Keros VI

78 48 14
                                    

"Nakita mo ba yung video ni Keros kasama si Ma'am Carla?" 

Usap-usapan ngayon sa buong restaurant ang kumalat na video mula sa isang hotel, makikita doon si Keros na sinusubsob ng asawa ni Sir Chua sa inidoro. Ilang araw na ang nakalipas simula ng kumalat iyon pero hindi pa rin nila nakikita ang dalagang pumasok ng trabaho, pati rin si Sir Chua ay hindi makitang nag-tatrabaho sa kanyang opisina.

"Tingin mo? Nagtanan sila?"

"Excuse me? Magtrabaho kayo." Sita ni Coleen sa dalawang waitress na nag chichismisan, napairap na lang sekretarya dahil sawang sawa na siya sa ganitong usapan na ilang araw na rin niyang naririnig.

Pinabalik ni Carla ang dating manager ng restaurant na lalo pang kinagulat ng lahat, kalimitan kasi ay hindi nangingielam ang ginang sa business ni Sir Chua pero mukhang ngayon ay siya na ang nag-mamanage nito.

"Okay na ba ang likod ng counter, Coleen?" Tanong ni Carla nang makapasok ang sekretarya sa opisina.

"Okay naman po, Ma'am"

"Sino sino na ba ang nagalaw ng asawa ko dito sa Restaurant? I wanna fire them, I don't like hoes running around the place"

Napalunok si Coleen nang marinig ang tono ng boses nito, sigurado siyang galit na galit ang babaeng nasa harap niya. Sino ba namang asawa ang magiging kalmado kung alam niyang napasukan na ang lahat ng butas na nasa restau ng kanyang asawa?

"I saw you gulped, you're fired."

*******

"Mama? Okay ka lang po ba?"

"Okay naman ako nak.."

Ilang araw na ring nasa hospital si Keros para bantayan ang kanyang ina, nanatiling sikreto ang nangyari noong nagpunta siya sa hotel. Alam niyang wala na rin siyang mukhang mahaharap sa restaurant kaya mas pinili na lang niyang itigil ang pagtatrabaho doon.

Nang malaman ni Sir Chua ang nangyari, pinagbantaan siya nitong ibabaliktad ang kwento kung hindi siya mananahimik. Binigyan rin siya ng fifty thousand bilang kabayaran sa nangyari, pero alam niyang hindi yun tatagal lalo na sa sitwasiyon niya ngayon.

Mabuti na lamang at nandoon si Warren para tumulong, sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya dahil kahit papaano ay natutulungan niya ko sa pag-aalaga kay Mama sa hospital.

"Kumain ka na ba?"

Natigilan ako sa pag-iisip ng dumating si Warren, may dala itong dalawang supot na may styro sa loob. Halatang halata ang pagod sa kanyang mukha dahil kakagaling lang nito sa trabaho.

"Ilapag mo na lang sa lamesa, mamaya ko na lang kakainin."

Imbes na sundin ang sinabi ko, lumapit siya sa inuupuan ko at tumabi. Binuksan ang dalawang styro at inilapag ang isa sa hita ko, abot tenga ang kanyang ngiti habang nakakatitig sa akin.

"Kakain ka, kasi kailangan mo ko sabayan!" Napailing na lang ako sa sinabi niya, lihim rin akong napangiti dahil sobrang effort niya sa akin.

"Balak ko maghanap ng trabaho bukas, pwede ka bang umabsent ng isang araw sa restaurant?" Tanong ko, natigilan siya sa pagkain at saglit na tumahimik.

"Baka naman mapahamak ka ulit.."

"Huwag ka mag-alala, hindi na ko papasok sa ganoong sitwasiyon."

******

"Ate available pa po ba yung job hiring para sa waitress?"

Nasa Quiapo si Keros para maghanap hanap ng mapapasukang trabaho, may nakapagsabi kasi sa kanya na mas madaling makahanap doon lalo na't samu't saring restaurant ang nakapaligid.

Halos kalahating oras na rin siyang naglalakad lakad para makahanap ng bakanteng posisyon pero ni isa ay walang nagpaunlak sa kanya. Gutom na rin ang sikmura ng dalaga pero ang dala niyang pera ay para lamang sa pamasahe.

"Oy KUYAAAA!"

Napalingon si Keros sa isang lalaking tumatakbo papunta sa kanya, sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi agad siya nakagalaw nang hablutin nito ang kanyang wallet.

Ilang sandali pa bago siya bumalik sa ulirat, ang unang nasa isip niya ay habulin ang lalaking kumuha ng kanyang pera dahil kailangan niya iyon para makauwi.

Mabuti na lamang at hindi masyadong matap ang Quiapo ng araw na ring iyon, mabilis niyang nahanap ang lalaki at sinundan ito.

Ilang minuto rin siyang nakipaghabulan hanggang sa makadaan siya sa isang eskinita, sinusundan pa rin niya ang lalaki pero bigla na lamang nawala ito ng lumiko sa isang masikip at madilim na eskinita.

Nagpalinga linga ang dalaga pero wala na ang lalaki, nagtataka rin siya kung bakit sa gawing iyon ay walang taong napaparaan. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba lalo na't sa mga ganitong lugar nagtatago ang mga sindikato.

Bago pa siya makaalis, isang papel ang dumikit sa kanyang paanan. May nakalagay dito "NEED MONEY?", kaya mas lalo pa siyang kinain ng kuryosidad.

Nang makuha ang papel, napakunot ang noo niya dahil isang doctor ang nasa picture, masaya itong nakangiti na para bang inaanyaya siya.

Sa hindi malamang dahilan, agad niyang hinanap ang nakalagay sa address.

*******

Hindi aakalain ni Keros na makikita niya ang kanyang sariling nakatayo sa harap ng pintong iyon.

Mula sa magulong lugar ng Quiapo hanggang sa isang liblib na lugar ay tila parang bangungot na sa kanya, nakaramdam siya ng kaba habang papalapit sa lugar na sinasabi ng address, hindi niya alam kung anong nag-aantay sa kanya mula sa likod ng pintong iyon pero handa siya sa kug ano mang haharap sa kanya. Hindi niya mawari kung bakit naisipan niya pa pumunta rito pero alam niyang ito lang ang magiging huling pag-asa niya para masalba ang ina.

Isang lalaki ang bumungad sa kanya ngunit nakatakip ang mukha, mabilisan siyang pinapasok at hinatid sa isang opisina.

Maayos, malinis at hindi halatang para sa karumal-dumal na negosyo ang kanyang pinasukang silid, kabado man ay inilapat niya ang paa papasok upang kilalanin ang taong tutulong sa kanya.

Bago pa man siya makapagsalita ay agad na siyang tinanong ng lalaking nakaupo at bumungad sa kanya.

"Magkano ka?"

Hindi alam ni Keros ang kanyang isasagot, Hindi niya alam kung anong tinutukoy niyo pero ang mas namayani pa sa utak niya ay hindi niya rin alam ang kanyang halaga at natatakot siyang presyuhan ang sarili dahil wala namang mahalaga sa kanya.

"Hindi ko po alam.."

Ngumiti ang matandang lalaki at kinuha ang isang chessboard na nasa drawer ng kanyang lamesa.

"Maglaro muna tayo para tiyakin ko ang halaga mo.."

Worth ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon