Lexus IX

130 73 33
                                    

"Aga mo naman ata.."

"i brought you the 15 million, ibalik mo sa akin ang anak ko."

Uminom ng kape si Doctor Cat bago muling mag-salita. Alam niyang ang 15 million na iyon ay ang buong saving ng pamilya ni Romuel, natatawa siya dahil kayang gawin iyon ng lalaking isang beses na ring nanghingi sa kanya ng pera.

"Hawak ko na po ang pinapadala niyong injections.." Kapwa napalingon ang dalawa kay Keros na may dalang silver tray, may limang injections doon na hindi alam ni Romuel kung para saan.

"Saksak mo na."

Ilang sandali ang nakalipas, hindi namalayan ni Romuel ang pag-dilim ng paligid, nawala ang kanyang paningin at ramdam niya ang pag-hina ng buong katawan niya. Hanggang sa bumagsak na lang siya sa sahig..

*******

"Ihanda mo na si Lexus.." Utos ni Doctor Cat kay Keros. Agad naman itong umalis at nilisan ang kwarto.

Makalipas ang tatlong oras ay muling nagising si Romuel, may kakaiba siyang nararamdaman sa katawan kasama na rin ng pag-kahilo. Ilang segundo pa ang nakalipas bago maging klaro ang paningin niya, nakaupo ang matanda sa harap niya habang may hawak na remote. Sandali siyang napalingon sa kwarto para sana hanapin ang T.V pero plain lang lahat ito.

"Para saan yan?"

"Hahahah, lupet noh? ito agad napansin mo."

"Nasaan ang anak ko?!"

"Hinay hinay lang, parating na rin si Lexus."

Kaba ang bumabalot sa katawan ni Romuel nang masilayan ang isang binatang nakatali sa wheelchair, nakatakip ang mukha at may kaparehong katawan katulad ng kanyang anak. Hindi niya alam kung si Lexus ito, pero pareho ang damit ng binata sa huling araw na nakita niya ang anak.

"ANONG GINAWA MO SA ANAK KO?!" Bulyaw ni Romuel, hindi na gumagalaw pa ang binatang nasa wheelchair. Nakakasulasok na amoy rin ang bumungad ng pinasok ito kaya pakiramdam niya ay wala ng buhay ang nakaupo.

"Ano nga ba?"

Umaktong nag-iisip si Doctor Cat na parang prenteng nakikipaglaro sa ama ni Lexus, galit na galit na ito at handa na siyang sunggaban pero may ibibigay ang matanda na agad ikakagulat ni Romuel.

Ilang sandali pa ay ramdam ni Romuel ang sariling paggalaw ng kanyang mga kamay, pilit man niyang pigilan ay tila wala siyang kontrol sa mga ito. Gulong gulo ang kanyang isip habang nasisilayan ang sariling tumayo ng wala sa kanyang kontrol.

"A..Anong nangyayari?!"

Mahinang tumawa si Doctor Cat sa naging reaksiyon nito, sa totoo lang ay alam na talaga niya ang magiging mukha nito kaso sadyang nakakatawa lang talaga pag napapanood na niya.

"The liquid I injected you earlier? It's my new invention! Dahil sa likido na iyon, mawawalan ka ng kontrol sa iyong katawan... at itong remote na ito.." Tinuro ni Doctor Cat ang itim na remote na kanina pa niya hawak.

"Ay nakakonekta sa iyo, lahat ng pindutin ko dito ay gagawin mo.."

Napakademonyo, napakasama, ayan na lang ang nasa utak ni Romuel sa mga sandaling iyon. Para siyang nakikipaglaro sa apoy habang pinagmamasdan ang ngiti ng matanda. Ano nga bang pinasok niya at nakarating siya sa ganitong sitwasiyon?

Worth ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon