Lexus I

224 105 41
                                    

"Saan ka na naman pupunta aber?"

Kumaripas pababa ng hagdan si Lexus nang marinig ang boses ng ina, alas dose na ng gabi at napagdesisyunan niyang dumiretso sa drag racing event malapit sa kanilang university.

"It's 12 in the midnight, Lex! Baka gusto mong bumalik sa kwarto mo!" Bulyaw pa ulit nito, hindi nagpatinag ang binata at agad na kinuha ang kanyang helmet na nasa sofa ng salas, hindi na rin naman siya hinabol ng ina na nasa hagdan at may face mask pa sa mukha. Ngumiti na lamang siya dito at agad na umalis.

Napahilot na lang sa sentido si Mrs. Madrigal habang pinagmamasdan ang anak na palabas ng bahay, kahit kailan ay hindi talaga ito nakinig sa kanya at parati pa ring pumupunta sa kung saan saan. Wala na rin naman siyang magagawa kaya agad siyang bumalik sa kwarto para ituloy ang naudlot na tulog.

"Pre! Saan na kayo? Papunta na ako." Tanong ni Lexus sa kaibigang tinawagan, hindi niya masyadong naririnig ang boses ni Rob kaya sigurado siyang nandoon na ito, binaba niya ang tawag at mabilis na pinaandar ang motor niya.

Nakaabot ang binata sa event bago mag ala una, mukhang hindi pa naman nagsisimula ang karera kaya sumaglit siya sa bar na siguradong nandoon ang kaibigang si Rob.

Pagkapasok pa lang niya ay umalingasaw na sa kanyang ilong ang amoy ng sigarilyo at alak, umaalingawngaw rin ang hiyaw at dagundong ng tugtogan. Hindi na ito bago kay Lexus dahil tambayan nilang buong magtotropa ang bar na ito dahil pag-mamayari ng pamilya ni Rob ang Casa de Bartera.

"Have you seen Gale?" Bungad ni Rob.

Kumunot ang noo ni Lexus sa naging tanong nito, wala naman siyang kilalang Gale kaya nanatili lang siyang tahimik.

"Oh? I forgot, she's my buddy for tonight."

"Buddy? o fuck buddy?"

"Both!"

Palinga linga si Rob sa lugar hanggang sa mawala na siya sa paningin ni Lexus, kahit kailan talaga ay babaero ang kaibigan niya kaya hindi niya malaman kung bakit hindi pa rin ito hinihiwalayan ng girlfriend netong si Tin.

"Is it okay to join you tonight?"

Isang boses ang umagaw ng kanyang atensiyon, lumingon siya sa kanyang likuran at isang babaeng naka red dress ang bumungad sa kanya. Nakakatameme ang ganda nito na sinamahan pa ng pag-kinang ng kanyang mata dahil sa patay sinding ilaw ng bar.

"Uhmmm nawawala ka ba miss?"

"I like your cheeks, it's so round"

Hinawakan ng babae ang kanyang pisnge at ilang sandaling pinagmasdan ito, halos mawala naman sa ulirat si Lexus nang maramdaman ang kanyang pusong halos kumawala sa kanyang dibdib dahil sa presensiya nito.

"Gale? Akala ko kung saan ka na pumunta.."

Pareho silang napalingon kay Rob na humahangos papunta sa kanila, tinaasan siya ng kilay ni Gale at halatang ayaw nito sa kanyang kaibigan.

"I don't like your hair anymore, it's boring! Mas gusto ang cheeks ni Lexus."

******

Walang nagawa si Lexus nang umangkla si Gale sa kanya, english speaking ang babae at halatang galing ibang bansa. Hindi pati malaman ni Lexus kung didiretso pa na siya sa drag racing dahil ayaw umalis ng dalaga sa tabi niya.

