Deanna's POV
Jema and I are already married for two years at malapit nang mag-three years. Kinasal kami sa Taiwan. Malaki ang naging epekto ng kasal sa aming buhay. Mas nakilala namin ang isa't isa, nalaman namin kung ano talaga ang aming kahinaan at kalakasan. Oo, mahirap ang buhay may asawa pero masaya at masarap. HAHAHA! Tumigil na sa paglalaro si Jema dahil nag-undergo na naman siya ng IVF last month at hinihintay na lang namin ang resulta galing kay doc. (A/N: Search niyo na lang po sa google ang meaning ng IVF kung hindi niyo pa po alam hehe.) At para na rin maalagaan niya ng maayos si Aoife.
Iniregalo naman samin ni Dad ang isa sa mga company niya dito sa Manila nung kasal namin kaya kaming dalawa na ng asawa ko ang nagma-manage nun. Ginawa naming 'D&J's Firm Coorporation' ang pangalan ng kumpanya.
"Aoife!!" I shouted while cooking.
"Why are you shouting dada?" Inis niyang tanong nang makalapit sakin.
By the way, Aoife Jeanna G. Wong is already 3 years old. Ginawa naming birthday niya ang araw na nakita namin siya sa labas ng condo and that's May 11, 2***. Three pa lang siya pero magaling nang mag-english. HAHAHA! Lagi kasi naming tinututukan ni Jema. Magki-kindergarten na siya sa pasukan.
"We are going to eat na po kasi kaya umupo ka na dito. I'll just call your mommy." Masigla kong at isinalin ang niluto kong adobong manok sa mangkok.
Sumunod naman si Aoife kaya tinanggal ko na ang suot kong apron at umakyat sa kwarto namin ni Jema. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Kain na tayo love." Malambing kong sabi sa babaeng busy sa pagla-laptop.
"Susunod na po ako." Sagot nito nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Lumapit at tumabi ako sa kanya.
"Masama pong pinaghihintay ang pagkain." Sabi ko dito. Tinignan niya ako at bumuntong-hininga.
"Nag-message si Doc. Pwede na akong mag-pregnancy test. Paano kung hindi na naman mag-positive?" Out of nowhere niyang sagot.
Hayy heto na naman siya. She is starting to overthink again.
Ilang beses na kasi siyang nag-undergo ng IVF pero hindi gumagana. Oo, may anak na kami pero gusto pa rin ng parents namin na magkaroon kami ng anak na galing sa isa samin ni Jema.
Tinabi ko muna yung laptop and cupped her face.
"Tiwala lang love. No matter what the result is, hindi tayo susuko, okay?" Pag-cheer up ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.
"Thank you dahil hindi mo kami sinusukuan ni Aoife kahit sobrang pagod mo na." She said in a sad voice.
"Dahil kayo ni Aoife ang strength ko, nawawala yung pagod ko. So kain na tayo? Naghihintay na yung anak natin at baka naiinip na yun." Natatawa kong sabi nang maalala ko si Aoife. Tumawa lang si Jema at pasimpleng tumango.
"Bakit ang tagal niyong bumaba Dada?" Kunot-noong tanong ng batang nakahalumbaba pa sa mesa.
"Ito kasing mommy mo nag-drama pa." Nakatanggap ako ng hampas dahil sa sinagot ko.
"Baka maniwala yang anak mo." Sabay irap sakin ni Jema. Nag-peace sign lang ako at umupo na.
Nagdasal muna kami at si Aoife ang nag-lead. Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.
"Are you excited for your first day baby?" Tanong ko kay Aoife. Gaya nga ng nabanggit ko kanina, magki-kindergarten na siya sa pasukan.
"Of course Dada. Gusto ko kayong dalawa ni Mommy ang maghahatid sakin ah." Request nito.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)