Pagkagising ni Venus ay agad siyang nagulantang sa sinapit ng unit niya, gulong gulo ang mga gamit at nakaiwang bukas ang closet niya. Napabalikwas siya ng bangon at hinanap ang mahahalagang gamit katulad ng alahas, mamahaling bags at ang laptop niya pero.. wala na.
Napasalampak na lamang siya sa sahig habang mangiyak ngiyak na pinagmamasdan ang nangyari sa kanyang kwarto. Hindi niya aakalain na mananakawan siya ng taong akala niyang magiging source niya ng pera.
Naalala niya biglang ang cellphone niya sa sidetable kaya tumayo siya para halughugin iyon, buti na lamang at nanatili pa itong nakacharge doon. Inis niyang tinawagan ang kaibigang si Louise dahil imbes na makatulong ay nagbigay pa ito ng sakit sa ulo.
"Hello, sis?" Bungad nito.
"TANGINA MO! ALAM MO BANG NINAKAWAN AKO NG PUNYETANG MR. CHUA NA YAN! SINO IYON?! SABIHIN MO SAKEN--
Biglang namatay ang tawag na lalo pang kinainis ni Venus, hindi niya alam kung anong nag-ugyok sa akala niyang kaibigan para gaguhin siya nito.
"PAANO NAAAAA!!!"
Halos mabaliw siya sa kakaisip kung ano ang susunod na gagawin, maluha-luha niyang tiningnan ang sinapit ng sarili sa isang malaking salamin na nasa kwarto.
******
"I told you to settle down and stop fucking random guys.. pero hindi ka nakinig sakin.." Panenermon ni Morgan sa kanyang pinsan, nalaman niya ang nangyari kay Venus nang dumiretso ito sa kanyang unit kaninang hapon.
"I.. just can't believe it.."
"Sometimes, humans can be snakes too. Minalas ka nga lang at isa si Louise doon."
Dala-dala ng dalaga ang kanyang mga gamit dahil balak niyang makituloy muna sa kanyang pinsan hanggang sa makalimot siya sa nangyari. Gulong-gulo na rin kasi siya sa kung paano niya aayusin ang sarili lalo na't parating na ang sandamakmak na bayarin.
"Maghanap ka na kasi ng trabahong matino, hindi puro ganda lang" Dagdag pa ni Morgan.
Napairap na lang si Venus sa sinabi nito, hindi siya sanay ng sinesermonan ng kahit sino dahil naririndi siya kapag may nagdidikta sa gusto niyang gawin. Kinuha niya ang tsaa na tinimpla ng kaibigan at tsaka uminom para mapawi ang stress na dinulot ng Mr. Chua na iyon sa kanyang araw.
"Mag hostess ka na lang kaya? tutal mahilig ka naman magpabayo."
"Tapos babayo sakin mga pipitsuging lalaki diyan? NO WAY!"
Ilang sandaling tinitigan ni Morgan ang pinsan bago umalis at mag-paalam para dumiretso sa kanyang trabaho. Nagtatrabaho siya sa isang call center at parati siyang nasa night shift, binigay niya muna kay Venus ang credit card niya at susi ng bahay kung sakaling kailangan nitong lumabas.
"Don't do something stupid with my credit card.."
Nang makaalis si Morgan ay diretso naman siya dapa sa kama ng tinutuluyan niyang kwarto, sa biglaang gulo na nangyayari sa kanya ay para siyang nawawalan ng brain cells sa utak mula sa kakaisip.
"Tawagin ko kaya si Haricz?"
Kaso naalala niya yung pagpapalayas niya dito pagkatapos nila mag-sex nung isang araw. Nakakahiya naman kung babalik siya dito para manghingi ng trabaho.
May-ari ng bar si Haricz kaya gusto niyang mag baka sakali kung makakapasok siya dito, kaso nakakababa naman siguro ng pride kung tatawagan niya ito pagkatapos niya itapon.
"Aish!"
Naisipan niyang magbukas ng facebook para maalis ang isip sa problemang dala-dala niya ngayon, kalimitan ay maraming nag-memessage sa kanyang lalaki pero nagtataka siya dahil iisa lang ang tumunog sa messenger niya.
Nanggaling ang message sa isang "Doctor Cat" at ang profile nito ay ang pusa sa "Alice and the Wonderland"
"What is your worth?"
Nagtaka si Venus sa naging tanong nito, kaso tinatamaan na rin siya ng pagkabagot kaya agad niya itong nireplyan.
"My worth are more than diamonds, a kiss from my feet and crown in my head."
"Do you wanna show off your worth with money?"
Napalunok siya sa naging tanong ng "Doctor Cat", kung pera lang naman ang pag-uusapan ay sigurong papalag na siya lalo na't kailangan na kailangan niya ito ngayon.
Kaso... may kung anong nagsasabi sa kanya na wag kagatin ang naging tanong nito.
"How?"
"A lot of people want to see your worth, they will pay you millions in just one night."
In just one night? Sex ba tinutukoy nito?
Naakit siyang pumayag sa naging offer nito, kung milyon milyon man ang ibabayad sa kanya para lang maka sex siya ay talagang kukuhanin na niya ito.
"I'm in."
"Good, I'm Doctor Cat.. if you're are free tonight my crew will fetch you tonight"
"Sige."
"Okay! Wait for 10 mins and find a black van outside your residence."
Sinunod niya ang utos nito at pagkatapos ng 10 minutes ay agad siyang bumaba sa lobby. Tama nga ang kausap niya dahil may nakaabang na black van sa may labas.
Nag-ayos siyang mabuti at nag-suot ng red dress para maging mas kaakit akit sa kung sino matitipuhan siya. Wala na siyang pake kung sing pangit man ng pwet ng kabayo ang papatol sa kanya, kung sobrang yaman naman ito ay handa siyang pumikit.
"Sino ba iyang doctor cat na iyan?" Bungad niya sa driver na nagbukas ng van para sa kanya, naka surgical mask ito na mas lalo pa niyang ikinataka.
"Secret po iyon, mam. Heto po ang blindfold pakitakip po sa mata niyo dahil tago po ang lugar na pupuntahan natin."
Hindi na siya umangal pa at agad niyang isinuot ang blindfold, naramdaman niya ang paggalaw ng sasakyan ilang segundo pagkatapos niyang takoan ang kanyang mata.
Pagkalipas ng kalahating oras, ay natagpuan niya ang sarili sa isang liblib na lugar. Walang masyadong bahay na naroroon at mas ikinataka pa niya ng dalhin siya sa isang abandonadong gusali ng driver.
"Eto na ba iyon? Grabe naman, kala ko mayaman."
Sinalubong siya ng isang lalaking naka lab coat at surgical mask, lihim siyang natawa ng mapansin ang headband nitong may tenga ng pusa.
Ano bang klaseng lugar ng mga baliw ang pinasok ko?
Namangha ang kanyang mga mata ng pasukin niya ang gusali, malayong malayo ito sa hitsura mula sa labas. Maayos, malinis at isang tipikal na opisina ang naabutan niya.
Iginaya siya ng lalaki sa isang opisinang nasa dulo, puti ang pinto nito at nakalagay ang "Doctor Cat" sa labas. Pagkapasok niya ay sinalubong siya ng isang matandang nasa 50's ang edad, naglalaro ito ng chess kasama ang isang babae.
"Uhmmm excuse me?"
Lumingon ang dalawa sa kanya, abot tenga naman ang ngiti ng matanda nang siya'y makita tila kanina pa siya inaasahan nito at malakas ang kutob ni Venus na ito ang kausap niya.
"Ikaw ba si Doctor Cat?"
"I am."
BINABASA MO ANG
Worth ✔️
HorreurHave you ever thought about how much someone can pay just for your body? Have you ever thought about your WORTH?