ito at mag-tino. Hindi kasi sa lahat ng oras ay madadaan ang pera sa landi landi lang, lalo na't ang halos nilalandi ni Venus ay puro may mga asawa.

Sigurado siyang darating ang araw na makakahanap si Venus ng katapat niya, pero hindi niya alam kung mangyayari pa iyon dahi parang natanggalan ng turnilyo ang dalaga.

Pagkatapos maligo ay hindi na niya muling tinawagan ito, inis na inis siya na gumala lang ito pagkatapos nang mga nangyari sa kanya.

Worth ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon