Keros III

84 53 16
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Nakita mo ba si Keros?" Tanong ni Warren kay Angela nang makapasok sa trabaho, mabilis na umiling ang dalaga at kinuha ang mga pagkain sa counter.

Puno ng pag-alala ang binata dahil naalala niya ang naging pag-uusap ni Keros at ng kanilang amo kahapon, natatakot siyang baka dahil dito ay mag-quit bigla ang kaibigan.

"Baka nasa hotel.. Alam mo naman si Sir Chua, pag bago take out agad." Bulong ni Ria sa kanya, isa pa nilang katrabaho.

Pumasok ang manager at nagsimulang magsisigaw, hudyat ng pag-babalik sa trabaho. Agad na nagpalit si Warren ng damit pang dishwasher at pumunta sa likod ng kusina.

******

"Late na ko, shet.."

Sunod-sunod ang mura ni Keros habang nag-bibihis, sa sobrang antok kasi ay nakalimutan niya ang trabaho kinabukasan. Buti na lang at dumating ang kanyang pinsan para makipagpalitan sa kanya.

Hindi na rin naka make up pa ang dalaga at agad na dumiretso sa tricycle, puno ng kaba ang kaniyang puso habang umaandar ang sasakyan.

"Sana naman hindi ako tanggalin." Bulong ni Keros sa sarili.

Nang makarating sa trabaho ay malas namang ang sumalubong agad sa kanya ay ang manager, namumula ito sa galit at nakakunot pa ang noo habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa.

"Ma'am, nalate po ako dahil--

Hindi na siya nakapagsalita pa nang lumapat ang kamay nito sa kanyang pisnge, bigla pating nagising ang antok at pagod niyang ulirat dahil doon. Puno ng kahihiyan ang bumalot sa katawan ng dalaga habang pinagtitinginan sila ng mga costumer sa restaurant.

"SADYANG TAMAD KA LANG! YOU'RE 2 HRS LATE! YOU'RE FIRED!" Bulyaw sa kanya.

Nanginginig ang kanyang kamaong nakayukom nang marinig ang sinabi ng manager, kung kailan kailangan na kailangan niya ng pera ay tsaka pa siya tatanggalan ng trabaho.

"What do you mean fired?"

Pareho silang napalingon sa lalaking kakapasok lang ng restaurant, gulat na gulat ang manager at hindi makapagsalita nang mapag-alaman kung sino ito.

"She's.. 2 hrs late.. sir.. That's why.."

Tinanggal ng matanda ang kanyang shades at nakipagtinginan sa manager, seryoso ang mukha ni Sir Chua at halatang hindi natutuwa sa inasta nito.

"You're fired."

Halos lahat ng manggagawa ng restau ay nakatingin sa eksena, sino ba naman hindi mapapatingin? Ang limang taong naninilbihan na manager ay natanggal dahil sa bagong saltang dishwasher.

"But.."

"I can hire new people to manage this whole restaurant, much nicer and much discipline than you."

Pagkatapos ay dinaanan lang sila ni Sir Chua, hindi alam ni Keros kung anong magiging reaksiyon niya sa pangyayari. Matutuwa ba siya o hindi?

Agad na sumunod ang dalaga kay Sir Chua na pumasok sa opisina, pakiramdam niya kasi ay mali ang pagpapatanggal sa kanilang manager.

"Sir.."

Lumingon ang matanda at mabilis na napalitan ng ngiti ang seryosong mukha nito kanina, iginaya siyang umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa na sinunod naman ng dalaga.

"Sir, mali naman po sigurong tanggalin ang manager dahil lang sa dishwasher.." Bungad ni Keros.

"Mali rin na itrato kayong parang mga hayop, alam ko naman ang mga pinag-gagawa niya noon pa lamang. Napuno lang talaga ako."

Sandaling namayani ang katahimikan sa opisina dahil wala ng maisip pang si Keros na dahilan, tama naman si Sir Chua.. mali ng itrato silang parang hayop.

Nabigla ang dalaga ng hawakan ni Sir Chua ang kanyang kamay, medyo nailang si Keros lalo na sa titig ng matanda.

"Nalaman kong sinugod ang iyong ina sa hospital kagabi.."

"Paano niyo po nalaman?"

Inalis ni Sir Chua ang kanyang kamay at prenteng umupo sa kanyang swivel chair. Ang totoo niyan, sadyang gumamit lang siya ng tao para sundan ang dalaga kagabi.

"Kailangan mo pa ba iyon malaman? Ang mahalaga ay ang offer ko sa iyo.."

Napalunok si Keros sa sinabi ni Sir Chua, naalala na naman kasi niya ang usap-usapan ng mga katrabaho at hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon niya sa "offer" na iyon.

"Ikaw muna ang maging temporary manager ng restaurant hangga't hindi pa kami nakakahanap ng bago, pero kung maganda naman ang performance mo.. magiging permanente ka na sa posisyon mo."

Nawala ang pag-aalangan at takot ni Keros sa narinig, makakadagdag iyon sa mga bayarin ng kanyang ina sa hospital. Ang alam niya kasi ay 30k an sinasahod ng manager kaya sigurado siyang malaking tulong iyon para sa kanya at sa kanyang ina.

"K..Kailan po ako mag-sisimula?"

"Ngayon, mag-suot ka ng uniporme para sa mga manager."

Sa sobrang saya ni Keros ay agad siyang tumayo at yinakap ang matanda, mula sa kanyang swivel chair. Hindi niya aakalain na magiging ganito ang second day niya sa trabaho.

Tinawagan ni Sir Chua ang kanyang sekretarya na agad namang pumasok sa opisina, sinabi ng matanda na siya na ang bagong manager at kailangan niya agad matuto sa mga gagawin.

Inutusan rin niya ang sekretarya na ituro ang mga kakailanganin niyang kaalaman pag dating sa pagmamanage ng buong restaurant, halata sa mukha ng sekretarya ang pagkadismaya sa desisyon ng kanilang amo at halatang napipilitan lang ito.

Iginaya siya ng sekretarya sa mga extrang damit para sa mga manager, mabilis na nagpalit ang dalaga at inihanda ang sarili sa mga matutunan niya.

"Kada araw, kailangan mo i-estimate ang naging sales ng buong restaurant."

"Dapat, tinitingnan mo rin kung okay pa ba ang mga kagamitan sa loob ng kusina."

"Kailangan mo ring imonitor ang mga cashier dahil minsan may mga nagkakaaberya diyan."

"Kailangan mo rin i-monitor cleanliness sa buong restaurant."

Lahat iyon ay sinulat ni Keros sa isang papel, tinaasan lang siya ng kilay ng sekretarya habang pinapanuod siya sa kanyang ginagawa.

"Sigurado naman akong hindi ka makakatagal." Bulong sa kanya nito bago tuluyang umalis.

Worth ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon