Pagkauwi ni Keros ay agad siyang dumiretso sa hospital para i-check ang kalagayan ng kanyang ina, kabado ang dalaga habang nakasakay sa tricycle dahil sa takot sa kung anong abutan niya.
Pagkarating niya ay wala na doon ang pinsan niya, tulog ang kanyang ina kaya hindi na niya pa ito naisip gisingin.
Mangiyak ngiyak siya sa kung anong sinapit ng ina, hindi niya mawari kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo. Sila pa ang pinapahirapan ng ganito.
"Lumaban ka lang, ma."
"Kamusta na ang mama mo?"
Gulat na napalingon si Keros sa lalaking nasa likod niya, napakunot ang noo niya ng malaman kung sino ito.
"Sir, bakit ho kayo nandito?"
"Ay hehe.. nakalimutan mo kasi ito."
Isang sobra ang binigay ni Sir Chua sa kanya, nang binuksan niya iyon ay agad siyang napailing sa laman.
"H..Hindi po akin ito.."
"Pero ngayon, sa iyo na. Kailangan mo yan."
Binilang ni Keros ang laman ng sobra kahit nanginginig pa ang kanyang kamay. Isang araw pa lang siya nagtatrabaho bilang manager pero binigyan na siya ng 50k nito, kabado man ay mabilis niyang sinuksok sa bulsa ng jeans ang pera.
"Pwede ko ba makita mama mo?"
Tumango si Keros at iginaya ang matanda sa ICU kung saan naroroon ang kanyang inang nakaratay, nakatingin lang doon si Sir Chua habang nasa likod niya ang dalaga. Hindi pa rin talagawa mawala sa isip niya ang dahilan sa pagiging mabait nito.
"Mukhang hindi ka pa nakakakain, Let me treat you for a dinner.."
"Ah.. eh.. sir pauwi na po ako.."
"I insist though, hindi mo ba ko papayagan?"
Kahit labag sa kalooban ni Keros ay agad siyang sumunod sa gusto ng matanda. Dinner lang naman eh? Ano namang masamang mangyayari sa kanya?
Dinala siya nito sa isang malapit na restaurant mula sa hospital, mukhang sosyalin ang restaurant na iyon kaya nahihiya siyang pumasok kasama ni Sir Chua.
"Good Evening Sir, this way please" Saad ng receptionist.
Dinala silang dalawa sa isang malaking round table na nasa gitna ng malaking chandelier, gold at brown ang theme ng lugar kaya mas lalo pang naging elegante ito da mata ng dalaga.
"Order anything you want.."
Binigyan sila ng menu at napalunok si Keros ng mabasa ang prices, hindi niya alam kung dapat ba siyang pumili ng mahal at bakal ikaltas ito ni Sir Chua sa sahod niya.
"Huwag ka mag-alala, hindi ko iyan ikakaltas sa sahod mo." Aniya, na parang binabasa ang nasa isip niya.
*****
KEROS' POV
"So kamusta na pala ang buhay niyo? I want to know more about you."
"Okay lang naman po, kinakaya pa rin kahit medyo nahihirapan na"
Kumislap ang isang ngiti sa gilid ng labi ni Sir Chua, tila natutuwa pa siya sa kung anong kalagayan ko sa buhay. Inalis ko ang mga pag-iisip at pinagpatuloy ang pagkain.
"Sino naman kasama mo sa bahay?"
"Wala naman po.."
Akala ko ay may isusunod pa siyang sasabihin pero agad rin siyang nanahimik, kanina pa ayaw tumigil ng puso ko sa pag-tibok at may hinala akong may gagawing mali ang lalaking nasa harap ko.
Napakasama ko ba? Hindi ko kasi maintindihan kung anong ginawa ko para tulungan niya ko, gawin niya kong manager at ngayon ay para kilalanin ako. Ano bang meron sa akin? na wala sa kanilang mga katrabaho ko?
Dumating ang waiter at may dala itong dalawang bote ng alak, agad akong umiling sa waiter pero mabilis na kinuha ito ni Sir Chua at binuksan.
"Sir, hindi po ako umiinom ng alak."
Hindi siya nakinig sa akin at binigyan pa niya ko ng basong may red wine na laman, nakakahiya naman kung hindi ko tanggapin lalo na't baka isipin niya na wala akong respeto sa amo.
Kahit hindi ako umiinom, mabilis kong tinungga ang red wine na binigay niya.
"Treat yourself.."
Makalipas ang ilang minuto, halos limang baso na ang nagawa kong inumin. Medyo nahihilo na rin ang aking paningin pero kailangan kong pigilan ang pag-ikot ng paligid.
"Sir.. uuwi na po ako.."
Pinilit kong itayo ang sarili pero bigla akong natumba, mabuti na lamang at nakahawak ako sa lamesa.
"Hayaan mo at ako na bahala sa iyo."
Hindi ko na magawa pang magsalita, umiikot ang paligid hanggang sa dumilim ang aking nakikita.
*****
Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo, parang mababasag ito sa kirot pero pinilit kong umupo.
N..Nasaan ako?
Bago ko pa mapagtanto kung nasaan ako, biglang kumirot ang aking pag-kakababae kaya mabilis kong tinanggal ang kumot na naka talukbong sa akin.
D..Dugo?
"Kamusta ang tulog mo?"
Napatingin ako sa pumasok at nandoon si Sir Chua sa bungad ng pintuan habang nakasuot ng bath robe, may ngiting nakakaloko sa kanyang labi na mas lalo pang nag-paapoy sa galit kong puso.
"Bakit mo ginawa iyon?"
"Huwag ka mag-alala, babayaran kita. Magkano ka ba?"
Saglit itong umalis at iniwan akong nakatulala sa silid. Anong klaseng tanong iyon? Magkano ako?
Bayaran ba ko?
Hindi ko na alam anong magiging reaksiyon ko sa mga nangyayari, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para intindihin ang sinapit ko.
Tanging nagawa ko na lang ay yakapin ang aking tuhod at humiling sa may kapal na isang panaginip lang ang lahat. Hindi ako dapat maging mahina, kailangan kong maging malakas.
Kailangan ako ni Mama..
BINABASA MO ANG
Worth ✔️
HorrorHave you ever thought about how much someone can pay just for your body? Have you ever thought about your WORTH?