Pagkarating nila sa Drag Racing Event, nalaman niya na kailangan ay dalawang sakay ang nasa isang motor para na rin sa pag gugunita nila ng Valentines Day. Nabuhayan ng loob si Lexus dahil pakiramdam niya ay lucky shot si Gale kaya agad na niya itong niyaya para sumama sa kanya.

Pumayag naman ang dalaga pero sa isang kondisyon, siya ang mag dadrive. Napamaang nalang si Lexus habang pinapanuod si Gale na nag-susuot ng kanyang bodysuit at helmet. Sobrang ganda nito dahil yumayakap ang body suit sa kanyang katawan, pakiramdaman pati ng binata ay mananalo sila sa pagiging sexy nito.

Hiyang hiya nang makitang puro lalaki ang magdadrive, samantalang siya ay isang hamak na angkas lang sa likod. Buti nga at wala dito ang parati niyang kalaban sa mga drag racing event dahil siguradong sandamakmak na lait ang makukuha niya.

"If I win this race, would you mind giving me your cheeks?"

Wala sa sariling tumango si Lexus, hindi naman niya alam kung anong ibig sabihin ni Gale pero parang nacecreepyhan na siya sa dalaga nang magtagal.

"The race will starts in 3.... 2... 1.... GO!"

Ikinagulat ni Lexus ang kakaibang pagpapatakbo ni Gale, pakiramdam niya ay mananalo sila sa competition at mas lalong tumibay iyon nang mawala ang mga kalaban nila na nasa likuran na.

"You're good at this.."

"I am, I just like chasing my prey when they escape.."

"Huh?"

Hindi na siya nakakuha ng sagot sa dalaga, mas lalo pa siyang naguluhan sa kung anong ibig sabihin nito.

Pagkatapos ng 15 minutes ay nakarating na sila sa finish line, naiwanan lahat ng kanilang kalaban at ni isa sa mga ito ay hindi nakahabol sa kanila.

"We all know the winner everyone!" Anunsiyo ng host, abot tenga naman ang ngiti ni Lexus nang ibigay sa kanila ang 50k na cash price at malaking trophy.

"S..Sa iyo na lang Gale.."

"Nahh, I'm good. It's yours! I have a better prize to collect anyways.."

"If I win this race, would you mind giving me your cheeks?"

Naalala niya ang request nito kanina, hindi niya pati alam kung anong susunod niya gagawin dahil hindi rin naman niya maintindihan ang ibig sabihin nito. Ang nasa isip niya ay baka hahalikan siya ni Gale sa cheeks pero mukhang hindi naman iyon ang gusto ng dalaga.

"Okay.."

"Nice, I'm Gale Knight. Nice to meet you! I'll be collecting your cheeks tomorrow evening okay?"

Ilang sandali pa ay namaalam na ang dalaga, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung anong gagawin nito sa pisnge niya.

"Kahit kailan talaga ay mang aagaw ka, hayss.."

Narinig ni Lexus ang bulong ni Rob, nakaupo ito sa bench na nasa gilid kaya dahan dahan niya itong nilapitan.

"Sorry na pre, gusto daw niya cheeks ko eh.."

"Ganiyan na lang ba parati Lexus? Kaya takot ako ipakita sa iyo yung mga nagiging fuck buddy or girlfriend ko dahk naagaw mo sa karisma mo"

Isang malakas na tawa ang kumawala sa bibig ni Lexus, natatawa siya dahil sa naging rason ng kaibigan. Agad niya itong niyakap at pinaghahalikan sa cheeks na ikinagulat ni Rob. Pilit naman siyang itinutulak nito palayo.

"Huwag kang mag-aalala, sa lahat ng lumandi sa akin ikaw pa rin ang mahal ko. Kaya huwag ka na mag-selos baby!"

"GAGO!"












AUTHOR'S NOTE
This chapter is a collaboration with keroschix. It's my first time to collaborate with someone so please! Support her UTFG too, that's where Gale Knight came from. So if you're curious about her story, check out keroschix !!!

Love you all!

Worth ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon