*Game Day*
"Today, we're gonna witness the match between the Ateneo Lady Eagles and the Adamson Lady Falcons!"
.....
"Jema Galanza is blocked by Wong!" Commentator said.
"With a staredown pa."
Bola ng Ateneo and they got the point again.
"Kat Tolentino serving."
"Received by Paat, Emnas sets it to Galanza."
"Off the block!" at nagstaredown din si Jema kay Deanna.
Ateneo got the 4th set and they extended the match until set 5. Mahigpit ang laban and the crowd's liking it.
"And the Ateneo Lady Eagles ended the match!"
___________________________
Deanna's POV
"Shit! Na-staredown ko si Jema." I said.
"Stop cursing. There are recorders." Suway naman sakin ni Ate Maddie.
After the conference, umuwi na rin kami sa dorm para magpahinga.
Final Four, here we come!
"Congrats guys! We all did a great job kanina." Nakangiting sabi ni Ate Mads.
"Dahil dyan, manlilibre si Wongskie! Hahahah." Asar sakin ni Pongs.
"Ako na naman nakita mo Pauline." Wala ako sa mood makipag-argue dahil iniisip ko pa rin yung staredown ko kay Ate Jema.
"Magluluto na lang kami nila Jules. Nakakahiya naman sa inyo." Singit ni Ate Kat. Nagtawanan naman sila.
After they cooked, kumain na rin kami agad at nagpahinga dahil may training kami bukas. We really need to prepare for the final four kasi hindi biro ang makakalaban namin.
Pagkahiga ko sa kama ay agad kong chineck ang phone ko. Sabog na naman ng notifs ang aking twitter.
'Deanna Wong inistaredown si Jema Galanza.'
Isa pa lang yan sa nakita ko. Trending yung staredown na naganap kanina.
Hay! Ano ba kasing ginawa ko?!
Sa kakaisip ko tungkol doon ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.
.....
Nandito na naman ulit kami sa BEG for the afternoon training. Kanina pa rin ako hindi mapakali dahil sa naganap na staredown kahapon.
"5 minutes break!" Coach Tai yelled.
Dumiretso naman kami sa bleachers at pumunta sa kanya kanya naming gym bag.
"Deanns, okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Ate Jho at uminom.
Honestly, kagabi pa ako hindi makafocus dahil laging sumasagi sa isip ko yung nangyari.
"Uy baby D! Tinatanong ka ni Ate Jho mo." Natatawang sabi ni Ate Bea. Napatingin naman ako kay Ate Jho.
"Ah o-kay lang ako Ate." Umiwas ako ng tingin at uminom ng gatorade.
"Siguro ka baby D? Nahihirapan kasi kami mag-adjust sa set mo."
"Sorry Ate Jho. Bawi ako." Napayuko naman ako.
Ganun na ba talaga ako ka lutang?
"May bumabagabag ba sayo Deans? Naku ah kung ako sayo, magkwento ka." Singit naman ni Pongay.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)