Leonard III

55 26 14
                                    

"Tol, putangina.."

Tama ako, may kung anong site dito na tinataguan ng kung sinong demonyo, tiningnan ko muli ang app sa cellphone ko at napuno ako ng kaba dahil mas lumakas at mas malapit na ang red light. 

Malapit na ako sa anak ko..

"Oliver... hintayin mo si Papa.." Bulong ko. 

Iniwan namin si Doctor Cat sa kotse para kung sakaling masagip namin ang anak ko ay maabutan siya sa kotse. Sa pagiging sundalo ko, matagal ko ng kinain ang kaba, matagal ko ng tinanggal iyon sa sistema ko pero sa mga panahong ito, iyon na lang ang bumabalot sa katawan ko.

"May tao?"

Nauna ako sa paglalakad at sumenyas akong wala, pakiramdam ko ay mga mga traps dito dahil hindi naman nila iiwanang walang tao ang isang site kung walang security system.

I worked my way up to the fence, I tried my best to move as fast as possible bago kami mahuli ng kung sino. Binato naman sakin ni Perseus ang mga ammo bago siya umakyat at sumunod sa akin.

Kinilatis ko ang paligid at naghanap ng traps. Kumunot naman ang noo ko dahil wala akong mahanap ni isa.

"May trap?"

"Wala.."

"Oh edi masaya!"

"Shhhhh, huwag tayo magpakampante."

Inikot ko ang aking tingin at mabilisang sumulyap muli sa aking phone, the red light is located to our right direction kaya agad akong naghanap ng pwede naming dadaanang tago.

Isang maliit na awang sa likod ng bahay ang aking napansin, nasa gitna ito ng pupuntahan naming parang bodega at isang saradong garahe. Kung kasyuwal kaming maglalakad siguradong pagbabarilin kami ng kung sino mang nagmamanman.

"Right!"

Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa awang, sa kung paano kabagal ang paglalakad namin kasalungat naman ng nararamdaman kong kaba. It's been 2 years since I last saw my son, sana.. sana makikilala niya ko.

Nang makapasok kami sa bodega, madilim at marumi ang bumungad saming dalawa ni Perseus. Kung nandito man ang anak ko, siguradong nanlalamig na iyon.

"Oliver? Nandito si Papa.." Tawag ko.

"Papa.."

My eyes began to water pagkatapos ko marinig ang boses ng aking anak, It's been two years since I last heard that word.

"N..Nasaan ka, Oliver?"

Bago pa ko makaalis sa kinatatayuan ko, agad akong pinigilan ni Perseus sa paghahanap kay Oliver.

"Tol, sabi mo nga.. naging masyadong madali ang paghahanap natin sa kanya. Baka.. trap ito.."

Hindi ko na nagawa pang sumagot nang isang maliit na pigura ang nakakuha sa aming atensiyon. Nagsimulang tumunog ang radar ko, kaya agad kong tinapat ang flashlight sa direksiyon nito.

I smiled as I saw him, hawak ang kanyang laruang pusa. Marungis at may mga sugat sa kanyang binti, sobrang sakit makita siya sa ganoong kalagayan pero masaya pa rin ako at sa wakas nakita ko na siya.

Bago pa ko pigilan ni Perseus ay agad na kong dumiretso papunta kay Oliver, mabilis ko siyang niyakap at binuhat. Sobrang saya ko na hawak ko na ang baby ko, hawak ko na ang anak ko.

"Uwi na tayo, nak.."

Bago pa ko ulit makapagsalita, umalingawngaw sa aking tenga ang sunod-sunod na putok ng baril, pagkalingon ko sa direksiyon ni Perseus, naabutan ko na lamang siyang nakahandusay sa sahig.

"Hands up, sniper.."

Sinubukan ko silang pagbabarilin ngunit nahuli ako ng tumarak ang isang injection sa aking leeg. Unti-unting nawalan ng lakas ang mga binti ko, alam kong mabibitawan ko si Oliver kaya agad ko siyang binaba. Nahihilo, nasusuka at nawawalan ako ng paningin. Rinog ko ang iyak ni Oliver pero wala akong magawa, ayokong mawala ang anak ko pero sadyang napakahina ko.

********

THIRD PERSON'S POV

Nagising si Leo sa isang puting kwarto, naka strap ang bakal ang kanyang buong katawan kaya hindi niya magawang ikalas ang sarili sa upuan.

Nang bumalik ang kanyang paningin, una niyang hinanap si Oliver. Sigurado siyang mapapahamak ang anak niya kung hindi siya gagawa ng paraan para makaalis.

"Ganda ng gising ah?"

Napalingon siya sa speaker na nasa ceiling, kumunot ang noo niya bago niya napagtantong may kung sinong nanunuod sa kanyang galaw.

"ANONG KASALANAN KO SA IYO AT PATI PAMILYA KO DINAMAY MO?!" Bulyaw ni Leo, wala na siyang lakas para lumaban pa. Kung kailangan niyang magmakaawa para maligtas si Oliver ay gagawin niya. Walang lugar ang tapang niya kung ang buhay ng anak niya ang nakasalalay.

Imbes na siya'y sagutin, isang malakas na tawa ang bumalot sa kwarto. Puro mura na lang ang lumalabas sa kanyang bibig dahil sa magkahalong emosiyon ng takot at galit na namamayani sa kanyang dibdib.

"Wanna play?"

Isang TV screen ang nilagay ng isang lalaki sa harap niya, nang buksan ito agad niyang nakita si Oliver sa isang malawak na kapatagan.

"If you can kill me, bubuhayin ko ang anak mo pero kung hindi.. well.. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Huminga ng malalim ang magiting na sundalo, hindi siya pwedeng lamunin ng takot at pag-aalinlangan. Kailangan niyang mailigtas ang anak.

"You have 10 mins to kill me, if you cant. Your son will be the first human bait in my shark aquarium"

Kung sino man ang nasa likod ng larong ito ay siguradong iikot ang leeg mamaya sa kamay niya. Masiyado ata nitong minamaliit ang kanyang galing pagdating sa ganitong laro.

Tinanggal ang straps mula sa kanyang kamay, mabilis niyang sinapak ang lalaki at kinuha ang baril sa dibdib nito bago tuluyang tumumba sa sahig. Sinubukan niyang barilin ang straps na bakal sa kanyang paa pero makailang ulit na niya itong tinutukan at pinutukan pero wala pa ring kahit dent na nasisira.

"Oops!"

Mabilis niyang hinanap ang cord na nakaconnect sa upuan, kung hindi man niya makakalas ang bakal kailangan niyang sirain ang cord na nagooperate sa upuan..

Puro muli ulit ang lumabas sa kanyang bibig ng mapagtantong gawa ito sa titanium.

"Ready to see your son's death?"

10 minutes passed, nagsugat na ang paa niya sa pilit na pagkakalas pero wala siyang magawa. Hinang hina na siya at alam niyang sa mga sandaling iyon ay wala na siyang magagawa.

"Ako na lang patayin mo.. huwag lang si Oliver.." Pagmamakaawa niya habang pinapanuod ang anak na dinadala papuntang aquarium.

"Ayoko, boring masiyado. I want to see your face as you watch him die"

Isang malakas na sigaw ang bumalot sa pandinig ni Leo, mariin niyang pinikit ang kanyang mata pero kahit ilang beses niyang piliting maging ignorante alam niya kung kaninong palahaw iyon. Wala ng mas sasakit pa sa sitwasiyon niya, nang binuksan niya muli ang kanyang mata tanging dugo na lamang mula sa aquarium ang kamyang nakita.

"Game Over."

Worth ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon