Leonard I

61 30 17
                                    

THIRD PERSON'S POV

10 YEARS AGO..

"Tol, nakakain ka na ba?" Tanong ni Perseus sa kaibigang si Leonard. Nasa Barracks sila at inaantay ang kanilang commander para payagan sila makauwi.

Kagagaling lamang nila mula sa isang mission at dahil sa pagkakatagumpay at napagdesisyunan ng nakakataas bigyan sila ng isang buwang bakasiyon. Halos kwarentang sundalo ang binigyan nito, kasama si Leonard at Perseus.

"Kamusta na kaya asawa mo noh?" Tanong niya muli.

Nagkibit balikat lang si Leonard dahil kahit siya ay wala ng naging balita sa pamilya niya, halos isang buwan na rin kasi, simula ng itinigil ang mga komunikasiyon sa labas. Kaya sobrang saya niya ngayon dahil makakabawi na rin siya sa lubos na pangungulila.

Sana lamang ay kilala pa siya ng anak niyang si Oliver, iniwan niya kasi ito noong tatlong taong gulang pa lang ang bata. Halos dalawang taon na rin niyang hindi nakikita ito kaya kabado siya at baka hindi na siya kilala.

"ATTENTION!"

Tumigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa at sabay-sabay na timayo para humilera at magbigay galang sa isang lalaking darating, ang mga sundalo ay sumaludo sa tuwing dadaanan ito sa kanilang harapan.

"Congratulations, Sargeant Leonard Romulo. I've heard that you gained the most kills after the mission.."

Medyo nahihiya pa ito sa narinig, minsan lang kasi kung pumansin ang kanilang commander at first time pa nitong mag-congratulate sa TEAM-235.

********

Matapos ng naging meeting ay agad na rin silang hinatid palabas ng barracks, kasama ang bonus at mga kung ano ano pang mga regalong pasasalamat ng ilan sa mga naligtas na biktima.

"Grabe noh? Makikita ko na ren si Mylab ko.." Saad ni Perseus.

"Kailan ka ba kasi mag popropose? pag patay ka na?"

Napakamot ng batok ang kanyang kaibigan, hindi naman mapigilan ni Leonard matawa sa hiyang mukha nito. Paano ba naman? Nagawa na atang lumaban ng buong tapang ni Perseus sa kahit anong laban pero ang laban sa pagibig hindi niya magawang lagpasan.

"Tol, halos 3 years na rin kayong magkasama ni Jasmine. Nag-aantay na iyon ng proposal mo."

Napatingin si Leonard sa hawak na laruang sundalo, bigay ito ng isang batang babae na nailigtas nila. Napangiti na lamang siya pagkatapos maalala ang sinabi ng bata sa kanya.

"Bigay niyo po ito sa anak niyo po! Para po maalala niya parati po na best soldier po kayo para sakin!"

Nakasakay sila ni Perseus sa kotseng nirentahan nito, nakatira ang kaibigan sa Cavite habang siya naman ay sa Binondo. Buti na lamang at ihahatid siya nito pauwi.

Walang mapaglagyan ang kanyang emosiyon ng makarating ang kotse sa tapat ng kanilang bahay, ganun pa rin ang estraktura nito simula nung lumisan siya dalawang taon na ang nakakaraan. Malinis, maayos at halatang alagang alaga ng kanyang asawa.

"Oh paano ba yan? Video call na lang tayo ah! Kamo pag may oras kayo, bisita naman kayo sa condo ko. AT TSAKA NGA PALA! Bawal kayo pumasok hangga't walang dalang hamonado si Pat!" Paalala ni Perseus bago bumaba ang kaibigan.

Nang makaalis ang kotse ni Perseus, dahan dahan siyang humarap sa tapat ng kanilang bahay. Nagtataka lamang siya dahil ang tahimik at walang ilaw ang loob, siguro'y namasyal ang mag-ina lalo na't hindi naman niya sinabing uuwi siya.

*********

LEONARD'S POV

Ano na kayang hitsura ng anak ko? Sigurado akong kasing gwapo ko ang batang iyon. Si Pat kaya? Sana hindi naman siya galit sakin dahil nawala ang koneksiyon ko sa kanila.

It's been 2 years since I left home, marami akong mga pagkukulang bilang haligi ng tahanan. It's a part of my job to protect the country and I felt bad for not fully protecting my family.

Dahan-dahan kong pinindot ang doorbell ng ilang beses at baka naroroon si Yasmin na kasambahay namin, pero mukhang wala rin..

Nagtaka naman ako ng agad kong nabuksan ang pinto ng bahay, may tao kaya sa loob? Masama ang hindi naglolock kahit nasa loob, hindi ko namang maalala na gawain ito ni Pat.

"HONEY!! I'M HOME!!!"

Bungad ko sa bahay pero isang nakakabinging katahimikan ang sumagot sa akin, nagsimula na kong makaramdam ng takot at mabilis na umakyat sa second floor.

Ang pagkakatanda ko ay nagpagawa ako ng kwarto para kay Oliver kaya dumiretso muna ako doon.

Pagkabukas ko ng pinto, mga gulo gulong gamit at laruan ang bumungad sa akin. Napakunot ang noo ko dahil halatang ilang linggo ng hindi nalilinis ang kwarto.

Hindi na ko nag-abala pang pumasok kaya dumiretso na ko sa kwarto naming mag-asawa. Ganoon rin ang bumungad sakin, gulo gulong bed sheet, mga nagkalat na gamit na halatang matagal ng hindi nalilinis.

"Meow.."

Napatingin ako sa baba ng isang pusang itim ang hinihimas ang kanyang katawan sakin. Umupo ako sa sahig at pinagmasdan ang pusang nagpapalambing. May nakakakabit na collar dito na may pangalan at sigurado akong alaga ito ng anak ko dahil bata pa lamang ay mahilig na si Oliver sa pusa.

"Doctor Cat? hahaha.." Natawa ako sa kakaibang pangalan nito, halatang si Oliver rin ang nag-pangalan at hinayaan lang ni Pat.

Pagkatapos ng ilang sandaling paglalambing nito sa akin, naglakad si Doctor Cat pababa ng hagdan. Sinundan ko ito hanggang sa makarating kami sa kusina.

Kinakalmot niya ang pinto sa laundry room, ano kayang meron doon? Hinawakan ko ang pistol na nasa buksa ng aking pantalon kung sakaling may kung sinong nakapasok sa bahay.

Nakasarado ang pinto kaya pilit ko iyong dinamba, ilang ulit kong tinulak ito gamit ang aking katawan.

Nasira ang pinto at bumungad sa akin ang isang napakasangsang ng amoy, medyo nanlabo ang aking mata dahil sa pagkabigla. Teka-- Alam ko ang amoy na iyon..

Amoy laman loob..

"P..Pat?"




AUTHOR'S NOTE:
HAPPY 1K READS MGA KUPAL!

Worth ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon