"Keros, tawag ka ni Sir Chua."
Kakasara lang ng restaurant nang tinawag si Keros ng kanilang amo, puno ng kaba ang kanyang nararamdaman lalo na't hindi naging maganda ang unang araw niya sa trabaho.
Halos lahat ng kaniyang katrabaho ay nagsi-uwian na, iginaya siya ni Coleen papasok ng office kung saan nandoon si Sir Chua.
"Good Evening, sir"
"Good Evening, have a seat."
Nanatiling nakangiti ang matanda habang siya'y tinititigan, medyo hindi naging komportable ang dalaga sa ganoong trato kaya pinilit niyang ialis ang isip sa tingin ng amo.
"Alam mo bang samu't saring reklamo ang natanggap ko ngayong araw dahil sa iyo?"
Hindi agad nakasagot si Keros sa bungad ng kanyang amo. Oo, sigurado siyang mga kasamahan niya ang nagreklamo noon lalo na ang manager nilang kanina ay sinisigawan at minumura pa siya.
"Opo, pasensiya na po talaga.." Sinserong sagot ng dalaga, pilyong ngumiti ang matanda habang pinagmamasdan ang kabuuan niya.
"Hindi mo naman kailangang danasin ang hirap sa likod ng aking restau, pwede naman kita ilagay sa cashier."
Hinawakan ni Sir Chua ang kamay ni Keros na parang inaanyaya pa siya lalo para pumayag, hindi alam ng dalaga kung anong isasagot. Alam niya ang mga kwento kwento tungkol sa ginagawa ng kanyang amo pero natutukso siyang pumayag dahil doble sa sahod niya ang kinikita ng mga cashier.
"P..Pagiisipan ko po.. Uwi na po ako.." Mabilis na inalis ni Keros ang nakapatong na kamay ng matanda, kinuha ang kanyang bag at nagmamadaling lumabas ng opisina.
Nakahinga siya ng maluwag pagkatapos isara ang pinto ng silid, sakto namang naglilinis ng mga lamesa si Warren nang lumabas siya.
"Uy Warren! Baka naman ma-overwork ka niyan."
Medyo nahihiyang ngumiti ang binata sa kanya, ang pagkakaalam niya ay walang dagdag sahod kahit overtime ka pa kaya hindi niya maintindihan kung saan kumukuha ng kasipagan ang bagong kaibigan.
Aalis na sana si Keros ng hinabol siya ng binata, medyo nagkatinginan pa sila ng ilang sandali kaya agad siyang nag-alis ng tingin.
"H..Hatid na kita."
******
"Salamat sa paghatid.. Warren.."
Tumango ang binata at agad na umalis, nahihiya pati si Keros dahil hindi man lang niya ito naihain ng hapunan.
Pagkapasok niya sa bahay, laking pagtataka niya na patay lahat ng ilaw. Naisip niyang baka may pinuntahan lang ang kanyang ina pero pasado alas dose na ng gabi kaya saan pa ito pupunta.
"Nay?"
Nang bumukas ang ilaw, wala siyang naabutan sa salas. Nakaramdam siya ng kaba lalo na't hindi natutulog mag-isa sa kwarto ang ina hangga't wala siya.
Sumilip siya sa kwarto at nandoon nga ang kanyang ina, hindi na sana niya ito gagambalain pa ng may napansin ang kanyang mata.
"Bote ng gamot?"
Dahan-dahan siyang lumapit at halos kumawala ang kanyang puso ng makita ang bumubulang bibig ng ina.
Hindi na niya alam pa ang gagawin kaya agad niyang binuksan ang bintana at nagsisigaw mula doon.
"MGA KAPITBAHAY TULONG!!'
Nanginginig siyang nag-dial ng ambulansiya, habang pumasok ang ilang tanod para buhatin ang kaniyang ina palabas. Humihinga pa ito ngunit nag-aagaw buhay, mangiyak ngiyak siya habang nilalagay ang kanyang ina sa stretcher at mabilis na ipinasok sa ambulansiya.
Hindi na niya nagawa pang sumunod papasok at napagdesisyunang sumakay na lang sa tricycle. Dinala naman siya ni Manong Cecilio kahit walang bayad papuntang hospital.
Ilang oras ang nakalipas at naabutan na siya ng umaga doon, kahit pagod pilit niyang binubuksan ang mata para malaman kung anong nangyari sa ina. Nasa ICU pa rin kasi ito at ginagamot ng mga doctor, nanginginig ang kamay ng dalaga habang palinga linga sa pasilyo.
"Ma..lumaban ka.." Bulong niya sa hangin.
Lumabas ang doctor na nakatoka sa kanyang ina at agad naman itong lumapit sa kanya, mukhang hindi maganda ang kalagayan nito dahil halata ni Keros sa mukha ng doctor.
"Doc.. Ano pong nangyari?"
"Nag-overdosed ang ina mo sa gamot, hindi maganda ang lagay niya ngayon dahil nag cause ng abnormal beating ang gamot na iyon sa puso niya. I've seen the records of your mother from these past 2 years, may sakit ang ina mo sa puso.. kung hindi mo na magagawan pa ng paraan.. She might die for less than a month.."
Nangangatal ang bibig ni Keros pagkatapos marinig ang sinabi ng doktor, nagpaalam agad ito at iniwan siyang nanginginig sa pasilyo. Siguro siyang magiging totoo ang sinabi ng doktor kung hindi niya gagawan ng paraan ang kondisyon nito.
Alam ng dalagang may sakit sa puso ang kanyang ina, pinayuhan na rin sila na ipaopera ito pero kailangan ng isang milyon para dito. Saan naman siya makakahanap ng ganoong kalaking pera? Ni isang daang libo nga ay hindi niya alam paano magawan ng paraan.
Dumungaw siya sa bintana ng ICU at nandoon ang nakaratay na ina, mangiyak ngiyak habang pinagmamasdan ito. Siguro'y naisip na rin nitong magpakamatay kaya ginawa ang sobrang pag-inom ng gamot pero para kay Keros, kahit mahirap ang kalagayan nila... lalaban siya..
Ayaw niyang mawala ang tanging babaeng nag-kupkop sa kanya..
![](https://img.wattpad.com/cover/228209167-288-k267192.jpg)
BINABASA MO ANG
Worth ✔️
HorrorHave you ever thought about how much someone can pay just for your body? Have you ever thought about your WORTH?