THIRD PERSON'S POV
"Show me your naked body." Utos ni Doctor Cat habang nasa isang kwarto sila ni Keros.
Napalunok ang dalaga sa sinambit ng matanda, Siya ba ang magbabayad sa katawan niya? Kahit naguguluhan ay kabadong sinunod ni Keros ang gusto nito, tumayo siya sa harap ng matanda at isa-isang tinanggal ang kanyang saplot.
Ilang sandaling tinitigan ni Doctor Cat ang kanyang katawan, wala naman siyang nakikitang pagnanasa sa mata nito at tanging malalim na pag-iisip lamang ang masusulyapan sa mukha ng matanda. Pakiramdam pati ng dalaga'y pinepresyohan na siya sa isip nito.
"Handa ka ba kung ibebenta kita 4M?" Biglaang tanong ng matanda.
Napanganga si Keros sa laki ng ibabayad sa kanya, ano bang ibig sabihin non? Habang buhay niyang ibibigay ang katawan niya? Hindi naman kasi pwedeng presyohan siya ng milyones para sa isang gabi, isa pa.. hindi na rin naman siya birhen.
"Hindi na po ako birhen, wala pong magpepresyo sa akin ng ganon.."
"Sino nagsabi?" Biglang tumawa si Doctor Cat ng malakas tila nakarinig siya ng punch line kaya napakunot ang noo ni Keros.
Nagsasabi lang naman siya ng totoo eh..
"Alam mo, may pumupunta dito at nagpepresyo ng malaki kahit maluwag na ang mga kweba nila! Minsan katawan ng matanda ang meron sila, kaya bakit ka mahihiyang presyohan kita ng milyon? Ako ang magbebenta sa iyo kaya magtiwala ka lang"
Kinindatan siya ni Doctor Cat bago ito tumayo at dumiretso sa kanyang opisina. Nang makaalis ang matanda, nanatili pa rin siyang nakatayo doon dahil hindi niya marehistro sa isip ang naging paguusap nila, Paano kaya kung walang bumili sa kanya? Paano kung mabalewala lang ang sakripisiyo niya?
Sandali niyang iwinaksi ang ang bagay na pumupunuo sa isip niya, ang mahalaga ngayon ay magkapera, kinuha niya ang kanyang damit na nagkalat sa sahig at dumiretso sa kwartong pinahiram ni Doctor Cat sa kanya.
*********
"Nasaan po tayo?"
Alas singko ba ng umaga at nasa isang casino sila ni Doctor Cat, pinayuhan siya nitong mag-suot ng lab coat katulad ng sakanya para agad na mapag-alamang siya'y kasama nito.
"Dito kita ibebenta, pero hangga't wala pa ang costumer.. huwag ka munang lalayo sakin."
Tila may pagbabanta ang boses ng matanda habang paakyat sila sa grand staircase ng casino, maingay ang loob at punong puno ng mayayamang tao kahit halos mag-uumaga na. May mga nagsusugal, nagiinuman at nagkakasiyahan sa loob. Nang makataas sila iba naman ang bumungad sa mata ng dalaga.
Samu't saring kulungan ang nandoon, malalaki at parang kasukat para ikulong ang isang tao. May mga nakabantay rin dito at yung iba ay may laman pa, may bata, matanda, dalaga at binata. Pakiramdam pati niya ay ikukulong siya doon kapag may nakabili na sa kanya.
"Ikukulong po ba ko doon pag nabayaran na ko?"
Sinenyasan lang siya bigla ni Doctor Cat na manahimik, tila iniiwasan magkaroon ng atensiyon sa kanila. Dinala siya ng matanda sa isang kwarto sa second floor kung saan walang katao tao, nagtaka naman siya pero nanatili siyang tahimik lalo na't ng makita ang seryosong mukha nito.
"Ang mga taong nakakulong sa mga hawlang iyon ay bayad na, pero hindi sila magpapagamit ng katawan para sa isang gabi lang.. nagbenta sila ng parte ng kanilang katawan at inaantay na lamang nila ang bumili non para kuhanin sa kanila." Pagpapaliwanag ng matanda.
"Ikukulong din po ba ko doon?"
Umiling ang matanda at prenteng umupo sa malaking sofa na naroroon, kabado pa rin si Keros at hindi niya alam ang susunod na mangyayari sa kanila. Dito ba dadating ang costumer? Sino kaya ang nakabili sa kanya?
Bago pa siya mapuno ng pag-iisip, isang malaking lalaki ang pumasok sa kwarto. Nakapormal na suot ito at nakamaskara nang makarating, agad namang umayos ng upo ang matanda at inihanda ang upuan sa harap nila.
"Good Morning po.." Bati ni Keros, nakaramdam siya bigla ng hiya dahil parang nabigla ang lalaki sa naging pagbati niya..
"Siya na ba?"
Masayang tumango si Doctor Cat pagkatapos magtanong ng lalaki, muling nakaramdam ng kaba si Keros na mas lumala pa.. Ito ba ang gagalaw sa kanya? Pakiramdam niya ay mahihimatay siya bigla.
"Oo siya na."
**********
"Bakit hindi mo siya binenta ng normal katulad ng mga taong pumupunta dito?" Tanong ni Russel kay Doctor Cat habang naglalaro sila ng chess sa opisina.
"Wala lang.." Tipid na sagot nito.
Tumaas ang kilay ng binata sa narinig mula sa kanyang amo, pagkatapos magkwento ng matanda sa nangyari, pakiramdam niya pati ay naawa ito kay Keros.
"Dapat ay ibinenta mo lang siya katulad ng iba.."
"Mararamdaman niya rin naman ang sakit na naramdaman ng iba."
Nakaramdam bigla ng inis si Russel dahil halatang naawa si Doctor Cat sa dalaga, marahas siyang tumayo at iniwan ang opisina.
Halatang nagkaroon ng interes ang matanda kay Keros, ano bang meron sa kanya? Dahil ba sa nanay niya? Halata namang gawa gawa lang ni Keros iyon para maawa ang matanda. Napasabunot si Russel sa mga bagay na pumupuno sa isip niya, hindi pwedeng mapalitan ang interes ng matanda.
Hindi pwedeng mapalitan siya.
Kumuha siya ng sigarilyo sa bulsa at dumiretso sa labas para magpahangin saglit, nakakunot pa rin ang noo niya at ramdam pa rin niya ang inis sa katawan niya.
"Tanginang babaeng iyon, papalitan pa ata ako sa trabaho ko." Saad niya sa sarili habang nakatingin sa kawalan.
Ramdam niyang magiging bloke ng harang ang dalaga sa kanyang posisyon, kung hindi man matapos ang lahat sa simpleng pagbenta sa kanya at umulit ulit ang pagkikita nila. Siya na ang gagawa ng paraan para mawala ang dalaga sa mata niya.
AUTHOR'S NOTE!
Sorry kung hindi na ganoon kadalas ang updates ko, medyo nabusy lang talaga ako sa mga pinaggagawa ko sa buhay ko. If you're reading this, thank you for being consistent sa pagbabasa. Be safe! -MRG
BINABASA MO ANG
Worth ✔️
TerrorHave you ever thought about how much someone can pay just for your body? Have you ever thought about your WORTH?