"The Murder of Patricia Villegas."
Basa ni Romuel sa diyaryong binili, naging kilala ang pagpatay sa kanyang asawa. Naiinis siya dahil mas naisip pa nilang pasikatin ang istoryang isang bangungot para sa kanya, agad niya itong tinapon kasama ng kape at bumalik sa kotse.
Hindi na niya rin nabisita ang anak, nakalipas na ang isang linggo mula ng nagsimula siyang maghanap ng kasagutan pero wala siyang makitang trace.
Nawala sa isip niya na iisa lang ang gumagambala sa kanyang pamilya dahil sigurado namang hindi magpapapasok ang kanyang asawa ng lalaki sa gabi. Mas namamayani sa utak niya na mag-kaibang tao ito, hindi tipikal na galit sa iisang kalaban.
Ngayon, balak niya ng tanungin ang anak. Kahapon pa niya iniisip kung paano sasabihin dito ang nangyari sa kanyang ina, pero kahit ano namang maisip niya.. magiging galit pa rin sa kanyang si Lexus.
Nang makarating sa istasiyon, agad niyang tinanong kung nasaan ang selda ng binata. Mabilis siyang nag-punta dito, hawak-hawak ang paborito nitong pagkain.
Isang namumutla at payat na lalaki ang bumungad sa kanyang mata, nakatungo lang ito at halatang basang-basa. Kumunot ang kanyang noo, naguguluhan sa kung anong sinapit nito.
"Anak.."
Walang ganang lumingon ang binata sa kanya, halata ring puyat ito at hindi pa natutulog. Pakiramdam ni Romuel ay alam na rin ng anak ang nangyari kay Patricia, kaya puno ng kaba ang kanyang puso sa sasabihin nito.
"Bakit mo pinabayaan si Mama?" Bungad ni Lexus.
Sa unang pagkakataon, nagpakita ng emosiyon ang mukha ni Romuel sa harap ng anak. Pilitin man niya ang sariling magpakatatag kaso ang tanong na iyon ang takot na takot siyang marinig.
Dahil kahit siya ay sinisisi niya ang sarili niya..
Nagulat rin si Lexus sa inasta ng ama, bago sa kanya ang mga butil ng luhang pumapatak sa mata nito. Buong akala niya ay naging pusong bato na ito para sa pamilya niya, pero siguro akala lang talaga niya..
Hindi pa rin magbabago sa kanya na pinabayaan ng kanyang ama, ang ina niya habang wala siya. Hindi pa rin iyon magbabago sa isip niya kahit dugo pa ang kumawala sa mga mata nito.
Imbes na awa ang pinakita ni Lexus, galit ang ibinigay niya. Umikot ang mata niya at prenteng umupo ng kaloko-loko sa tapat ng nakatayong ama.
"Alam mo bang makakalabas na ko dito?"
Nagulat si Romuel sa sinabi ng anak, tapos na ba ang kaso? Nalaman na ba nila kung sino ang totoong salarin?
"Paano?"
"Tutulungan ako ni Doctor Cat, tito ni Rob."
Sa narinig na pangalan tila nawala ang sensasiyon ng sakit sa katawan ni Romuel, binalutan siya ng takot dahil s oras na makalaya ang anak.
Siguradong babawiin ni Doctor Cat ang pabor at kukuhanin ang kanyang produkto.
********
"Anong sinabi mo kay Lexus?!" Bulyaw ni Rob ng makapasok sa opisina ni Doctor Cat.
Pakiramdam ng matanda ay halos tumaas ang lahat ng ininom niyang kape sa puso niya, halos alas siyete pa lang umaga at heto si Rob akala mo ay nawalan ng pera.
"Easy boi, papatayin mo naman ako." Biro ng matanda.
"Edi mamatay ka na"
Pumait ang timpla ng matanda sa naring na sagot, ang pinaka ayaw niya ay ang binabastos siya. Oo, binabayaran siya ni Rob pero baka isampal niya ang pera sa binata para makabili ng tamang ugali.
"Tsk tsk."
"Binabayaran kita kaya bigyan mo ko ng rason sa katarantaduhang ginawa mo."
Tumapon ang kape sa pinaka mamahal na lab coat ni Doctor Cat nang iduro siya ni Rob, nadismaya siya para sa Expressong natapon kaya tinawagan niya agad ang sekretariyang si Keros.
"Keros, pakiligpit nga ang kalat.."
*******
Nilalaro ni Gale ang kutsilyo sa kanyang kamay habang nanunuod ng T.V, inaantay niya rin kasi ang pagbabalik ni Venedict.
"May nakuha ka na bang traces kung nasaan si Lexus?" Bungad niya sa papasok na butler, tumango lang ito at lumapit sa kanya.
Abot tenga ang kanyang ngiti ng makita ang full address ng police station, patili tili pa siya at patalon talon. Siguradong hindi na siya madidismaya at makukuha na niya ang kanyang inaasam asam na premyo.
"You haven't kill anyone for the past days Milady. Are you okay?" Tanong ni Venedict, bago kasi sa pakiramdam niya ang amoy ng buong bahay. Puro bulaklak na amoy lang ang pumapasok sa kanyang katawan, wala ang halong dugo at laman na karaniwan na pamumuhay niya.
"I want.. Lexus.." Simpleng sagot ng dalaga, kahit si Gale ay hindi niya alam kung bakit gustong gusto niya ang binata marahil sa hirap nitong hanapin na tila isang diyamante kaya mas lalo pang siyang na-eexcite sa araw araw na nag-daan.
"You sure? Para sa pisnge?"
Tumaas ang kilay ni Gale, medyo nainsulto siya sa tanong ni Venedict. Tama nga naman ito, bakit ba siya naghahabol sa iisang lalaki para lang sa pisnge? Pwede naman siyang mang-huntig ng kung sino sa labas.
"I don't know.."
"Maybe you're inlove, Milady.."
Humarurot ang dugo ni Gale pataas sa kanyang ulo, nang nilingon niya si Venedict ay wala na ito. Sumama ang timpla niya sa narinig, wala siyang nararamdaman kaya paano siya magkakagusto?
Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya pero mas naguluhan pa siya sa naging tanong nito.
"Aish! Potangina"
Napasabunot na lang ang dalaga sa sarili, mabilis niyang tiningnan muli ang address ng police station.
"Hahanapin talaga kita.."
BINABASA MO ANG
Worth ✔️
УжасыHave you ever thought about how much someone can pay just for your body? Have you ever thought about your WORTH?