LEXUS' POV
Naabutan namin ang mga pulis sa crime scene, wala na doon ang katawan ni Tin pero hindi pa nila nalilinis ang natirang dugo nito sa lapag. Binakuran ito ng mga awtoridad at halos hindi rin kami makalapit sa dami ng tao.
Sa totoo lang, malapit ang naging aksidente sa bahay namin. Pakiramdam ko ay papunta si Tin kagabi sa amin kaso wala naman akong maisip na dahilan kung bakit siya sasadya.
Wala pa rin sa ulirat si Rob habang pinapanuod ang mga pulis sa pag-iimbestiga. Ilang minuto ang nakalipas at isang babaeng pulis ang lumapit sa amin, may hawak siyang papel na nasa ziplock bag. Pabalik-balik ang naging tingin niya doon pati sa amin bago siya tuluyang magsalita.
"Uhmmm, Excuse me? I'm Sergeant Mary, nice to meet you"
Kapwa kami nakipagkamay sa babaeng pulis, kapwa rin kaming nagkatinginan dahil wala kaming ideya sa nangyayari.
"So, natagpuan itong picture sa crime scene. Kamukha mo ang kasama ng biktima sa larawan, anong koneksiyon mo sa kanya?"
Napamaang ako sa naging tanong ng pulis sa akin, wala akong matandaan na nakipag picture ako kasama si Christine. Iniharap ng pulis ang picture at tama nga ito dahil ako ang lalaki sa larawan.
Pero bakit kami magkasama?
"Natatandaan mo ba ito?" Muli niyang tanong sa akin, napailing lamang ako habang hindi pa rin mawala sa isip ko
kung saan ako nakapag papicture.Tinanong kami ng pulis kung pwede ba kami sumama sa presinto, pumayag naman agad ako para na rin maging malinaw sa akin ang lahat.
Nang makarating kami sa istasyon ay agad akong sinalubong ng dalawang imbestigador. Seryoso ang kanilang mga mukha habang pinag-aaralan ang dalawa pang gamit na natagpuan nila sa crimescene. Pinapasok nila ako sa investigating room habang si Rob naman ay naiwan sa labas, puno ng kaba ang aking dibdib pagkatapos nilang humarap sa akin.
"Kaano ano mo si Christine Reyes?"
"K..Kaibigan po.."
"Kung kaibigan mo ang dalaga, bakit mayroong love letter kaming natagpuan sa kanyang bulsa?"
Inihirap nila sa akin ang isang sulat na nasa ziplock bag, binasa ko iyon at mas lalo pa kong naguluhan. Wala kaming relasyon ni Christine, ni hindi ko nga iyon gusto? Bakit magpapadala siya ng sulat sa akin?
Nasa kalagitnaan kami ng diskusiyon nang biglang isang pulis ang pumasok, humahangos ito at may dalang video tape sa kanyang kamay. Mabilis niya iyong inilapag sa lamesa at pinayuhan ang mga imbestigador na i-play ang naturang video, galing daw iyon sa CCTV na nakakita kung paano kinidnap si Christine.
Hindi ko alam kung bakit kabang kaba ako, wala naman akong kasalanan diba? Galing ako sa drag racing kagabi, lango ako ng alak pero dumiretso naman agad ako sa bahay.
Nang i-play ang video, makikita si Christine na tinatahak ang madilim na daan, palinga-linga ito at papunta sa direksiyon ng bahay namin. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong maisip na dahilan para pumunta si Tin ng madaling araw sa bahay namin.
Nag-aalangan itong naglakad pabalik sa kanyang pinaggalingan ng isang lalaki ang humarang sa kanya, hindi masyadong maaninag ang mukha nito pero mayroon siyang pangangatawang kapareho ng akin. Naka body suit rin ito ng pang drag racing at naka helmet pa, hinablot niya si Tin at dinala sa kotse.
"Mukhang kilala ng biktima ang suspek ah?" Komento ng isang pulis.
"Ikaw ang pinaka malapit na suspek sa pangyayari, kailangan mong dumito muna habang nag-sasagawa kami ng imbestigasiyon. Tatawagan namin ang iyong mga magulang para malaman nila na sa aming kostudiya ka muna." Dagdag pa nito.
Hindi ko alam, wala akong alam! Bakit parang sinasabi nilang ako ang pumatay kay Christine? Hindi ako nag-dadrag racing gamit ang kotse, tsaka isa pa nasa bahay na ko ng ganong mga oras.
Hindi kaya? si Rob iyon?
*********
"Oo, pupunta ako ng Palawan tomorrow morning.."
"Selling properties? Why would I do that? I'll just manage them para mapakinabangan.."
Pinatay ni Romuel ang tawag sa telepono, gabi na pero hindi pa rin bumabalik ng bahay ang anak niya. Nakauwi na rin ang asawa niya at dumiretso na sa kwarto, ayaw naman niyang matulog hangga't hindi pa nakakauwi si Lexus.
Prente siyang umupo sa sofa at nanuod ng T.V, matutulog na lang siya pag nakauwi na si Lexus. 10 pm na ng gabi pero wala pa rin ito. Tinawagan niya ang cellphone ng binata pero walang sumasagot.
Isang tawag mula sa telepono ang natanggap niya, agad siyang tumayo para sagutin ito. Ang tawag ay mula sa istasiyon ng pulis, sabi nila na nandoon daw si Lexus at doon muna mag-iistay para sa isang imbestigasiyon.
Puno ng kaba si Romuel ng malaman ang sitwasiyon ng anak, hindi siya pwedeng pumuntang Palawan kinabuksan kung si Lexus ay nasa kulungan. Mabilis siyang bumalik ng kwarto para magpalit bago dumiretso sa nasabing istasyon.
"Hon, saan ka na naman ba pupunta?" Tanong ng asawa sa kanya, mukhang naalimpungatan ito dahil sa ingay habang nagbibihis siya.
"Business Meeting" Pagsisinungaling niya, hangga't maari ay ayaw niya itong mag-alala. May sakit sa puso si Maru kaya kailangan niyang pakalmahin ang asawa hangga't maari.
Nang makarating sa Police Station, walang emosiyong humarap si Romuel sa mga pulis. Tinanong niya kung anong naging kaso ng anak pero ang sabi ng mga ito ay under-investigation pa si Lexus.
"Lexus..."
Nasilayan niya ang anak sa glass window ng investigating room, umiiyak ito habang nakatukod ang buong mukha sa lamesa. Siguro siyang walang kinalaman ang anak niya sa nangyaring pagpatay, kilala niya si Lexus at hindi nito kayang gumawa ng ganoon.
Hindi na niya naisipan pang kausapin ang anak, tumawag siya ng private investigator para kung sakaling may mandaya sa anak ay may back up siya. Alam niya kung paano manloko ang pulis, kung wala silang mahanap na suspek. Gagawa sila ng paraan para gawing may sala ang pinaka malapit.
Inabot na siya ng alas tres sa police station, nandoon pa rin si Lexus sa investigating room kasama ng iba pang mga imbestigador. Bumili siya ng makakain ng anak sa pinakamalapit na restaurant, dinamihan na niya dahil medyo matakaw si Lexus. Inihatid ito ng isang pulis papasok at ipinaalam niya na sabihing sa kanila galing iyon at hindi sa kanya dahil siguradong hindi kakakain ng anak kung malamang sa ama niya galing ang pagkain.
Wala siyang magagawa, kung ang maging kontrabida sa buhay ng anak ang magiging kapalit para mailigtas lang ito ay gagawin niya.
BINABASA MO ANG
Worth ✔️
HorrorHave you ever thought about how much someone can pay just for your body? Have you ever thought about your WORTH?